Week 6 How to Create a Dialogue

311 Words
Scene 1: Nang buksan ni Anastasia ang pinto ay bumungad kanya sa kanya ang ama. Pawis na pawis, gulo ang damit at bitbit ang isang malaking maleta. Anastasia: (Nagulat sa hitsura ng ama.) “Dad, what’s happening?”  Don Harold: (Hinihingal) “Kailangan nating umalis. Magmadali ka. Tulungan mo akong mag-impake." Anastasia: “Ano bang nangyayari? Bakit mo ginanyan ang mga damit ko?! Bakit kayo nagkakagulo?!”  Don Harold: “Nasa panganib tayo!” Anastasia: (Naiinis)“Nasa panganib? Why? What happened? Ipaliwanag n’yo po kasi ng maayos!” Don Harold: “Basta! We need to get out of here!” Scene 2: Kinausap ni Anastasia si Lucas nang bumalik ang lahat ng kanyang ala-ala. Anastasia: (Seryoso) "Bakit hindi mo agad sinabi sa akin ang totoo?" Lucas: (Nakatalikod kay Anastasia ) "Ginawa ko 'yon para protektahan ka." Anastasia: "Sinungaling! Mga ka-grupo ninyo ang pumatay sa ama ko! Siguro ay binihag ninyo ako sa pag-aakalang may makukuha pa kayo sa 'kin!" Lucas: "Huminahon ka. Hindi ganoon 'yon, Ana." Anastasia: "Sige, ipaliwanag mo! Tignan natin kung paano magpaliwanag ang isang kriminal na kagaya mo!" Lucas: (Humarap na kay Anastasia ) "Tinago ko ang katauhan mo sa'yo para protektahan ka! Dahil napamahal ka na sa akin! At hinding-hindi ko hahayaang mapahamak ka!" Scene 3:  Anastasia: (Nakatutok ang baril kay Toreno) "Ilabas mo si Lucas!" Toreno: (Nakangisi) "Paano ko ilalabas ang taong wala naman dito?" Anastasia: "Sinungaling! Ilabas mo si Lucas dahil kung hindi..." Toreno: (Tumawa ng malakas) "Kung hindi ano? Ano ang magagawa mo?! Mag-isa ka na lang napakarami pa namin! Wala kang magagawa, Anastasia! Siguradong dito ka ililibing!" Anastasia: "Hayop ka! Hayop ka talaga!" Toreno: "Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin! Dahil malapit na kayong magkasama ng ama mo. At magpasalamat ka! Dahil malaking karangalan para sa inyong mag-ama na parehong mamatay sa mga kamay ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD