CHAPTER EIGHT NIYAYA sila ni Gael ng mag-asawa na mamasyal sa palayan pero nagdahilan si Ally na magpapahinga na lang muna. Hindi nila alam kung hanggang kailan sila sa poder nina Tito Gener at kung saan sila susunod na pupunta. Pinili niyang manatili sa bahay para tingnan ang mga lumang gamit ni Gino. Magbabaka-sakali siyang makakahanap doon ng bagay na magbibigay sa kanya ng ideya kung saan pwedeng pumunta si Gino bukod sa mga kaibigan nito. Pumasok siya sa kwartong malapit sa hagdan. Wala raw gumagamit doon kaya ginawa na lang na bodega. Doon daw nakatago ang mga lumang gamit ng pamilya. Halos lahat ng nakikita niya ay mga gamit sa eskwela at paglalaro ng magkapatid. Gino must have had a wonderful childhood. Pinahid niya ang isang inaalikabok na tupperware at agad ding napabahing. Na

