MASAYANG-masaya si Ally matapos kumpirmahin ni Tita Hasmine na pumayag ang kapitan na makipag-usap sa kanila mamayang hapon. "Babatukan ko talaga nang matindi ang Gino na 'yon kapag nagkita kami," napabungisngis pang sabi niya habang papunta sila sa isang malaking puno ng mangga. "Kapag nakita mo si Ghia, ano'ng gagawin mo? Kakaladkarin mo ba siya pauwi sa Italy?" "Bakit ko naman gagawin 'yon? Grabe ka. Masama pa rin talaga ang tingin mo sa 'kin." May bahid ng pagtatampo sa boses ni Gael. Nag-peace sign naman si Ally at ngumisi. Sa totoo lang ay pinagsisisihan niya na pag-isipan ng ganoon si Gael. "Babatukan ko rin siguro si Ghia. Pambawi man lang sa konsumisyong ibinigay niya sa 'kin." Hindi niya iyon inaasahan kaya natawa talaga siya. May sense of humor din naman pala ito. "You don

