Pagdating naman sa hotel ay dumiretso si sir lance sa restaurant nito at agad itong umupo sa favorite spot niya pero nanatili lang akong nakatayo hanggang sa nilingon niya ako. “Sit down Ms.Perez.. ” ano ba yan.. ms.perez ng ms.perez to. Nakakailang! “Is there something wrong? ” umiling naman ako “Nothing sir.. ” at umupo na rin ako. Tinawag naman nito ang waiter at umorder ng pang dessert “Bigyan mo kami ng dessert yung bagong best seller dito..” utos nito sa waiter at agad itong tumugon. “Do you want to order something?” habang napatingin naman ito sa akin. “Wala po sir. ” “Mukhang wala kang pili sa pagkain Ms.Perez.. I like that! ” napangiti naman ako. “Hindi naman po ako mapili sa pagkain sir..” maya-maya pa ay dumating na ang waiter dala ang food. 2 serves of cake and 2 ice creams and pineapple juice. Umalis naman agad ang waiter at nagsimula na kaming kumain. Una kong kinain ang cake dahil medyo nagutom ako sa biyahe..“So matagal na pala kayong magkakilala ni alex..” napaangat naman ako ng tingin sa kanya.. “Hindi naman po masyado sir. Last month ko lang po nakilala si sir alex, malapit po sa amin sa makati. ” “Where in makati?” habang nakatingin siya sa akin. “sa may Anahaw road po banda sir. ” kumislot naman ang kilay nito “Anahaw road.. malapit lang doon ang bahay nila tita anabelle. Maybe galing doon si alex kaya kayo nagkita.” Napatingin naman ako sa kanya habang patuloy lang ito sa pagkain. “Kumain ka na. Di ka mabubusog kung nakatitig ka lang sa akin. ” tumigil siya sa pagsubo at tumingin sa akin. Ngumiti naman ako at tumango. Napatingin ako sa ice cream. Mukhang ang sarap nito.. inabot ko ang ice cream at kumain.. nakailang subo din ako dahil masarap talaga siya nang bigla akong makaramdam ng paninikip ng dibdib ko. Napatuwid ako ng upo at hirap huminga. Napaangat naman ng tingin ang binata sa dalaga. “What’s wrong Ms.Perez?” pag-aalala nito. what the hell is happening to her.? namumula ang mukha niya. Napatayo naman ng kanyang upuan ang binata nang makita niyang napahawak sa kanyang dibdib si janine at agad niyang nilapitan ito at napaluhod sa harapan nito. “Ms.Perez.. are you ok?..” agad naman lumapit ang waiter sa table namin. Napatingin naman ako sa ice cream na kinain ko at tumingin sa waiter. “Aa..nong flaaavor ng ice cream? ” nauutal kong tanong dahil hirap na akong huminga habang nakaluhod si sir lance sa harapan ko. “Ahhh.. No-Churn Peanut butter Caramel ice cream po mam. ” nalugmok naman ako sa sinabi nito at dumidilim na ang paningin ko. “What’s wrong? ” alalang tanong ng boss ko. Napatingin naman ako sa kanya na halos madilim na ang paningin ko. “Aaaalleeergy…ako sa...Peanut!” “whaaaaaat??!” nahimatay naman agad ang dalaga, mabuti na lang at agad na napasalo ang binata. Agad nitong binuhat si janine at itinakbo sa kanyang sasakyan para dalhin sa hospital. Mabilis namang binuksan ng guwardya ang pinto ng sasakyan at pinaupo si janine sa front seat agad itong sumakay at pinaandar ang sasakyan. Mabilis ang takbo ng sasakyan nito habang tinitingnan nito ang dalagang walang malay. “Hang on Ms. Perez.. malapit na tayo sa hospital. ” aniya. Nang makarating na sila sa hospital ay agad niya itong binuhat at dumiretso sa emergency room. “What’s wrong lance?” tanong ni doctor Soriano na sumalubong dito. “She can’t breathe and She faint!. May nakain siya na bawal sa kanya. ” hingal na sagot nito. Agad namang inasikaso ng nurse at doctor ang dalaga.. Luckily, Doctor Dexter Soriano is here. Lance's friend.. napahawak naman sa kanyang beywang si lance habang nakatingin lang sa hinimatay na dalaga. “You’re gonna be okay..” sambit nito. Lumipas ang isang oras at nakaupo lang si lance sa waiting area nang biglang lumapit ang kaibigan nitong doctor. Tumayo naman siya agad. “How is she?”.. “Worried?” napataas naman ang isang kilay ni lance sa tanong ng kaibigan. “Ofcourse!..” sungit nitong sagot. “She’s Ok now… She has a severe peanut allergy kaya sobrang namula ang kanyang katawan at hinimatay ito dahil sa hirap na paghinga.” “Thanks god she's fine...” napatingin naman sa kanya ang kanyang kaibigan at pilyong ngumiti. “What?!” kunot noo nitong tanong. “Di ko alam na may girlfriend ka na pala...” nag-iba naman ang ekspresyon ng mukha nito. “She’s not my Girlfriend..she's my assistant..” napangiti naman ang kaibigan nito. “I never thought that Lance Corpuz would be so worried like this.. In a woman..I mean, look at you..worrying for somebody! This isn’t the lance corpuz I was once knew..” bumuntong hininga naman ito “She’s my people.. She’s my responsibility..natural lang na mag-alala ako.” seryoso nitong sabi. Napailing-iling naman ang kaibigan nito at binigyan ito ni lance ng matalim na tingin. “Ok..ok..sabi mo e. ” surrender naman nito. “Sige na may iba pa akong pasyente.. ” sabay hampas nito sa balikat ni lance at binigyan ng makahulugang ngiti. “Asshole! ” sambit nito sa kaibigang doctor at tumawa naman ito ng malakas bago iniwan si lance . Inilipat na rin sa private room si janine at nakabantay lang si lance sa gilid nito nang tumunog ang Cellphone ni janine. Ate jade calling.. agad na sinagot ni lance. “Hello..” sagot ng binata “hello sino to? ” takang tanong naman ni Jade na nasa kabilang linya. “This is Lance.. janine's boss. ” “Lance? Lance corpuz? ” bakit siya ang sumagot sa phone ni janine? Pagtataka naman ni jade. “Yes..Who is this by the way? ” “This is janine's sister, jade. Where is she sir? Can I talk to her?. ” “She can't answer the phone right now. Because she's still unconscious. ” habang nagpalad-lakad si lance sa loob ng kwarto. “What do you mean sir? ” “Hinimatay siya kanina at nahirapang huminga dahil sa ice cream na may flavor na peanut. ” bigla namang napatayo si jade sa narinig. “What?! Allergy si janine sa peanut. . Kamusta po siya?” Tarantang tanong naman ng ate nito. “She’s Okay now. Nawala na rin ang mga redness sa katawan niya. Don't worry she'll be fine.” Nakahinga naman ng maayos si jade sa narinig. “I’ll let her know na tumawag ka paggising niya. Sa ngayon ay nagpapahinga pa siya.” “Thank you sir.. pasensya na rin po sa abala. ” nilingon naman ni lance ang dalaga. “It’s Ok..don't worry! ” at nagpaalam na rin si Jade at naputol na ang linya. Habang nagpapahinga si janine ay nakatingin lang sa kanya ang binata. Why is this woman made me so worried? I never been so worried to others like this.. habang titig na titig ito sa dalaga ay bigla namang nagising si janine. “Hey.. How do you feel? ” nilingon naman ni janine si lance. “Asan po tayo sir? ” “We’re here in the hospital. Hinimatay ka kanina dahil sa ice cream na nakain mo. ” unti-unti namang bumangon si janine at inalalayan ni lance. “Careful.. hindi ka pa masyadong okay..” napatingin naman si janine sa boss nito. Naupo siya ng maayos at tinitigan ang binata.. “Thank you po sir...tsaka pasensya na rin po sa abala..” ngumiti naman ang binata na siyang kinagulat ni Janine. Is this for real? He smiled at me? Ito ang unang beses na nakita ko na ngumiti si sir lance..mas guapo pala talaga siya kapag nakangiti..titig na titig naman ako sa kanya ng biglang pumasok ang doctor. “Oh..gising na pala ang lucky girl..” inirapan naman ni lance ang kaibigan. “Oh.. I mean the allergic girl..” bawi naman nito. “This is Doctor Dexter Soriano. He is my friend since high school.” Pagpapakilala ni lance dito at ngumiti naman ang doctor kay Janine. “So, how was your feeling Ms.Janine?” “Medyo ok naman po doc.” Tumango-tango naman ito. “So nextime. Be careful with what you eat. Baka sa susunod hindi ka na swertehin. You have severe peanut allergy pa naman. Baka sa susunod hindi na kayanin ng katawan mo.” Paalala naman ng doctor. Napatingin naman ako sa boss ko na nakapamulsa at nakatingin sa akin. “Yes Doc. I will...” lumipat naman ang tingin ng boss ko sa kaibigan niyang doctor. “So. Kailan siya pwedeng madischarge?” nilingon naman siya ng kaibigan. “Actually pwede na siya lumabas anytime you want. Ok naman siya... basta mag-iingat lang sa susunod. Remember NO TO PEANUT...” nakangiti ito habang sinasabi ang huling babala nito. Di naman maikakaila na guapo rin itong si Doc Soriano lalo na kapag lumalabas ang kanyang dimples. “So paano...I’ll go ahead...” “Thank you po doc..” at hinatid na siya ni sir lance sa labas ng kwarto. Nadischarge naman ako agad at pabalik na kami ng hotel. nasa labas na kami ng hospital nang hawakan niya ako sa balikat at kinuha ang kamay ko. Nagulat naman ako at napatingin sa kanya. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Hindi ko alam kong bakit pero ang bilis ng t***k ng puso ko. Inalalayan naman niya ako papunta sa sasakyan niya “Ok lang po ako sir..kaya ko naman po. Salamat!” tumingin naman siya sa akin habang nakahawak siya sa kamay at braso ko. “No, I insist!” Wala na rin akong nagawa kaya hinayaan ko na lang siya. Pinaupo niya muna ako ng maayos bago niya isinara ang pinto at tinungo ang driver’s seat. Wala kaming imikan habang nasa biyahe..ito na naman kami sa nakakabinging katahimikan. Naisipan ko na lang magpasalamat para mabasag ang katahimikan. “Ahhh sir... Thank you po ulit sa tulong at sorry po sa nangyari.” nilingon naman niya ako saglit habang nagmamaneho. “It’s ok… your health is at stake and you’re my responsibility because you’re working to me. kaya don’t be sorry.” Nginitian ko naman siya at ngumiti rin siya sa akin. I can’t believe this! Ngumiti siya ulit sa akin. Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa wakas ay nginingitian na rin ako ng boss ko. Simula nang naging assistant niya ako never ko pa siya nakitang ngumiti. Halos laging seryoso ang mukha. Napapangiti naman ako habang nakatingin sa bintana dahil nagsmile sa akin ang boss ko. “Why are you smiling?” napalingon naman ako bigla sa kanya. “Po? wala po sir..” sagot ko at binaling ko ulit ang tingin ko sa bintana. Napapikit naman ako sa hiya. Ilang sandali pa ay dumating na kami sa hotel at dumiretso na rin kami sa taas kung saan ang kwarto namin. nasa harap na kami ng aming mga kwarto nang humarap sa akin ang boss ko. “Take a rest..para lumakas ulit ang katawan mo.” bilin nito bago pumasok sa kanyang kwarto. “Yes sir...” at pumasok na rin ito agad sa kwarto nito. Nang makapasok na ng kanyang kwarto si lance ay agad itong napaupo sa kanyang kama. What is happening to me? That woman made me smile... No one did that to me..and I’ve been so worried? wait!..what?! Am I attracted to her?..no way! Napatayo naman si lance sa kanyang iniisip. Nagpalakad-lakad ito sa loob ng kanyang kwarto at hindi naaalis sa kanyang paningin ang magandang mukha ni Janine. Napaupo naman ito ulit at napahilamos sa kanyang mukha... Hell… No! sinubukan na lang niyang maligo para makalimutan ang mukha ng dalaga pero habang nasa shower siya ay paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isip ang magandang ngiti ng dalaga. He remembered when she saw her laughing with Alex at their Farm... agad niyang tinapos ang kanyang paliligo at naghanap ng masusuot para makapagpahinga na rin. Habang nagpapatuyo siya ng buhok ay tumunog naman ang kanyang cellphone..Alex calling... “Hey bro... sorry ngayon lang ako nakatawag. Na busy lang sa office kanina. nakauwi na ba kayo ng hotel? How’s Janine?” Alex asked. “It’s Ok. I understand..yeah! nakabalik na kami ng hotel. Janine is fine and she’s on her room now.” Hindi na binanggit pa ni lance kay alex ang nangyari kay Janine dahil alam niyang magiging Oa lang ito. Kita naman niya sa pinsan na may gusto ito kay Janine. Sa mga titig at ngiti pa lang nito sa dalaga ay alam na alam na niya ang kanyang pinsan. “That’s good to hear..so paano, it’s getting late na. You should take a rest alam ko pagod ka galing sa farm.. See you nextweek..” “Ok..bye!..” at naputol na ang linya.. nilapag naman ni lance ang kanyang cellphone ng bigla naman sumagi sa kanyang isip ang dalaga.. napapikit na lang ito .. “Ok.. time to sleep..” humiga na ito agad at pumikit na para mawala sa kanyang paningin ang mukha ng dalaga. Pero kahit nakapikit ito ay nakikita pa rin niya ang maganda nitong ngiti. Nagtakip siya ng unan sa mukha pero ilang sandali pa ay naitapon niya rin ito. f**k! What is going on?... why I’m seeing her face? Bumangon na lang ito at kumuha ng wine sa may lamesita. Uminom na lang ito para makatulog agad. Habang si Janine naman sa kabilang kwarto ay natapos ng maligo at nag-umpisa ng matulog. 2 am na ng madaling araw pero gising pa rin ang binata. “This is insane! I want to sleep now...” pasigaw nitong sabi habang nakahiga sa kanyang kama.