MUKHANG ANO mang sandali ay babagsak ang ulan. Laking pasasalamat ni Ally dahil meron pa rin siyang pagkakataon na kunin mula sa sampayan ang mga damit bago pa man mabasa ang mga iyon. Si Gael na muna ang pinaayos niya ng mga pinamili nila sa kusina. Merong kubo sa likod-bahay nina Aling Marcie at sampayan. Doon na lang isinampay ni Ally ang mga damit. Patapos na siya nang tuluyang bumagsak ang ulan na may kalakasan. Kahit papaano ay nagpapasalamat siya. Imbes nga lang na bumalik na agad sa bahay ay nanatili muna siya sa kubo at pinagmasdan ang ulan. Hindi niya maipaliwanag pero may kung ano sa ulan na nakakapagpakalma sa kalooban niya. Hindi na maalala ni Ally kung kailan siya huling naligo sa ulan. It must have been a very long time ago. Huminga siya nang malalim at iniunat ang braso p

