Week 2 How to Design Characters?

785 Words
Character Name: Lucas Montemayor Step 1: Design the Background of the Protagonist                 Ipinanganak si Lucas sa pamilyang Montemayor. Dating may-ari ng isang construction company ang pamilya ni Lucas at kilala sila sa pagtulong sa mga nangangailangan. Lalo na sa mga taong hindi nakakakamit ng hustisya. Aktibo rin ang pamilyang Montemayor sa pagsuporta sa mga kilusang ayaw sa kurapsyon. Namatay ang ina ni Lucas ng nasa huling taon na siya sa elementarya at nagbinata siya sa piling ng kanyang mapagmahal na ama. Nakita ni Lucas ang mga ginagawa ng ama at naitatak sa isipan niya ang mga bagay na iyon. Lalong lumala ang kurapsyon at kawalang katarungan at dahil masidhing pagnanais na mabago ang takbo ng bansa ay nagtatag ang ama ni Lucas ng isang grupo, ang Vindicta. Layunin ng grupo na tumulong sa mga inaapi ng mayayaman at biktima ng kurapsyon. Nag-aral si Lucas at nakapagtapos ng Criminology. Labing walong taong gulang si Lucas nang mamatay ang ama niya sa isang kahinahinalang aksidente. Kay Lucas sana ibibigay ang posisyon ng ama sa grupo ngunit para sa nakararami ay masyado pang bata ang binata kaya ibinigay ang posisyon kay Toreno.   Step 2: Figure out Character’s Personality                 Matalino at matapang si Lucas. Namana niya iyon mula sa kanyang ama. Ngunit madalas na nagiging padalos-dalos lalo na kapag nadadala siya ng kanyang emosyon. Alam niya ang kanyang mga kahinaan at pilit niya iyong pinaglalabanan. Dating masayahin si Lucas, ngunit nang mamatay ang ama ay nagbago iyon. Lalo na at malakas ang kutob niya na hindi lang basta asksidente ang pagkamatay ng ama. Naging bibihira ang pagngiti ni Lucas. Madalas na tahimik at hindi nagsasalita hangga’t hindi kinakausap. Marunong magdala at mamuno ng mga tao. Tapat at maaasahang kaibigan.   Step 3: Character’s Figure/ Appearance                 Si Lucas ay 23-anyos. Tisoy, 5’8” ang tangkad at balingkinitan ang katawan. Maganda ang tindig niya dahil sa kanyang police training. Tila walang emosyon ang kanyang may pagka-singkit na mga mata at kitang-kita ang isang malaking pilat sa dulo ng kanyang kaliwang kilay. Maikli ang kanyang itim na buhok na madalas na nakasklay paalon pakanan. Madalas siyang naka-itim na amerikana.   Step 4: Social Relationship                 Fredo Baldovar:                 Ampon ng pamilyang Montemayor. Sabay silang lumaki ni Lucas at madalas na ipinakikilala ang mga sarili na magkapatid. Sang-ayon siya sa iniisip ni Lucas tungkol sa pagkamatay ng kanilang ama. Madalas na taga-pagtanggol ni Lucas noong mga bata pa sila. Siya ang umaalalay sa mga desisyon ni Lucas at nagsisilbi siyang nakatatandang kapatid dito.                 Bella Islador:                 Dalawapu’t dalawang taon si Bella. Morena, may kantangkaran at may mahaba, itim at tuwid na buhok. Naging kaklase siya ni Lucas noong highschool. Ang mga magulang niya ay ipinapatay dahil sa paglahok sa mga kilos protesta at sa pagsisiwalat ng mga madilim na lihim ng ilang mga opisyal. Hindi na bigyan ng hustisya ang kamatayan ng mga magulang niya, hanggang sa nagmukngkahe ng tulong si Lucas. Tinulungan ni Lucas at ng Vindicta si Bella at nahuli ang opisyal ng pulisya na nagpapatay sa mga magulang niya. Mula noon, hindi na siya humiwalay kay Lucas. Lalo na at tila nahulog na ang loob niya rito.                 Andeng:                 Mas matanda ng dalawang taon kay Lucas. Anak ng isang tapat na prosecutor si Andeng. Dahil sa isang aksidente at nasunog ang kanilang bahay, at namatay doon ang kanyang mga magulang. Nawala rin ang kanyang ala-ala pansamantala. Tinulungan siya ni Lucas at ng ama nito. At habang unti-unting bumabalik ang mga ala-ala niya ay nahuli ng ama ni Lucas ang mga gumawa noon sa magulang niya. Nagtagumapay sila at naipakulong ang mga salarin. Mula noon ay sumumpa si Andeng na poprotektahan ang pamilyang Montemayor ano mang manyari.                 Edwin Cruz:                 Anak ng isa sa mga tapat na kaibigan ng ama ni Lucas. Bulag ang kaliwang mata ni Edwin at madalas na naka-suot ng itim na salamin. Pero sa kabila ng kakulangan sa pisikal ay siya ang pinakamagaling sa paghawak ng baril sa grupo. Nakulong ang ama ni Edwin at pinatay sa kulungan at ang mga tumulong sa kanya at sa kanyang ina ay ang mga Montemayor. Naging magkaibigan sila ni Lucas mula elementarya. Tahimik ngunit handang makipagpatayan para sa mga kaibigan at mahal sa buhay.                 Julio Martinez:                 Ang kilabot ng Boy’s Town. Napagbintangan at nabilanggo sa murang edad. Naging mabagsik at matapang matapos ang mga nangyari sa buhay. Ngunit nang makausap niya si Lucas ay nag-iba ang lahat. Sa kabila ng galit para sa mga sumira sa buhay niya at sa pamilya niya ay naging mabuting kaibigan si Julio kay Lucas. Pero hindi siya titigil hanggang hindi niya nakikita ang pumatay sa kanyang tiya na nagpalaki sa kanya. At lutasin ang krimen na ibinintang sa kanya.         
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD