Week 3 How to Write the Beginning

2202 Words
Kahit masaya at masigla ang tugtog ay malungkot at ekspresyon ng mukha ni Lucas habang pinapaikot ang ilang yelong natira sa kanyang baso. Naka-limang shot na siya ng whiskey at ayaw na niyang magdagdag pa. Hindi naman kasi siya nandoon para maglasing. Nandoon siya para sa isang misyon at para mag-relax na rin ng kaunti. Bagama't nakatalikod sa karamihan at nakaharap sa display ng mga alak ay alam ni Lucas ang nangyayari sa paligid. Nakakalat kasi ang mga kaibigan niya sa buong night club at patuloy na nagrereport sa mga nangyayari. Kailangan kasing maging alerto sila dahil isang mailap at malupit na tao ang hinahabol nila. Hindi pulis sila Lucas at ang mga kasama niya. Pero sila ang gumagawa ng trabaho para sa mga pulis na madalas na nasusuhulan lang ng mayayaman. At ginagawa nila ito ng libre, para sa mga mahihirap at naaapi. Nakaramdam ng pagkainip si Lucas kaya humarap siya sa bandang entablado ng night club kung saan marami ang nagsasayawan. Inilibot niya ang kanyang mga mata at napako ang tingin niya sa isang babaeng sumasayaw. Naka-suot ang babae ng itim na mini dress. Napakaganda ng mahahaba nitong mga binti at saktong-sakto ang dibdib nito sa balingkinitan nitong katawan. At talagang nakakamangha ang mahaba at tuwid nitong buhok na sumusunod sa bawat indayog ng katawan nito. Mahusay din itong sumayaw kaya naman palaging nakatutok ang spotlight dito. Muling humingi si Lucas ng alak sa bartender. Mabilis niyang ininom ang isinalin na alak at nag-iwan ng pera pambayad sa mga nainom niya at pagkatapos ay lumakad siya papunta sa dance floor para makita ng malapitan ang babae. Hindi rin niya alam kung bakit, pero parang naakit siya ng husto sa dito. "Boss. Bakit umalis ka sa pwesto mo?" sita ng isa sa mga kasama niya. "Naku! May nakitang chicks 'yan!" sabi naman ng isa sabay tawa ng malakas. "Tumigil kayo. Magmasid kayo ng mabuti. Baka malusutan tayo," seryosong sabi ni Lucas habang nakahawak sa aparatong nakakabit sa kanang tainga niya. Pero tila hindi iyon sineryoso ng mga kasama niya at nagtawanan pa ang mga ito. Hindi na sila pinansin ni Lucas. Nagpatuloy siya sa paglakad habang nakatingin sa babae. Pero biglang nagpatay-sindi ang ilaw at biglang mas lumakas ang tugtog. Bigla ring dumagsa ang mga tao sa dance floor at nawala sa paningin niya ang babae. Hinanap niya ito pero hindi na niya ito nakita. Nagsimula ang sayawan at naipit si Lucas sa gitna. At dahil sa matangkad, gwapo at malakas ang dating ay agad na pinagkaguluhan ng mga babaeng nandoon ang binata. Sinayawan siya ng iba't-ibang babae. May ilan pang na yumapos sa kanya habang gumigiling. Pero hindi niya pinansin ang mga 'yon. Hindi siya interesado sa mga babaeng lumapit sa kanya at naka-focus siya sa misyon. Kanina. Pero ngayon ay hindi na siya mapakali kahahanap sa magandang babaeng nakita niya. Pinilit na lumabas ni Lucas sa gitna ng mga taong nagsasayawan. Siksikan pero kahit papaano ay nakalabas naman siya. At nang tuluyan nang makalabas ay biglang may isang kung ano ang bumangga sa kanya. Nagulat si Lucas at nang makita ang babae na bumangga sa kanya ay tila nahilo at babagsak. Kaya agad siyang kumilos para saluhin ito. Tinitigan niya ang babae, nagbabakasakaling iyon ang kaakiakit na diwatang nakita niya. At kahit masakit sa mata ang patay-sinding ilaw ay sigurado si Lucas na iyon ang babaeng hinahanap niya. Kakausapin na sana ni Lucas ang babae nang biglang tumunog ang nasa tainga niya. "Boss. Nakita na namin ang target," sabi ng isa sa mga kaibigan niya. Dismayadong itinayo ni Lucas ang babae. Sinubukan niyang tignan ang mukha ng babae pero hindi niya masyadong maaaninag ito. Kaya matapos itong itayo ay iniwan na niya ang babae at lumakad na lang palayo habang nililingon ito. "Nasaan?" balik niya sa kasamahan. "Nawala. Ang sakit kasi sa ulo at mata ng ilaw." "Sige. Hanapin ninyo uli," tanging sagot ni Lucas. Matapos noon ay muling tinanaw ni Lucas ang babae kanina pero hindi niya ito makita kaya naman bumalik na lang siya sa inuupuan kanina. Umorder uli siya ng maiinom at agad na inubos iyon. Inalog ang ulo at tila ginigising ang sarili. Kailangan niyang mag-focus sa misyon nila. Dahil kung hindi ay maaaring mapahamak sila ng mga kasama niya. Pero hindi niya talaga akalaing mabibighani siya ng ganoon kadali ng isang babae. Ilang minuto pa ang lumipas at mas dumami ang tao sa loob ng night club. Lahat ay mukang mayayaman at talagang bumabaha ng alak. Muling naghintay si Lucas at habang iniikot ang yelo sa basong hawak ay tila nalungkot muli ang binata. Tila mas malakas ang hatak ng mga problema sa kanya dahil natakpan noon ang magandang babae na kanina lang ay nasa isip niya. "Boss. Confirmed. Nakita na namin ang target. Dalawa sila at may hinihila silang babae. Hinihipuan nila ang babae. Nagpumiglas kanina pero sinikmuraan. Nakakaawa." "Nasaan kayo? Babain niyo na kung kaya ninyo." "Malayo kami, boss," sagot ng mga kasama niya. "Sige. Andeng simulan mo na!" "Got it, sir!" mabilis na sagot ng inutusan. Ipinaliwanag ng mga kasama niya kung nasaan mismo ang target. Mabilis na kumilos si Lucas at pinuntahan ang lugar na sinabi ng mga kasama niya. At maya-maya pa ay biglang tumigil ang malakas na tugtog at biglang bumukas ang lahat ng ilaw ng night club. Nagulat ang mga tao at nakita na rin ni Lucas ang target. Pero hindi pa siya napapansin nito. "Sinong nagbukas ng ilaw!" sigaw ng target nila. "Napaka naman talaga!" Pinagmasdan muna ni Lucas ang target at sigurado na siyang ito 'yon. Pero napatigil siya nang makitang ang babae na hinihila at sinasaktan nito ay ang babaeng nakita at tinulungan niya kanina. Nanlisik ang mga mata ni Lucas at tila lumagpas sa ulo ang kanyang galit. Lalo na nang makita niyang bakat sa mga kamay ng babae ang mahigpit na pagkakahawak dito kanina. "Wala kayong nakita, ha?!" sigaw nito sa mga taong kukuha sana ang mga cellphone at mag-vivideo. "Lasing na kasi itong jowa ko eh," dugtong nito sabay hawak at hila sa babae. "Anastasia!" biglang sigaw ng isang babae na nangingilid ang luha sa mga mata. "Bitawan mo siya! Hindi mo kilala kung sino siya!" sigaw nito sa manyakis. Tumawa ng malakas ang lalaki at iniikot ang braso sa leeg ng babae. Hindi mahigpit pero inilaglag nito ang kamay ay sinapo ang dibdib ng babae. Pumalag ang babae pero biglang isinakal nito ang braso sa leeg ng dalaga. "Ako ang hindi ninyo kilala! Ako si Ken Cervo ang anak ni Congressman Cervo! At walang makakapigil sa 'kin!" "Mga bata! Kunin ang cellphone ng mga taong nandito! Baka mag-video pa ang mga 'yan!" muling sigaw ng lalaki. At parang mga kabuteng naglabasan ang mga tauhan niya sa paligid. Isa-isang kinuha ng mga tauhan niya ang cellphone ng mga taong nandoon. Hindi naman na nakapalag pa ang mga taong nandoon dahil tinutukan sila ng patalim. At matapos masigurong nakuha na ang lahat ng cellphone ay lumakad na palayo ang lalaki at hinila ang dalaga habang humahalakhak. Halos dalawang hakbang pa lang ang nagagawa ng lalaki nang bigla siyang tumalsik papalayo. Natumba siya at dumausdos sa sahig nang hindi niya alam kung ano ang tumama sa kanya. Tatayo na sana siya nang makita niya ang isa pang kasama na may hawak sa babae na tinamaan ng malakas na sipa at kagaya niya ay tumalsik din ito. Nagtagpo ang mga mata nila ni Lucas. At halos tumagos sa pagkatao niya ang nanlilisik na mga mata ng binata. Tumayo ang lalaki at pinagpag ang damit pero parang masama ang tama sa kanya ng sipa. Napahawak siya sa kanang tagiliran at pakiramdam niya ay nabalian siya ng tadyang. Sumigaw siya at tinawag ang mga kasamahan at pinalubutan nila si Lucas. Ang mga tao ay pumaligid din sa kanila at nagmistulang ring ang kinatatayuan nila. Agad na hinila ni Lucas ang babae at itinago sa likuran niya. Pagkatapos ay umatras siya ng dahan-dahan at sabay humarap sa dalaga. Halos magtama ang mga ilong nila sa sobrang lapit at halos matulala ang dalaga sa mukha ni Lucas. Ganoon din naman ang binata. Napaganda kasi ng asul na mga mata ng babae. Pero agad niyang ibinaling ang pansin sa kasalukuyang nangyayari. "Kahit anong mangyari, huwag kang aalis sa likuran ko," bilin ni Lucas sa dalaga. "Belle!" tawag ng binata sa isang kasama. "Bantayan mo siya. At bantayan mo ang likuran ko," utos ni Lucas sa morena at may katangkaran na babae. "Ang lakas din ng loob mong sipain ako 'no? Ngayon tignan nating kung hanggang saan ang lakas ng loob mo!" sigaw ng lalaki nang makaharap muli si Lucas sa kanya. Pagsigaw ng lalaki ay sabay-sabay na sumugod kay Lucas ang mga tuhan nito. Lahat ay may mga hawak na patalim at bakal na pamalo. Pero hindi umalis si Lucas sa pwesto niya ni nakaitaan man lang ng kaba. Tila sinukat pa niya ang galaw ng mga papasugod sa kanya. Halos sabay-sabay ng umunday ng saksak at hampas ang mga tauhan ng lalaki pero ni isa ay walang nakatama kay Lucas. Sa tingin ni Lucas ay nasa dalawampu ang lahat ng tauhan ng manyakis na lalaki. Lahat ng atake ay naiwasan ni Lucas. Muling sumugod ang mga lalaki. Muling umiwas si Lucas sa mga atake nila. Pero sa pagkakataong ito ay nagbitaw siya ng tig-isang suntok sa mga sumugod sa kanya. Halos hindi makita ang mga suntok na pinakawalan ng binata pero napakalas ng mga iyon dahil lahat ng tinamaan ay hindi na nakabangon. Nagulat ang lahat ng nandoon. Pakiramdam nila ay nanunuod sila ng pelikula. Pero ang pinaka nagulat sa lahat na nahulog pa ang panga ay ang manyakis na lalaki. Hindi siya makapaniwalang napatumba ng isang tao lang ang lahat ng kanyang tauhan. Pinagpag ni Lucas ang suot na itim na amerikana at pinatunog ang mga daliri sa kamay na tila nabitin pa sa naganap na aksyon. Naglakad siya papalapit sa manyakis na lalaki pero natigilan siya nang bumwelo ito at bumunot ng kung ano mula sa likuran. "Tignan natin kung kaya mong iwasan ang mga 'to!" sigaw nito sabay tutok ng baril kay Lucas. Pero hindi pa rin nakitaan ng takot si Lucas. Umurong ang mga tao sa takot at nagsimula ang ilan na mag-panic. Naglakad ng may gigil na ngiti ang lalaki papalapit kay Lucas habang nakatutok pa rin sa binata na ang baril. "Kahit mapatay ko kayong lahat dito, hindi ako makukulong. Tandaan mo 'yan!" sigaw nito sabay hawak sa gatilyo ng hawak na baril. Pero bago pa niya maiputok ang baril ay tatlong baril ang naramdaman niyang biglang nakatutok sa ulo niya. Isa sa likod, tig-isa sa kaliwa at sa kanan. "Sige, iputok mo 'yan. Kakalat ang utak mo dito," sabi ng isa na nasa kanan niya. "Tignan natin kung maliligtas ka ni congressman. Namutla at tumagaktak ang pawis ng manyakis. Nagsimula ring manginig ang mga tuhod nito sa takot. Binitawan nito ang hawak na baril at lumuhod. "Hindi kayo makakaligtas sa ama ko!" nanginginig nitong banta. "Tatapusin namin kayong pareho. Kaya huwag kang mag-alala," sabi ng isa na nasa kaliwa ng manyakis. At pagsensyas ni Lucas ay agad na pinukpok ng nasa likuran ang ulo ng lalaki. Bumagsak ito sa sahig at nawalan ng malay. Agad namang tinalian ng iba pa ang lalaki at sinimulang hilain palabas. Nagpalakpakan ang mga taong naroon. Ilang ulit na kasing gumawa ng katarantaduhan ang lalaking iyon sa lugar na iyon. Nakapatay na rin ang lalaking iyon ng tatlong tao sa night club. Ilang ulit na iton nahuli na ito ng mga pulis pero lagi ring nakakalabas dahil sa koneksyon ng tiwali nitong ama. Pero ngayon ay nakahanap na ito ng katapat. Sumunod na si Lucas sa mga kasamang nauna nang lumabas. Pero bago tuluyang lumabas ay naglabas muna siya ng dalawang bundle ng pera at ibinato iyon sa manager ng night club. Ibinilin din niya na tumawag ng pulis pag-alis nila para arestuhin na mga tulog na tauhan ni Cervo. "Sandali!" napatigil si Lucas sa boses ng isang babae sa kanyang likuran. "Salamat sa'yo! Kung hindi dahil sa'yo napahamak na sana ako." Tumingin si Lucas sa babae. Magtagpo ang kanilang mga mata at hindi talaga maiwasan ni Lucas na humanga sa napakagandang mga mata nito. Pero hindi siya ngumiti o ano pa man. Alam niya kasing hindi na sila magkikita pang muli ng babae at hindi dapat na magkita silang muli. Wala ng puwang ang mga inosenteng tao sa mapanganib niyang mundo. "Anong pangalan mo?" tanong ng babae. Hindi sumagot si Lucas. "Kahit 'yon lang. Kahit ibigay mo lang ang pangalan mo," dugtong ng dalaga na tila nagmamakaawa. "Anastasia, tama?" tanong ni Lucas na sinagot ng dalaga ng pagtango ng ulo. "Lucas. You can call me. Lucas." "Magkikita pa ba tayong muli?" muling tanong ni Anastasia. Napabuntong hininga si Lucas. Lumapit siya kay Anastasia at inilapit muli ang mukha niya sa mukha ng dalaga. Nagulat si Anastasia pero hindi siya lumayo. "Ayokong magkita tayong muli," sabi ni Lucas. "Ha? Bakit?" "Because you can't live in the world I live. Malalagay ka sa panganib kapag nakadikit ka sa akin," sagot ni Lucas at pagkatapos ay tumalikod. Naiwan naman si Anastasia na nakatulala habang tinitignan ang papalayong binata na ilang sandali lang ay nawala na sa pangin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD