Pakiramdam niya ay musika iyon sa kanyang pandinig. "Hmm?" "Okay lang ba sa'yo kung magtagal tayo rito hanggang sa matapos ang kasal nilang dalawa?" "No problem. I don't mind." KATATAPOS lang maligo ni Ally pero inaantok siya. Masarap kasi sa balat niya ang pagdampi ng hangin. Parang hinihila siya papunta sa kama at mag-siesta. "Ally?" Agad na nagising ang diwa niya nang marinig ang boses ni Gael sa labas ng kwarto. Mabilis niya itong pinagbuksan. "Yes?" pigil ang ngiting tanong niya. Bagong-ligo rin ito gaya niya. "Samahan mo 'ko. Mamasyal tayo," nakangiting sabi pa nito. Na-excite naman agad siya sa narinig. "Saan?" "Kahit saan. Ano, game ka?" "Oo ba!" "Great!" Hinawakan siya ni Gael sa kamay at hinila. Hindi na siya nakaangal pa. "Diyan tayo sasakay?" hindi makapaniwalang

