Chapter 7
Tama, mahal na mahal ni Alex si Robin, na kahit sa tuwing babalik ito sa lost world ay si Robin pa rin ang inaalala nito si Robin ang palagi na nasa isip nito. Kahit si Hermiliah ay muntik nang mapaslang ni Alex dahil sa ginawa nito kay Robin noon.
“Khia, calm down.” Bulong ni Daemon sa tainga niya.
“How am I going to fckng calm down, if this btch is here huh?” Turo nito kay Hermiliah.
Nalaman niya ang ginawa ni Hermiliah kay Alex, she kissed Alex when the girl noticed Robin was there. Nalaman iyon ni Khia kay Marcus. Isang estudyante ang nakakakita sa mga ito. Noong una ay hindi niya tinatanong si Robin ngunit nakumpirma niya ito kay Marcus.
“I didn’t go here to fight with you, Khia.” Hermiliah said at umupo ito sa sofa na katapat ni Xandro.
“Kating-kati, Hermi? Hindi kasi pinili kaya kahit hanggang dito sa mundo ng mga tao ay susunod-sunod na parang aso?” she said.
Marahas na tumingin sa kanya si Hermiliah. Nakalabas ang mga pangil at ang pulang mga mata ay parang papatayin siya sa tingin.
“I am not scared, Hermi btch.” She said.
Nakita niyang napa facepalm si Johnny at Marcus. Kahit noon kasing mga bata sila ay hindi na niya gusto ang ugali ni Hermiliah. Palagi itong nakabuntot sa pinsan niya na si Alex.
Bata palang kasi sila ay nais na nitong makarelasyon si Alex. At ngayon naman ay ganoon ang ginawa nito. Sa harap pa ni Robin.
Sino ang hindi magagalit? Robin is her friend. At gagawin niya ang lahat para lamang sumaya ito.
Robin deserves it. Sa dami ng mga problema at pagsubok na dumating sa buhay nito ay nakakangiti pa rin at nakakatawa. Ipinapakita sa kanilang lahat na okay lang ito.
“Hinding-hindi mo mapapalitan si Robin, Hermi. Walang-wala ka.” She said angrily.
“What are you doing here, Hermiliah?” Xandro asked in a serious tone.
Naitaas naman ng babae ang dalawang kamay dahil sa seryosong tanong ni Xandro. Ang mukha nito na palaging palakaibigan ang dating ay hindi makikita. Seryoso at ang mga mata ay matatalim habang nakatingin sa babae.
“Woah, am I not allowed to go here?” Hermiliah asked.
Khia rolled her eyes. Ito ang isa sa pinakaayaw niya noon kay Hermiliah, tuwing aakalain nito na welcome na welcome ito sa kanilang pamilya. The gut of this girl to go wherever Alex is. Palagi itong nakabuntot sa pinsan niya.
Siguro ay nalaman na rin nito na natagpuan na ni Alex ang katipan kaya’t agad na nakiusap sa ama upang makatawid dito sa mundo ng mga tao.
“How did you got here, Hija?” mahinahon na tanong ni Meredith.
“I asked, papa to help me. I missed Alex!”
Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ito! Hindi na nahiya sa pamilya namin.
“Calm down, Khia.” Daemon said.
Napalingon naman siya sa kanyang tabi dahil sa sinabi ni Daemon. Hinawakan pa nito ang kamay niyang nakakuyom!
“What do you want, Daemon? You will remove your hand or I’ll cut it?” bulong niya sa lalake sa tabi niya.
Hindi na sumagot pa si Daemon at naramdaman na lang niya na tinanggal nito ang kamay sa kamay niya.
“Hija, you know that Alex already found his mate right? It’s not okay to go here.” Aleister said.
Napasimangot naman si Hermi sa sinabi ng mga ito. Hindi na talaga nahiya ang babae dahil mismong mga magulang na ni Alex ang nagsasabi dito tungkol sa mate ni Alex.
“I heard she was taken by the black wizards.” Hermiliah said smiling.
Uh-oh...
Napatuwid ng tayo si Khia nang mapansin ang pagkuyom ng kamao ni Xandro at Alejandro dahil sa narinig nito sa babae.
“If I were you, Hermi uuwi na ako sa lost world.” Johnny said in a serious tone.
“All of us here are not in the mood, Hermi.” Marcus said.
Naguguluhan naman na napatingin si Hermiliah sa mga ito.
“Tita, what if nagkakamali lang si Alex? There’s no way ang mate niya ay isang tao. I saw the girl when I went to the academy. Mukha siyang mahina at tatanga-tanga,”
Khia smiled, kung may mangyari man na hindi maganda sa babae ay hindi siya tutulong. Matutuwa pa siya.
Hermi the btch is digging her own grave.
“Hermiliah!” suway ni Meredith sa babae.
“I saw her fainted when I kissed, Alex. Ganoon siya kahina, Tita Meredith. I’m sure may mali dito. Hindi isang mahinang babae ang nakatadhana kay Alex. Sigurado akong-
Sa bilis ng pangyayari ay napaawang na lang ang labi ni Khia. Naalarma rin ang mga pinsan niya nang makitang biglang sumulpot si Alex at sinakal si Hermiliah.
“A-Alex, h-hindi ako m-makahinga,” Hermiliah said.
Sakal-sakal ito ni Alex at nasa ere. Madali namang lumapit ang dalawang magkapatid kay Alex at tinabanan ito sa magkabilang balikat.
“Who the fck are you to insult my mate in our house? Tell me!”
Nakagat ni Khia ang pang-ibabang labi nang dumagundong ang boses ni Alex sa buong sala. Nakakatakot at walang kahit na sino ang gugustuhin sumagot.
“Do you fckng know how strong she is? Huh? I am still holding my patience on you, Hermiliah.” Alex said.
Yes, Robin is the strongest girl she knows. Naging saksi siya paano nito hinarap ang mga problema sa buhay na may tapang sa mga mata.
Robin’s family was killed. Her bestfriend Conny and Her family was killed. Hanga siya kay Robin dahil nakakangiti pa rin ito at nakakatawa sa kabila ng hirap na pinagdaanan.
Serves you right, btch. Masyado ka kasing pabida. Sana nag-jollibee ka na lang.
Nang bitawan ni Alex si Hermiliah ay naghahabol ito ng hininga. Napabuntong hininga na lamang si Meredith dahil sa nangyari. Hindi niya maaaring pagalitan ang anak dahil sa ginawa nito dahil kahit na sinong bampira kapag ininsulto ang katipan nito ay tiyak na makakaramdam ng sobrang galit.
“You may now leave, Hermi. You are not needed here, btch.” Khia said.
Mabilis na tumayo si Hermiliah at nagmamadaling lumabas ng pinto ngunit nang magsalita si Alex ay napahinto ito. Napatingin naman si Khia sa pinsan at nakaramdam ng takot sa kanyang nakita.
Kitang-kita niya ang nanlilisik na pulang mga mata ni Alex habang nakatingin sa takot na takot na si Hermiliah.
“The next time I heard you talking about my mate like that...”
“I will not hesitate to decapitate you.”
Ang pagmamahal ni Alex kay Robin ay hindi masusukat ng kahit anong bagay. Nakita iyon ni Khia habang kasama niya si Robin at habang nananatili siya sa lost world. Maraming mga pangyayari na nakita niya kung gaano kamahal ni Alex si Robin na kahit pa ang posisyon ni Alex bilang susunod na hari ng mga bampira ay itinaya nito.
Naalala niya noong mapaslang ng hunger vampire ang pamilya ni Conny, naalala niya kung paano magmakaawa si Robin kay Alex na iligtas si Conny, ngunit ang tanging paraan upang mabuhay si Conny ay upang maging isa itong bampira. Hindi nagdalawang isip si Alex na sundin ang sinabi ni Robin, nakita niya sa mga mata ng kaniyang pinsan kung gaano ang pagmamahal nito sa kaniyang kaibigan.
Alam ni Alex na hindi pa ito pinapahintulutan na mag-utos upang gawing bampira ang isang mortal ngunit nang oras na iyon walang pag-aalinlangan siyang inutusan ni Alex, kahit pa alam nitong maaaring manganib ang pangalan nito.
Maraming beses ipinakita ni Alex kung gaano nito kamahal si Robin at ngayon sobra rin ang kalungkutan na nararamdaman niya dahil sa nakikita niya sa kaniyang pinsan.
“Naniniwala ba kayo talaga na... wala na ang mahal na prinsesa?” tanong ni Lica.
Napatingin si Khia sa diwata na nagsalita. Hinding-hindi siya maniniwala. Lalo pa at nararamdaman din niya na buhay pa ito. Maaaring tama ang kaniyang naisip kanina, na ang kaluluwa ni Robin ay naglalakbay lamang. Ang kinakailangan nilang gawin ngayon ay hanapin ito at pabalikin, ngunit iyon ay masyadong delikado dahil kakailanganin ni la ang tulong ng hari ng mga demonyo.
Hindi ko alam, pero alam kong si Alex hindi magdadalawang isip na puntahan ang hari ng mga demonyo. Sa nakikita ko sa kaniya ngayon, desperado na siyang makahanap ng paraan para lang magising si Robin.
Ngunit alam ni Khia na hindi papayagan ni Meredith at ni Aleister ang anak ng mga ito. Hindi dahil masyadong delikado at tuso ang hari ng mga demonyo. Ang mga nilalang na pumapasok sa kaharian nito ay hindi na nakakabalik pa.
“Sana lang ay may makatulong upang muling magising ang mahal na prinsesa, alam kong magaling na wizard si Maxis, kilala siya ngunit sa pagkakataong ito hindi ako maniniwala sa sinabi niyang wala na ang mahal na prinsesa.” Sabi ni Liva.
Hinimas ni Khia ang kanang kamay ni Robin, nang malaman niya ang nangyari dito ay halos mawalan siya ng malay. Ibinalita kaagad sa kanila na wala na si Robin at hindi niya kinaya ang balitang iyon.
Marami pang paraan, alam ko... makakayanan natin ito.
Muli niyang makikita ang mga ngiti ni Robin, ang tawa nito na kaysarap pakinggan.
Conny, tulungan mo kami, gabayan mo kami, kailangan ni Robin mabuhay para sa kanilang dalawa ni Alex, kailangan nila ang isa’t-isa.
Nagulat si Khia nang lumapit sa kaniya ang isang diwata at punasan nito ang mga luha na tumutulo sa magkabilang mga pisngi niya.
“Huwag ka nang lumuha, Khia, magiging maayos din ang lahat. Nakita ko na malakas ang mahal na prinsesa, nakita namin iyon habang nanatili siya sa silid sa kastilyo ng tharbun. Isa siyang matapang na babae at makakayanan niya ito, makakabalik siya sa piling ng susunod na hari ng mga bampira.” Sabi ni Lica.
Tumango naman siya sa sinabi ng diwata at ngumiti dito.
“Oo malakas siya at matapang na babae, makakayanan niya ang pangyayaring ito, isa pa, hindi basta-basta sumusuko si Robin, alam kong kahit wala siyang malay ngayon ay gumagawa siya ng paraa para makabalik sa atin.” Sabi ni Khia.
“Tama, ngunit ang nakakakaba ay baka biglang lumusob dito ang black witch na si Khalisa. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng takot para sa mahal na prinsesa. Tiyak kong hangga’t hindi napapaslang ang blakc withc ay hindi ito titigil. Hindi ito titigil hangga’t hindi napapaslang ang natitirang lahi ng mga verthron.” Sabi ni Liva.
Nang marinig ni Khia ang sinabi ni Liva ay umahon ang galit sa kaniyang dibdib. Hindi niya hahayaan na muli pang mahawakan ng black witch si Robin. Dadaan muna ito sa bangkay nilang lahat na mga nagmamahal kay Robin. At alam niyang hindi rin hahayaan ni Alex na masaktang ang minamahal nito.
“Huwag kayong mag-alala, gagawa kami ng paraan para mapaslang ang black witch na may gawa nito kay Robin.” Sabi niya.