Chapter 17

2574 Words
“Sigurado ka ba?” nakataas naman ang kilay nito habang nakatingin sa guwardya...”Opo sir...” agad namang tumayo si lance at inabot sa front desk ang ipad nito at tinungo ang pool area habang nakasunod sa kanya ang guwardya.. nagpaikot-ikot sila dito hanggang sa garden pero wala silang nakitang Janine. Nakapameywang naman ang binata at bumuntong hininga. “San na naman kaya nagpunta yon?”  bulong ni lance.. maya-maya pa ay naglakad sila sa labas ng hotel at naglakad ng konti nang matanaw at makilala ni lance ang suot ng nakaupo at nakatalikod na babae sa isang kainan sa gilid ng kalsada at may kasamang dalawang matanda.. lumapit sila dito ng konti..magsasalita na sana ang binata nang biglang magsalita ang dalaga. “Nay...kain lang po kayo ng marami...sabihin niyo lang po kung gusto niyo pa...” napatingin naman sa akin ang matandang babae. “salamat hija.  Kung hindi dahil sayo ay baka mamamatay na kami sa gutom.” Naluluha naman ako sa awa sa mga ito. “San po ba kayo nakatira nay? Bakit po kayo nanlilimos? May mga anak po ba kayo? Asan po sila?” napalingon naman ang matandang babae sa akin. “May dalawa kaming anak pero matagal na nila kaming inawan sa bangketa na lang din kami nakatira ng asawa ko dahil nasunog ang bahay namin noong nakaraang buwan..” sagot ng matanda. Hindi ko mapigilang mapaluha sa kwento ng matanda. Samantalang ang binata naman na nakatayo lamang sa likuran nila ay tahimik lang na nakikinig sa usapan ng dalawa. “Nay...kunin niyo po ito gamitin niyo po pambili ng pagkain niyo...” inabot naman ng dalaga ang isang libo sa matanda. Hindi maipinta ang sayang gumuhit sa mukha ng matanda nang abutan ito ni Janine ng pera.. She's not just have pretty face..she also have a beautiful heart.. sa isip ng binata. Nang matapos na kumain ang dalawang matanda ay tumayo na rin ang mga ito. “Maraming salamat hija. Pagpalain ka sana...napakabait mo..” nginitian ko naman ito. “Sige po nay.. mag-iingat po kayo.” agad naman tumalikod at naglakad na papalayo ang dalawang matanda habang nakatingin lang ang dalaga sa mga ito. Hindi nito napagilang mapaluha dahil namiss nito ang kanyang mga magulang. I miss you mom,dad.. napatigil naman ako ng may magsalita sa likod ko. “What are you doing?” nilingon ko naman ito. Si sir lance at isang guwardya... “Ahmm...May inasikaso lang po ako sandali sir...” sagot ko naman dito. Nakatingin naman sa direksyon ng dalawang matanda si sir lance.. “Inasikaso? Like feeding other people...” napatingin naman ako sa dalawang matanda. “naawa lang po ako sir. They haven't eat for 2 days... Kaya pinakain ko po sila...” paliwanag ko naman at nakatingin lang ito sa akin. Very kind! Habang tiningnan ko ang dalawang matandang papalayo ay napaluha na naman ulit ako. “Are you crying?” tanong naman ng binata habang sinilip ang mukha ng dalaga. “Hindi po sir...” agad ko namang pinunas ang luha ko. “Ok. Let's go back...” di na nagawang magalit ni lance sa dalaga dahil nakita niyang pagtulong ng dalaga sa dalawang matanda. tumalikod na ito at sumunod naman ako kasama ang guwardya.. pagdating sa hotel ay dumiretso na kami sa aming mga kwarto. Kinaumagahan ay maaga akong nagising sa alarm ng cellphone ko. Agad akong bumangon at umupo. Maya-maya pa ay tumayo na ako para maligo. Nang matapos na ako ay naghanap ako ng komportableng masusuot dahil may schedule ngayon si sir lance na bibisitahin ang kanilang strawberry farm at ibang taniman nila dito. Nagsuot lamang ako ng blue tattered jeans at white loose shirt total eh farm naman ang pupunta namin. Lumabas na rin ako agad at bumaba na sakay ng elevator. Pagdating ko sa baba ay wala pang tao. Tanging ang mga empleyado lang ang nakikita ko kaya umupo muna ako sa waiting area sa may lobby. Maya-maya pa ay nakita kong lumabas ng elevator si sir lance kasama si sir alex...tumayo naman ako at ngumiti sa mga ito. “Good morning sir lance..sir alex.. ” bati ko. “Good morning.” ganti ni boss. Bahagya naman lumapit sa akin si sir alex... “I told you ...don't call me sir... Just alex. ” pangiti nitong sabi... salubong naman ang kilay ng binatang si lance sa paglapit ng kanyang pinsan sa kanyang assistant... “Say it janine...” utos ni alex... “Oook... Aaaalex...” nauutal ko namang sabi. Napansin ko namang nag-iba na naman ang ekspresyon ng mukha ng boss ko. Bakit galit na naman ang mukha neto?  tumalikod naman agad si lance at tinungo ang restaurant ng hotel. “Come on, let's have breakfast first bago tayo umalis papuntang farm.” yaya ni alex sa dalaga. Sumunod na rin silang pumasok sa restaurant. Nang makaupo na sila ay ini-serve na agad sa kanila ang kanilang breakfast at nag-umpisa nang kumain. “By the way janine... paano ka naging personal assistant ni lance? Ang alam ko sa restaurant ka sa makati nagtatrabaho..” tanong ni alex at napatingin naman si lance at janine dito. “Ahmmm. Nag resigned na kasi ako dun sa restaurant. Pagkatapos nun ay naghanap ako ng trabaho sa QC at sakto namang naghahanap si sir lance ng Personal assistant kaya nag-apply ako...” paliwanag ko. “San mo naman nalaman na naghahanap si lance ng assistant?” Tanong uli nito habang hinihiwa ang pagkain nito. Hindi naman nakatingin sa kanila si lance at pinagpapatuloy lang ang pagkain nito. Napatingin naman si janine sa kanyang boss.  “Aksidente ko pong nakabanggaan si Hiro sa isang korean restaurant, yung assistant secretary po ni sir lance. Sa kanya ko po nalaman ang trabaho. ” tumango-tango naman ito at tumingin sa akin. “Sana tinawagan mo ako para natulungan kita makahanap ng trabaho. ” napahinto naman sa pagkain si lance sa huling sinabi ng pinsan nito. How long did they knew each other? Sa isip ni lance. Bigla namang naalala ni janine ang binigay ng binata sa kanya na calling card.. magsasalita na sana ako ng biglang magsalita si sir lance. “Lex... Can you stop asking her? hindi niya matatapos ang pagkain niya kung tanong ka ng tanong.. ” pagsusungit naman nito sa pinsan. Napataas naman ng kilay si alex at napapangiti sa pinsan. “OK,ok.! ” sagot nito habang nakataas ang dalawang kamay. “Kumain na muna tayo janine. Mamaya na tayo mag-usap. Mainit na naman ang ulo ni boss. ” pabiro nitong sabi kay janine at napangiti naman ang dalaga. Napahinto naman ito at napayuko ng tingnan siya ng kanyang boss. Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami at sumakay sa sasakyan ni sir lance. Sa front seat na umupo si alex at ako naman sa likod habang si sir lance naman ang nagmaneho. Medyo malayu-layo rin ang strawberry farm nila dahil ramdam kong kanina pa ang biyahe namin hanggang sa makarating na kami at natanaw ko ang karatulang may nakasulat na Corpuz Strawberry Farm. Agad kaming bumaba ng sasakyan at sinalubong kami ng mag-asawang matanda. “Magandang araw po sir… ” bati ng matandang lalake habang tinatanggal ang kanyang sumbrero. “magandang umaga naman po Mang felipe..” ganti naman nito. “Naku. Matagal ka ring hindi nagawi dito hijo...” dugtong ng matandang babae na nakangiti. “Oo nga po manang gloria...siya nga po pala kasama ko si Alex anak po ni tito diego at ito naman po si Janine...” pagpapakilala naman nito sa amin at ngumiti naman ako. “Napakaguapo namang binata ng anak ni Sir diego. Maligayang pagdating sa Farm hijo.. ” “Maraming salamat po.  Ito po ang unang pagkakataon na nakapunta ako dito sa strawberry farm. Nakapaganda naman po pala dito...”  “Naku sir... magugustuhan niyo po dito dahil napakaraming magagandang tanawin lalo na sa may bandang taniman ng strawberry.” bigla naman ako naexcite sa sinabi ng matandang lalake. Bigla namang lumapit sa akin ang matandang babae. “Napakaganda mo naman hija... napakaamo ng iyong mukha... ikaw ba ang nobya ni sir lance?” bigla naman akong nagulat sa kanyang huling tanong. Patingin naman sa gawi namin si sir lance at alex.  “Naku... hindi po. Assistant po ako ni sir lance... boss ko po siya... ” mabilis ko namang sagot. “Ganoon ba? Sayang naman... bagay pa naman kayong dalawa...” malungkot na sabi ng matandang babae at hindi naman ako agad nakapagsalita habang si sir lance ay inubo sa sinabi ng matanda. Nilapitan naman agad ng asawa nito ang matandang babae at sinaway. “Pasensya na po kayo sir, mam... talagang madaldal lang po talaga itong asawa ko. “  Paumanhin ng matandang lalake. “tara po..tuloy po muna kayo sa kubo.. ” yaya naman nito at sumunod naman kaming tatlo.. “Hey lance…Napakaganda naman pala ng farm na ito. Bakit di ka magpatayo ng hotel dito.? ” bulong ni alex. “I’m thinking about it. Pero sa ngayon kailangan ko munang bigyan ng pansin ang resort ng mga Araquez. . ” sagot naman nito sa pinsan. Pumasok na rin agad ang mga ito sa bahay at nagpahinga saglit at inikot ang buong farm. Habang nag-iikot naman ang boss ko ay namasyal naman ako sa may taniman ng gulay. Napakaganda ng tanawin dito. Ang sarap ng klima kahit medyo malamig. Napaisip ako na sa sobrang seryoso ko sa trabaho at sa buhay ay marami pala akong hindi napupuntahang magagandang lugar. Maraming akong na missed sa buhay ko. Ang buo ang pamilya, mga kaibigan at panahon para sa sarili ko. Nakatingin lang ako sa kawalan nang biglang may nagsalita sa likod ko. Napalingon naman ako dito.  “What are doing here all alone?” it’s alex.. “Nag ikot-ikot lang. nagandahan lang ako sa tanawin. Ang ganda pala dito noh?” sabay tingin ko sa kanya. “Oo nga.. Actually first time ko dito sa Strawberry farm nila lance. Di ako makapaniwalang ganito pala kaganda sa lugar na ito. ” habang nakatingin lang din ito sa tanawin at nakangiti. Nilingon ko naman siya ulit. “Mukhang sobrang close kayo ng pinsan mo. Napansin ko kasi kung paano kayo mag-usap. At kahit na galit na si sir lance ay parang wala na lang sayo. Yung alam na alam mo na ang ugali niya.” “Yeah! Lance is my closest cousin.. sa tatlo namin magpinsang lalake. Ang isa ay si Owen pero nasa cebu sila kaya minsan lang din kami magkita nun. At ang nag-iisa naming pinsang babae. Si Gwen.. madalas kaming magkasama ni lance simula nung bata pa kami. Kahit saan ako mag-aral ay doon din nag-aaral si lance. Nag-iisang anak lang siya kaya naghahanap siya ng kapatid na sa akin niya nahanap. Lance is actually a sweet boy, masunurin at matalino. Minsan ay tahimik lang siya, hindi mo alam kong may problema o wala. Sa akin niya lang sinasabi ang mga hinaing niya sa buhay kaya masasabing kong close nga kami. ” napangiti naman ako. “Buti hindi ka napipikon ka sa kanya pag sinusungitan ka niya? ” he chuckled! “Sanay na ako sa ugali niya. Mukha lang siyang galit lagi pero mabait si lance.. kaya kapag sinusungitan ka niya..intindihin mo na lang.. kaya lang minsan ay strikto talaga siya pagdating sa trabaho.. at masamang magalit.” Napanguso naman ako sa huling sinabi nito. “Don’t worry hindi yon nagagalit sa mga magagandang katulad mo. ” and we both laughed. Nasa ganoong pwesto naman sina janine at alex ng matanaw sila ni lance.. Masyado naman silang close.. they laugh together like they knew each other for so long.. inis na sabi ni lance.. at tumalikod na ito agad at bumalik sa kubo nila mang felipe. Tanghali na rin ng bumalik sina alex at janine sa kubo. Inabutan nila si lance na nakaupo at nakikipag-usap sa mga trabahador.. napalingon naman ang binatang si lance sa paparating na dalawa na nagtatawanan. Bigla namang napahinto sa pagtawa si janine ng mapansin niyang nakatingin ang boss niya. Agad naman itong lumapit at tumabi sa kanyang boss. lagot! Mukhang galit ata.. “Tara na po sir at magtanghalian po muna kayo. ” yaya ni mang felipe. Pumasok na rin kami at umupo. Uupo na sana ako sa tabi ni alex ng magsalita si sir lance. “Dito ka umupo sa tabi ko. ” gulat naman akong napatingin sa kanya pati ang dalawang matanda.  Itinuro naman nito ang upuan sa tabi niya. “Sit here..” sinulyapan ko naman si alex at sinenyasan niya na lang ako na sumunod. Umikot na rin ako sa lamesa papunta sa upuan sa tabi niya. Upuang kahoy lang ang inupuan namin at halos magkadikit na kami habang nakaupo kaya halos hindi ako makagalaw. nag-umpisa na rin kaming kumain. Hindi naman ako makakain ng maayos dahil magkatabi lang kami ng boss ko. “wala ka ba ganang kumain hija? ” tanong ng matandang babae. Napaangat naman ako ng tingin dito at napalingon sa akin si sir lance pati si alex na nasa harapan ko. “Po?..” “napansin ko kasi na hindi mo masyadong ginagalaw ang pagkain mo. ” napanganga naman ako at napakagat ng labi. “Hindi naman po. Medyo busog pa po kasi ako. ” “Ganun ba?...” ngumiti naman ako dito at nagpatuloy naman ulit kami sa pagkain. Pinilit ko na lang sumubo kahit naiilang na ako. Titig na titig naman ang matandang babae sa amin ni sir lance at nakangiti pa. “Bagay talaga kayong dalawa hijo.” napatigil naman sa pagsubo si sir lance at bigla naman akong nabilaukan sa sinabi niyang yon. Agad naman akong nilingon ni sir lance “Are you okay?” inabot naman ako nito ng tubig at nakahinga ako ng maluwag. Lumapit naman si alex. “Ok ka lang ba?” tumango naman ako. “Naku... pasensya na hija.  Nagulat ba kita sa sinabi ko? ” paghingi ng pasensya naman nito. “Okay lang po. Wag niyo po ako alalahanin. ” bumalik naman sa kanyang upuan si alex at nagpatuloy kami sa pagkain. Pagkatapos naming kumain ay naupo ulit kami sa labas ng kubo habang nag-uusap si sir lance at mang felipe.  si alex ay may kausap sa phone. At ako naman ay nakaupo lang. Maya-maya pa ay lumapit sa amin si alex. “Lance... I need to go back to Queens now... May konting problema lang...” “Ganun ba? Sige balik na tayo sa hotel. saka ko na lang ime-meeting ang mga trabahador. ” “No! Dito ka na lang total eh andyan na rin ang mga trabahador. Magpapahatid na lang ako kay buknoy.” “Are you sure? pwede ko naman ipagpaliban ang meeting dito. ” “Hindi na. Tapusin mo na lang ngayon. I'll call you pag nasa hotel na ako. ” sagot naman ni alex. “Okay...Mag-iingat ka. ” nilingon naman ako ni alex.  “Paano janine mauna na ako. I need to go back to manila.” “Sige alex…Mag-iingat ka.” I said while smiling at him. “I will.” kinuha na rin nito ang kanyang gamit at tinungo ang sasakyan. “Buknoy... ihatid mo muna sa hotel si sir alex.” Utos ni mang felipe at ginamit nito ang sasakyan ni sir lance at agad na silang umalis. Naiwan naman kaming nakatingin sa papalayong sasakyan. Nagsimula na rin ang meeting ni sir lance sa mga trabahador nito at naupo lang ako duyan sa ilalim ng puno malapit sa kubo.. natatanaw mo dito ang buong farm. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nakasandal sa duyan. Bahagya naman akong nagising ng tumahol ang aso. Dahan-dahan akong dumilat at nakita ko na nakatayo sa harapan ko si sir lance at nakatitig sa akin. Agad akong tumayo at inayos ang sarili ko. “We’re going back to hotel sleepy head.” napayuko naman ako sa hiya. “Okay po sir.” napatingin naman ako sa relo ko at 2pm na pala. Isang oras din akong nakatulog. Nakabalik na rin si buknoy na naghatid kay alex sa hotel. Agad namang nagpaalam si sir lance kila mang felipe at sa mga trabahador. Tahimik lang kaming dalawa habang nasa biyahe. Nakatingin lang ako sa bintana habang inaaliw ang sarili sa tanawin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD