XXIII.

1158 Words

CHAPTER TWELVE "ALLY, hija, pwede ka bang makausap?" Napalingon si Ally kay Aling Marcie habang naghuhugas siya ng pinggan. Si Ally ang nagprisintang gawin iyon pagkatapos nilang maghapunan at hindi naman ito nakatanggi. "Tungkol po saan?" Lumapit ito sa tabi niya. "Pwede ba 'kong humingi ng pabor sa'yo? Kung pwede sana, iwan muna namin sa inyo ni Gael ang mga bata. Tumawag ang kapatid ko at isinugod daw sa ospital si Nanay. Marami na kasi siyang nararamdaman sa katawan niya dahil sa komplikasyon ng diabetes. Walang magbabantay sa kanya sa ospital. Isang araw lang naman kami doon. Kung hindi lang naman kami nakaabala." Puno ng pag-aalangan ang mukha ni Aling Marcie habang nagpapaliwanag. "'Yon lang po ba? Naku, wala pong problema. Wala naman kaming planong lakad ni Gael bukas, eh. Ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD