XVII.

1154 Words

CHAPTER NINE "NAHIHILO ka pa rin ba?" tanong sa kanya ni Gael pagkababa nila ng jeep sa harap ng isang simbahan. "Okay na 'ko," tugon naman ni Ally at ngumiti. Ang totoo ay mas kinakabahahan siya lalo na at naririnig niya ang tugtog ng gitara mula sa loob ng simbahan. Mas inaalala niya ang makita si Gino kaysa ang pagkahilo na halos wala na rin naman dahil malaking bagay ang ginawang pag-akbay sa kanya ni Gael. "Idederetso na namin ang mga gamit ninyo sa bahay," si Aling Marcie. "Sumunod na kaayo kaagad para makakain na kayo ng almusal." "Maraming salamat po ulit," sabay nilang sabi ni Gael sa mag-asawa. "Walang ano man. Masaya kaming makatulong," si Mang Kanor. Tumuloy na sila sa gate ng simbahan. Nakaakbay pa rin si Gael kay Ally. Palakas nang palakas ang kabog ng kanyang dibdib ha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD