Chapter 16

2054 Words
Ilang oras din ang binyahe nila at hindi namalayan ng dalaga na nakatulog pala ito sa biyahe. Ipinark nito ang sasakyan  at napalingon sa kanyang assistant at bahagya itong lumapit para matitigan sa malapitan She's really beautiful..her face is very angelic. And I found myself smiling.. bigla naman akong napaatras ng bigla siyang gumalaw at nagising.. “We're here..” sambit ng binata. Umayos naman ng upo ang dalaga at tumingin sa labas. Nagtanggal na rin ng seatbelt ang binata at lumabas. Sumunod naman ang dalaga. Napakaganda naman dito. Sa isip ni janine.. bigla naman lumapit sa amin ang isang lalakeng naka uniporme na sa tingin ko ay uniporme ng mga empleyado dito sa hotel. “Good evening po sir..” bati nito kay sir lance. “Good evening..” tugon naman nito at binalingan ako ng lalakeng anak uniporme. “Good evening po mam.. ” ngumiti naman ako dito “Good evening din. ” ganti ko. Agad namang kinuha ng lalake ang dala naming gamit sa likod ng sasakyan. Nag-umpisa na rin kaming maglakad papasok sa hotel habang kasunod namin ang lalake. Pagdating sa loob ay sinalubong kami ng mga empleyado na nakaabang sa Entrance..“Good evening sir…” bati ng mga ito sabay yuko. Namangha naman ako sa mga ito Ganito ba nila i-welcome ang boss nila? Sobrang Formal... sa isip ko. Lumapit naman sa amin ang isang babae. Maganda ito at matangkad. Morena ang kutis pero makinis. “Welcome sir...Ako nga po pala si Guia. masaya po kami at napadalaw kayo dito. ” sambit nito habang nakangiti. “Thank you... how was the hotel?” Seryosong tanong naman ni boss. “Maayos naman po sir. Ang totoo po niyan eh fully booked po tayo ngayon dahil nga po panagbenga festival po ngayong linggo at maraming turista...” sagot naman nito. “Good.” Maikling namang sagot ni boss. Napatingin naman ako dito. Ano ba to? Ganito na ba talaga ito makipag-usap? Isang tanong isang sagot? Habang nakatitig ako sa likod nito. Nilingon naman ako ni boss “By the way. This is Janine... Janine Perez...” pagpapakilala nito sa akin at napatingin naman ang babae sa akin. “Hello po ma'am... good evening po...” nakangiti nitong bati. “Good evening din...” tugon ko naman. “Guia...is my room ready?” tanong naman ni boss. “Yes sir...ihahatid ko na po kayo...” lumakad naman agad si Ms.Guia patungong elevator kasunod kami ni sir lance at ang lalakeng nagdala ng gamit namin. Isang sandali pa ay nasa Floor na kami kung nasaan ang kwarto ni boss. nasa harap na kami ng pinto nito nang lingunin niya ako. “This is your key... That is your room. ” turo ni boss sa pinto na kaharap lang ng kwarto niya. Kinuha ko naman agad ang susi at tumango. “Thank you sir...” agad naman niyang binuksan ang kwarto niya at ipanasok na rin ng lalake ang gamit niya habang ako naman ay binuksan ang pintuan ng kwartong tutuluyan ko. Pumasok na rin ako agad at bumalik na agad si ms.guia at ang lalake sa baba. Itinabi ko naman ang aking luggage at lumapit sa bintana at binuksan ito. Namangha ako sa aking nakita wow! Ang ganda ng view..at ang lawak ng pool.. bigla akong nalungkot ng maalala ko ang resort namin noon. Ganito rin kaganda ang view sa resort na yon. Mas maganda pa kung tutuusin. Maya-maya pa ay may kumatok sa pintuan at binuksan ko ito. “Good evening po ma’am. Pinapasabi po ni sir na mag dinner na daw po kayo sa baba. “Okay. Salamat!” tugon ko naman dito at umalis na rin ito. Di ba siya kakain o ayaw niya akong makasabay kumain? Napanguso naman ako at lumabas na rin at bumaba. Mag-isa lang akong kumain at hindi ko nakita ang mukha ng boss ko. Hindi ba siya kakain? Sa isip ko. hindi na rin ako nagtanong at tinapos ko na rin agad ang pagkain ko para makabalik na nang kwarto. Mabilis lang akong kumain at bumalik na ng kwarto. Binuksan ko naman ang kurtinang nakasabit sa glass window. habang nakatingin ako sa bintana ay tumunog naman ang cellphone ko. Ate jade calling... sinagot ko naman ito agad. “Hello ate...” sagot ko. “Oh kamusta ka na? Pasensya ka na di kita natawagan nung isang gabi. Medyo napagod kasi ako sa shop kaya nakatulog ako agad...” paliwanag ni ate. “Ok lang yon ate. Ok lang naman din ako ate. Andito kami ng boss ko sa hotel nila sa baguio. May inaasikaso kasi ang boss ko dito... ” paalam ko kay ate.  “ganun ba? Oh sige...mag-iingat ka dy’an. Tawagan mo ako lagi...” napalingon naman ako nang may biglang kumatok sa pintuan. “Sige ate tatawagan na lang kita ulit...” agad ko na ring pinutol ang tawag at binuksan ang pinto. Bumungad naman sa akin ang isang babaeng empleyada ng hotel. “Excuse me po ma’am. Pinapabigay po ni sir lance…” inabot naman nito ang isang envelope na may lamang schedules and appointments nito . “Ok. Thank you...” yumuko naman ito ng konti at agad namang tumalikod ito at umalis. Isinara ko naman ulit ang pinto at nagpasyang magpalit muna ng damit. Habang nasa kwarto naman nito ang dalagang si Janine ay nasa lobby naman ang binatang si lance para i-check ang mga bookings ng hotel at siya namang pagdating ng binatang si Alex... “Hey lance…” napalingon naman ang binata sa kakarating lang na pinsan... “What made you so busy? Akala ko ba ay sasabay ka sa akin?” tanong ni lance. “May emergency meeting lang kanina about sa ibinibentang lupa sa tarlac...” tugon naman nito. “I thought you were with you assistant? Where is he?” habang palinga-linga ito. “She’s on her room..” habang ibinalik naman ni lance ang kanyang atensyon sa ginagawa. Napataas naman ang kilay ni alex sa sinabi ng pinsan. “Her?..” Curious naman nitong tanong habang sumandal sa counter table... nag-angat naman ng tingin dito ang pinsang si lance... “Yes... her!” sagot naman nito at napatingin naman ito sa pagbukas ng elevator at lumabas si Janine... “She’s here...” awtomatiko namang napalingon ang binatang si alex sa lumabas na dalaga at napatuwid ito ng tayo.  “Janine..?” sambit ni alex at napalingon naman sa kanya ang pinsan niya. “You know her?” tanong ni lance... “Yes...” at agad itong lumapit sa dalaga.  Sandali...parang kilala ko ang lalakeng ito ah...  sa isip ni Janine...  “Hi Janine... do you still remember me...?” tinitigan ko naman siyang mabuti at naalala ko siya agad. “Yeah..Alex right?” ngumiti naman ito at nakita ko na naman ang maganda nitong ngipin. “Yes... mabuti naman at naalala mo pa ako...” nakangiti naman ito habang nakapamulsa... nakatingin naman sa kanila ang binatang si lance at nag-oobserba... What is going on? Takang tanong naman ni lance sa kanyang isip.  “Bakit ka nga pala nandito? Dito ka ba naka check in?” tanong ng dalaga at napakamot naman ng ulo ang binata at tumabi ang boss nitong si lance at inakbayan ang kanyang pinsan... “He is Alex Corpuz... My asshole cousin...” iniwaksi naman ni alex ang kamay ni lance... “Oh come on....” saway ni alex. bigla naman akong nailang at napangiti ng hilaw. “Ahmmm... pasensya na sir... hindi ko po kasi alam...” napayuko naman ako sa hiya... nakakahiya! “No its ok... don’t mind it Janine...tsaka wag mo na akong tawaging sir... Alex na lang. okay?” napatingin naman ako sa kanya. Ngumiti lang ako at tumango. Napansin ko namang parang naiinis ang mukha ng boss ko at bigla itong tumalikod at umalis. “Excuse me...” paalam ko kay alex at Dali-dali naman akong sumunod sa boss ko at naiwan si alex sa counter na nakatingin lang sa amin. Napahawak naman sa kanyang beywang si lance Habang naglalakad papuntang pool area at hindi nito maiwasang mainis... what the hell? inis nitong sabi.. Di naman nito napansin na nakasunod sa kanya ang dalaga. bigla itong huminto at agad humarap kaya muntik na silang magkabanggaan “Ayy tipaklong!” gulat ni Janine. Napapikit naman ng mata si lance sa gulat..“What are you doing?” inis nitong sabi. Napatingin naman ako sa kanya “Sinusundan ko po kayo sir...” while still looking at him... “Why?” tanong nito. “Kasi sabi niyo po kahit saan kayo pumunta dapat kasama ako...Kaya sinusundan ko po kayo...” napasapo naman ito sa kanyang noo at napapikit naman ng mata at huminga ng malalim ang binata. “Miss Perez... susunod o sasama ka lang sa akin kapag sinabi ko. Hindi yung bigla-bigla ka na lang sumusulpot at nanggugulat...” aniya. Napakagat naman ako ng labi at napanguso. “Opo sir... pasensya na po.” Bahagya naman itong lumapit sa akin at napaatras naman ako. Tinitigan niya lang ako saglit at naglakad na ito pabalik sa loob ng hotel. Nilingon ko naman ito at naiwan ako sa pool area. Huwag ko daw siya sundan kapag di niya sinabi...Eh di wag! bulong ko naman at naisipan kong mamasyal na lang muna sa pool area. Nang bumalik naman sa loob ng hotel ang binata naabutan nito ang pinsan na may kausap sa phone. “Ok! nextweek...Yeah! Thank you...” dinig ni lance na sabi ng kanyang pinsan. “Who is it?” tanong ni lance... “It’s Chelsea...” tugon nito habang papaupo. “Anong pinag-usapan niyo..?” at umupo naman ito sa katabing upuan. “I’d set you an appointment with her, so you can talk about the resort and ask for a help to convince her father na sayo ibenta ang resort...” napaupo naman ng tuwid si lance sa sinabi ng pinsan. “Are you serious right now?” tanong nito. “Yeah..and you owe me this one..” at tumayo naman ito agad at kinuha ang dalang gamit. “Thanks Lex...babawi ako...” nakangiti naman tugon ni lance. Nilingon naman ito ni Alex at tumango. “Aakyat na muna ako sa room ko. I need to send an email to Mr. De vera...” paalam naman ni alex at agad na ito tumungo ng elevator. Naiwan naman sa waiting area sa lobby si lance at napansin nitong hindi  nakasunod sa kanya ang kanyang assistant. Hindi na muna niya ito pinansin at kinuha ang kanyang Ipad para i-check ang mga transactions sa Hotel. Habang si Janine naman ay nag-ikot sa pool at garden ng hotel. Siguro kong hindi lang nawala sila daddy at mommy. baka naisalba pa namin ang resort.. sa isip ko habang nakaupo sa isang bench sa may garden area. Di ko na namalayan na dalawang oras na pala akong nakaupo sa garden sa dami ng iniisip ko. Ilang sandali pa ay naisipan ko nang bumalik sa loob ng biglang natanaw ko ang mag-asawang matanda na nanglilimos sa mga dumadaan na mga tao sa harap ng hotel. Nakitang kong walang may nagbibigay sa mga ito at iniiwasan sila kaya lumapit ako ng konti. “Palimos po kahit magkano lang. pangkain lang po naming ng asawa ko.” Sambit ng matandang babae habang akay nito ang asawang bulag. Para namang dinudurog ang puso ko sa nakikita ko. Lumapit ako sa dalawang matanda. “Palimos po...pangkain lang namin ng asawa ko. Dalawang araw na kasi kaming di kumakain.” Bigla namang tumulo ang luha ko dahil sa awa sa dalawang matanda. “Tara po nay. Ibibili ko po kayo ng pagkain...” yaya ko dito. mabuti na lang at dala ko ang pera ko. Natanaw ko ang isang kainan sa may di kalayuan at doon ko sila dinala. Pagdating namin ay pinaupo ko ang dalawang matanda at umorder ako ng makakain nila. “Ito na po nay...kain na po kayo...” ngumiti naman sa akin ang matandang babae. “Maraming salamat hija..napakabait mo.” Napangiti naman ako dito. “sige na po. kain na po kayo.” Kumain naman ito agad at sinubuan ang kanyang asawa.  Habang sa hotel naman ay napansin ni lance na hindi pa pumapasok ang kanyang assistant na nasa labas. Napahinto naman ito sa kanyang ginagawa at napalingon sa gawi ng pool area. What is she doing? Bakit hindi pa siya pumapasok? Tatlong oras na siya sa labas ah... pagtataka naman ng binate habang napatingin ito sa kanyang relo. Tinawag naman nito ang isa sa guwardya na nakabantay sa entrance... “Ano po yon sir...” tanong nito.. “Guard pakipuntahan mo nga yong kasama kong babae kanina. andun siya kanina sa pool area..” agad namang sumunod ang guwardya.. ngunit pagdating nito sa pool area ay wala siya nakitang babae at walang tao. Pinuntahan din nito ang garden para tingnan kong andoon nga ang dalaga pero walang nakita ang guwardya kaya bumalik ito sa loob. “Excuse me po sir pero wala po sa pool area yung kasama niyo po na babae... tiningnan ko rin po sa garden area pero wala rin po.” Napatingin naman ito sa guwardya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD