Chapter 25 Hindi alam ni Robin kung ano ang sasabihin niya matapos ng mga narinig niya kay Alejandro. Parang tumigil ang kaniyang mundo nang marinig rito na magkasama si Alex at Hermiliah at naging isa na ang mga ito. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha sa kaniyang mga mata, napalunok siya at kinabog ang dibdib niya ng makaramdam siya ng sobrang sakit doon. Nang mapaluhod si Robin ay kaagad na lumuhod sa kaniyang harapan si Alejandro at si Xandro. “Mahal na prinsesa!” sigaw ng mga diwata. “Robin!” sigaw ni Khia. Nanginginig ang mga kamay niya na humawak sa braso ni Xandro. Nang ingat niya ang tingin rito ay napapikit siya sandali ng mariin. Nakita niya ang awa sa mga mata ni Xandro habang nakatingin sa kaniya. Hindi niya inaasahan na sa paggising niya ay ganoong balita ang bubungad sa

