Week 5 How to Design Conflicts

1805 Words
I. Conflict Background A. Lucas' Conflict Background * Hindi kumbinsido si Lucas na namatay ang ama niya sa isang aksidente. At ang insedenteng iyon ay umepekto ng malaki kay Lucas. Ang dating masayahin at palangiting bata ay lumaking malamig at matigas na binata. Pero kahit ganoon ay nagmamalasakit pa rin siya sa mga kaibigang hindi siya iniwan at sa mga taong pinagkatiwalaan ng kanyang ama na kinkotrol ngayon sa pamamagitan ng takot. Alam niyang may lihim na itinatago ang pumalit sa pwesto ng kanyang ama sa grupong binuo ito.  B. Anastasia's Conflict Background * Mayroon na si Anastasia ng lahat. Lumaki siyang mayaman, maganda at may mapagmahal na pamilya. Kahit na namatay ang ina niya noong bata pa siya ay lumaki naman siyang masaya at mabuting tao sa piling ng ama. Pero para sa kanya ay nakakainip at nakakasawa na ang buhay na kinagisnan niya. Kaya naman gustong-gusto niyang gumawa ng mga bagay na hindi niya karaniwang ginagawa, kahit na puno ito ng panganib. II. Conflict with others A. Lucas' Conflict with Others * Napuno na si Lucas sa mga ginagawang ilegal ng bagong lider ng Vindicta, ang grupong binuo ng ama niya. Kaya naman inihanda na niyang kumprontahin ang lider nito na si Toreno. Galit si Lucas kay Toreno at sa alalay nitong si Adonis. Ito ang mga pinaghihinalaan niyang  pumatay sa ama niya. *Nagulat si Lucas nang malaman na ang pamilya ni Anastasia ang target nila Toreno. At gagawin niya ang lahat para pigilan ang pagpatay sa mag-ama. Malaki kasi ang utang na loob ng grupo at nang ama niya sa ama ni Anastasia. Maililigtas ni Lucas si Anastasia pero hindi ang ama nito at mahuhulog ang loob niya sa dalaga kahit na ayaw niya itong ipasok sa magulo niyang mundo. Maaalala niyang nagkita na sila noong mga bata pa lang sila at sa bar. Pero hindi magtitiwala si Anastasia sa kanya nang malaman ng dalaga na galing siya sa grupong pumatay sa ama. B. Anastasia's Conflict with Others * Si Anastasia lang ang pinagkatiwalaan ng ama para hawakan, protektahan at ilabas sa publiko ang mga impormasyon na siyang magdidiin at kakailanganin para malitis ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno. At nang mamatay ang ama ay siya naman ang hinabol ng isang senador na dating kaibigan ng kanyang ama. Hihingi siya ng tulong dito sa pag-aakalang kaibigan ito. *Mawawala ang ala-ala ni Anastasia nang panandalian. At nang malaman niya na grupo nila Lucas ang pumatay sa ama niya ay mawawalan siya ng tiwala dito kahit ito ang nagligtas sa kanya. Pero habang tumatagal ay mahuhulog din ang loob niya sa binata. Aakapin niya ang mapanganib na buhay nito at ito ang tuluyang magbabago sa nakaka-inip at paulit-ulit na buhay ni Anastasia. Chapter III Nakakunot ang noo at salubong ang mga kilay na naglalakad si Lucas papasok ng mansyon ng yumaong ama. Bagama’t siya ang nag-iisang anak ng kanyang ama ay ngayon lang siya muli makakapasok sa mansyon mula ng mamatay ito mula sa isang aksidente. Nasa likod ng matangkad at balingkinitang binata ang lima niyang kaibigan.  Lahat sila ay naka-suot ng itim na amerikana at balat na sapatos. Maayos ang mga buhok at kita ang kompyansa sa mga mukha.             Padabog na binuksan ni Lucas ang malaking pintuang gawa sa narra at nadatnan niya ang mga tauhan ng lalaking humalili sa posisyon ng ama niya. Si Toreno. Isang sakim, walang awa at mukhang perang lalaki na may kapansin-pansing pababang pilat sa kaliwang pisngi nito.             Napatingin sa may pintuan ang mga lalaking naroon pero walang bakas ng kaba sa kanilang mga mukha. Lahat ay naka-suot ng itim na long-sleeve shirts at abala sa pagbubuo at pag-aayos ng mga baril. Ang iba ay abala naman sa paghahanda ng mga bala.             Sinalubong ng isang lalaking may mahaba at unat na buhok sila Lucas. Nakangiti ito at nakabuka ang mga kamay na para bang tinatanggap sila bilang mga bisita. May kakaiba itong ngiti pakanan na kung titignan ng maigi at nakaka-irita. Siya si Andonis. Lumapit ito kay Lucas pero mabilis na humarang ang dalawang kasama ni Lucas sa harapan niya. “What the hell, man?!” nakangising bulalas ng lalaki habang nakatingin kay Lucas. “Sobrang protective naman nitong mga kaibigan mo!” “Nasaan si Toreno?” malamig na tanong ni Lucas. “Boss Toreno,” pambabara ni Adonis. “Kahit kailan hindi ko naging amo ang amo mo,” sagot ni Lucas habang matalim na nakatingin sa kausap. “Para kayong mga aso! Sumusunod basta painan ng pagkain.” Kitang-kita ang pagkapikon sa mukha ni Adonis. Namula ang mga tainga nito at lumalim ang paghinga. Sa samahan kasi nila ay isang malaking insulto ang maikumpara sa isang aso. Umatras ito mula sa kinatatayuan habang itinatango-tango ang ulo at pagkatapos ay kasing bilis ng liwanag na umunday ito ng saksak sa dalawang nakaharang sa kanya. Pero mabilis na nasalo ng isa sa mga kasama ni Lucas ang braso niya, pinilipit ito at tuluyang binali. Nakita ito ng iba pang mga lalaking nandoon at tinutukan nila ng baril sila Lucas. Pero hindi man lang natinag sa kintatayuan ang anim. Bumunot din sila ng mga sandata at itinutok sa mga lalaking naroon. “Sinasabi ko sa inyo. Kung hindi ninyo ilalabas si Toreno, dadanak ang dugo sa mansyon na ito,” banta ni Lucas habang nakatutok sa namimilipit na si Adonis ang hawak na .357 revolver. “Wala kang utang na loob, Lucas! Wala!” “Kayo ang walang utang na loob!” pabulyaw na sagot ni Lucas. “Isang tanong na lang, nasaan si Toreno?!” Matapos noon ay magkakasabay na narinig ang pagkasa ng mga baril sa mansyon at ramdam sa paligid ang tensyon sa pagitan ng dalawang panig. Hanggang sa isang malaking boses ang umawat sa kanila. Isang boses na pamilyar kay Lucas. Ang malakas na boses ng taong hinihanap niya. Si Toreno. “Lucas! Aking inaanak!” nakangiti nitong bati habang bumababa ng hagdan. Kitang-kita ang mga ginto nitong ngipin na tila ba sadya niyang ipinapakita ito. “Ibaba ninyo ‘yang mga baril ninyo, baka magkasakitan kayo. Malamig na tingin ang isinagot ni Lucas sa kanya. At hindi nila ibinaba ang kanilang mga baril. Alam na alam ni Lucas kung gaano katraydor si Toreno. Alam na alam niya kung gaano kahalang ang bituka nito. Lumapit ang malaking lalaki na nasa lagpas limampung taong gulang na. Kulay ginto ang buhok nito at nakasuot ito ng putting terno ng amerikana at pantalon. Nakangiti pa rin ito na tila ipinagyayabang ang mga ngipin niyang ginto. “Bakit ka nandito?” Hindi sumagot si Lucas. Tinignan lang niya ang lalaki habang dahan-dahang ibinababa ang hawak na baril. “Sabihin mo ano ang kailangan mo?” muling tanong ni Toreno na itinaas ang kanang kamay para ibaba na ng mga tauhan niya ang mga baril. “Matagal din tayong hindi nagkita.” “Itigil na ninyo ang ginagawa ninyo. Dinungisan na ninyo ang pangalan ng tatay ko! Binuo niya ang Vindicta para tumulong sa mga naaapi! Sa mga pinagkaitan ng katarungan! Hindi para maging mga hitman, durugista, pusher at bodyguards ng mga tiwaling opisyal! Wala kang utang na loob Toreno! Itinuring kang parang kapatid ng tatay ko!” galit at sunod-sunod na sabi ni Lucas. Pumikit at pagkatapos ay tumawa ng pagkalakas-lakas si Toreno. Umupo siya sa isang silya, yumuko, tumigil sa pagtawa at biglang tumingin ng matalim kay Lucas. “Patay na ang ama mo. Wala na siyang magagawa. At ano bang mapapala mo kung malilinis mo ang pangalan ng ama mo? Hindi na maibabalik noon ang buhay niya! At kung wala akong utang na loob. Sana, lahat ng mga taong ito na iniwan niya ay pinabayaan ko na. Pero hindi, Lucas. Binigyan ko sila ng kabuhayan!” “Pinatay mo na ang kalahati sa mga tauhan ninyo!” “Pinalitan ko na sila ng mga mas bata at mas may pakinabang.” Hindi na napigilan pa ni Lucas ang galit na nararamdaman. Para sa kanya, isang kalapastanganan sa grupong itinuring niya at ng kanyang ama bilang mga tunay na kapamilya ang ginawa ni Toreno. Umalis sa pagkakaharang ang dalawang kaibigan ni Lucas at mabilis na sinunggaban ni Lucas ang nakangising matanda. Pero bago niya maabot si Toreno ay naharangan agad siyang ng mga baril na sinundan ng isang tunog ng telepono. “Boss, may tawag po kayo. Si Senator Aguirre po,” sabi ng isang lalaking lumapit kay Toreno dala ang isang wireless na telepono. “Sandali lang Lucas,” nakangisi nitong sabi sabay kuha sa telepono. Kasunod noon ay ang pagpalibot ng mga tauhan ni Toreno kina Lucas. “Hello? Oh! Senator Edgar Aguirre! Ano ng balita? Oh? Papaalis na sila Don Harold De Vera? Sige, papunta na ang mga tauhan namin para patahimikin siya.” Lumaki ang mga mata at nagngalit ng ngipin ni Lucas nang marinig ang pangalan ng sunod na target nila Toreno. Si Don Harold De Vera, isa sa pinakamatalik na kaibigan ng kanyang ama. Ang isa sa mga tumulong para maitatag ang Vindicta. Ang taong pinagkakautangan nila ng malaking utang na loob. “Hindi mo ‘to pwedeng gawin kay Don Harold! Isa siya sa mga dahilan kung bakit naitatag ang Vindicta!” sigaw ni Lucas sabay sugod, bunot ng baril at tutok kay Toreno. Itinutok naman ng mga tauhan ni Toreno ang mga sandata nila kay Lucas. “USB?” tanong ni Toreno sa kausap sa telepono at tila hindi man lang natatakot sa banta ni Lucas sa kanya. “Itim na flash drive? Sige. Makakaasa kayo!” “Toreno!” “Iputok mo! Kahit patayin mo ako ngayon Lucas hindi hihinto ang pagtapos namin kay Don Harold,” nakangiti at kampanteng sabi ni Toreno na ibinaba na ang hawak na telepono. “Wala akong pakialam sa utang na loob! Pera ang nagpapatakbo sa isipan ko! Milyon ang bayad para sa ulo ni De Vera at ng anak niya.” Tuluyan ng napatid ang pisi ni Lucas. Ipinutok niya ang baril na hawak. Umalingawngaw ang putok noon sa buong mansyon. Ngunit hindi tinamaan si Toreno. Mabilis na natabig ni Adonis ang kamay ni Lucas na nagpatalsik rin sa baril nito. Pumalag ang mga kaibigan ni Lucas pero hindi nila napansin na dumami na ang mga tauhang nasa loob ng mansyon. Naging madali para sa mga tauhan ni Toreno na bugbugin ang mga kasama ni Lucas. “Huwag ninyo silang patayin,” nakangiting utos ni Toreno. “Ang mga nakatoka sa trabaho para kay Senator Aguirre, umalis na kayo. Ang mga maiiwan. Lumpuhin ninyo ang anim na ‘to hanggang sa hindi na sila makalakad.” Matapos noon ay umakyat si Toreno na tila walang nangyari. Kinuyog ng mga tao sila Lucas. Pinilit nilang lumaban. Napatumba nila ang ilan, pero sadyang madami ang mga tauhan ni Toreno. Wala silang nagawa kundi ang tumakas mula sa mala-bagyong pag-atake sa kanila. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD