Ayaw niyang masira ang sandaling iyon kaya sasamantalahin na rin niya ang pagkakataon. Ipinikit niya ang mga mata at umunan sa dibdib ni Gael. Pero parang mas tumindi lalo ang kagustuhan ni Ally na labanan ang antok dahil gusto niyang sulitin ang mga sandali nang gising. Hinaplos ni Gael ang kanyang buhok. Ally moaned softly. Ayaw talagang magpatalo ng antok. Sunod na naramdaman niya ang paghalik ni Gael sa ulo niya. Hindi niya alam kung bakit iyon nito ginawa. She was too sleepy to even ask. But she felt heavenly and secured. Lalo niyang isiniksik ang sarili kay Gael at wala naman siyang narinig na reklamo. HINDI alam ni Ally kung para saan ang guilt na nararamdaman niya habang nakikita ang lungkot at pagkadismaya sa mukha ng mga magulang ni Gino. Mainit ang pagtanggap ng mag-asawa sa

