Tumunog ng 6am ang alarm clock ko kaya maaga akong nagising. Agad akong dumilat habang nakahiga pa rin. Ilang sandali pa ay tumayo na ako at itinali ang aking buhok at lumabas ng kwarto para magluto ng almusal. Paglabas ko sa kwarto ay tinungo ko agad ang kusina at naghanap ako ng pwedeng lutuin sa refrigerator. Bahagya naman ako napatingin sa pintuan ng kwarto ni sir lance.. Baka tulog pa siya.. kumuha ako ng itlog at longganisa para sa aming almusal. Nagsaing na rin ako at agad na pinrito ang mga kinuha ko. Sakto namang naglalapag na ako ng plato, kutsara at baso sa table nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya. Lumabas si Sir Lance na naka gray shirt at pajama lang pero grabe..ang hot niya.. napailing-iling naman ako sa aking sarili. Ano ka ba Janine..tumigil ka nga.. Lumapit naman ito sa lamesa habang inaayos ang kanyang buhok. Good morning po sir..” bati ko. “Good morning..ang aga mo namang gumising..” tugon naman nito. “Opo sir.. maaga po talaga akong nagigising. Tsaka unang araw ko po sa trabaho kaya dapat maagang gumising..” nakangiti ko namang sagot. “That’s good..” habang tumango-tango naman ito at nakatitig sa niluto ko. “Pasensya na po sir kung nangialam na ako sa kitchen mo..” sabi ko naman habang nakatingin sa kanya. “It’s ok.. you're free to do whatever you want here in the kitchen..” sambit naman nito. Naupo naman ito agad at tinitingnan ang niluto ko. “Pasensya na po sir..yan lang po kasi ang alam kong mabilis lutuin..” mahina kong sabi. Tumingin naman ito sa akin. “maupo ka na at kumain na tayo..” yaya naman nito sa akin at umupo na rin ako. “Prepare your things. Pupunta tayo ng baguio today at 1 week tayo doon pero dadaan muna tayo ng office dahil may emergency meeting kami..” sambit nito. Nilingon ko naman siya agad at tumugon. “Yes sir..” pagkatapos no'n ay tahimik lang kaming kumain at pagkatapos ay pumasok na rin siya sa kwarto at ako na ang nagligpit at naghugas ng kinainan namin. Pumasok na rin ako agad sa kwarto ko para maligo at ihanda ang mga dadalhin kong gamit. Nagsuot lamang ako ng simple.. Black jeans and blue sleeveless na pinatungan ko ng blazer. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako sa kwarto at hinintay si sir lance sa living room. Ilang sandali pa ay lumabas na rin siya na naka black suit at may dalang Luggage. No wonder ..kaya nababaliw ang mga babae sa kanya dahil talaga namang guapo siya.. napansin ko namang tabingi ang suot nitong necktie.. Nakatitig lang ako sa kanya nang di ko namalayang nasa harapan ko na pala siya. “Di ka pa ba tapos pagpantasyahan ang katawan ko Miss Perez?..” ano daw? Pagpantasyahan? Lakas din naman talaga ng apog neto.. oo guapo ka nga pero di kita type. Sa isip ko.. “Hindi naman po sir.. tabingi lang po kasi ang necktie niyo..” agad namang tiningnan ng binata ang necktie nito. Lumapit naman ako agad sa kanya para ayusin ang necktie nito.. “Ok lang po ba sir kung ayusin ko ang necktie niyo?..” tanong ko naman sa kanya. Nakatingin lang ang binata sa dalaga habang papalapit ito sa kanya.. Why my heart beating so fast?.. sa isip ng binata.. “Yes please..” sagot naman nito sa dalaga.. lumapit naman ako at inayos ang necktie nito. Habang inaayos ng dalaga ang kanyang necktie ay nakatitig lang sa kanya ang binata. “Ok na po sir..” bahagya naman akong tumingin sa kanya at nagtama ang mga mata namin. Di ako agad nakagalaw ng mapansin kong sobrang lapit na pala ng mga mukha namin. Our eyes met.. napakaganda ng kanyang mga mata. Pag-oobserba ng binata.. ilang sandali din sila sa ganong posisyon nang biglang magsalita ang dalaga.. “Ahmmm.. Di pa po ba tayo aalis sir?..” tanong ko. “Aaaahhh yes..let's go..” nauna naman siyang lumakad papunta sa pintuan habang tinutulak ang kanyang luggage at sumunod na ako. Tahimik lang kami sa loob ng elevator hanggang sa marating namin ang parking area.. kinuha naman nito ang luggage ko at inilagay sa likod ng sasakyan niya..pagkatapos ay pumasok na rin siya agad sa driver's seat at ako naman ay binuksan ang pintuan ng sasakyan sa likuran para doon maupo nang bigla niya ako lingunin. “What are you doing?..” natigilan naman ako sa pagpasok . “Sasakay na po sir..” tugon ko. “Dito ka maupo sa front seat..gagawin mo pa akong driver mo..” napakagat naman ako ng labi at isinara ang pinto at lumipat sa harapan. Wala pa rin kaming imikan hanggang sa nakarating kami sa RC corp. “Good morning sir.. ” bati ng dalawang sekretarya.. tumango lang ang binata at dumiretso sa opisina niya at sumunod naman si janine at naupo ito sa bakanteng table sa loob ng opisina ni lance. Agad namang pumasok ang kanyang sekretarya.. “Excuse me sir.. The meeting is ready..” sambit ni dindi.. tumayo naman agad ang binata at inayos ang kanyang suot at lumabas agad. Naiwan naman ang dalagang si janine sa kanyang opisina.. “Ano naman kaya ang gagawin ko dito?.. parang nakakabagot naman ang ganitong trabaho..” bulong ng dalaga sa kanyang sarili.. nagbasa na lang ito ng magazine para aliwin ang kanyang sarili.. pagkalipas ng isang oras ay bumalik na ng kanyang opisina si lance at inabutan niya ang dalaga na nagbabasa ng magazine. tumayo naman agad si janine nang makita niyang pumasok ang kanyang boss pero hindi na ito pinansin pa ng binata.. mainit ata ang ulo ni sir lance..sa isip ko. Bigla namang may kumatok at pumasok na isang lalake, mukhang nasa 50’s ang edad. “Janine.. sa labas ka na muna..” utos ng binata at agad namang tumugon ang dalaga. Tinungo ko na lang ang table nila hiro para doon na maghintay sa boss ko. “Hi.. ” bati ko sa dalawa. “Hi.. kamusta ang lipat mo sa bahay ni boss?..” tanong ni dindi. “Medyo ok naman..naninibago lang ako..” tugon ko naman habang papaupo at tumayo naman si hiro at lumapit sa akin. “nakakainggit ka janine.. biro mo yon, kasama mo sa isang bahay ang isang Lance corpuz?.. Lahat ng babae dito sa pilipinas ay inaasam-asam yon.. ang swerte mo girl..” sambit ni hiro.. “Ayoko rin namang tumira dun kaya lang eh kailangan kong gawin dahil yon ang utos ni sir lance..” tugon ko naman. “Hayaan mo na at masasanay ka rin..” singit naman ni dindi.. “Alam mo girl.. eenjoy mo na lang ang binigay sayo na pagkakataon. Bihira lang ang nabibigyan ng pagkakataon na makalapit kay boss at sa kanyang bahay ka pa talaga nakatira tapos araw at gabi mo siyang nakakasama. Alam mo yung Eksenang nasa isang bahay lang kayo tapos nakikita mo lagi ang Guapo nitong mukha, ang maganda at matitipuno nitong katawan. Nakuuu!.. wag ka lang magkakamaling pumasok sa kwarto niya..kasi dayyyyy…sinasabi ko sayo!!..warak festival ka!.. diretso ka agad sa ICU ng St.lukes. .” biro ni hiro..napatingin naman ako sa kanya at napapanganga. “Ano ka ba hiro.. niloloko mo na naman si janine eh..”. saway ni dindi. “Bakit totoo naman eh..” sagot ni hiro.. bigla naman bumukas ang pinto ng opisina ni boss at lumabas ang lalakeng pumasok kanina bitbit ang isang envelope. Maya-maya pa ay lumabas na rin si boss sa opisina at Lumapit sa amin at agad kaming tumayo. “Dindi.. kayo na muna ang bahala dito sa opisina.. 1 week akong mawawala. Just call me kung may mga problema dito..” bilin ng binata. “Copy sir..” tugon naman ni dindi.. tumingin naman ito sa akin “Let’s go Miss Perez..” tumayo naman ako agad at nagpaalam sa mga kasama ko. “Sige.. mauna na kami. ” sinenyasan naman ako agad ni dindi at kinindatan ako ni hiro na nakangiti. Dali-dali naman akong sumunod papasok sa elevator. Tinanggal naman ng boss ko ang kanyang suot na suit at ang kanyang necktie at ibinigay sa akin, awtomatiko namang akong napasalo sa kanyang hinubad na suit nang hindi siya kumikibo. Ano ba naman 'to. Di man lang nagbibigay ng senyales o nagsasalita man lang.. sa isip ko habang nakatayo sa likod niya. Itiniklop naman nito ang manggas ng kanyang suot na white polo longsleeve hanggang sa kanyang siko at isinuot ang kanyang shades. Nang nakarating na kami sa lobby ay napansin kong nakatingin ang kanyang mga empleyado sa gawi namin. ang lakas talaga ng dating ng lalakeng ito. Pati mga kalalakihan napapatingin sa kanya. Bulong ko habang nakasunod sa kanya. Lingid sa kaalaman ng dalaga ay siya ang tinititigan ng mga kalalakihan sa kanyang aking ganda na sa akala niya ay sa kanyang boss ang mga ito nakatingin. Napansin naman ng kanyang boss ang pag tingin ng mga empleyado nito sa kanyang P.A .. Huminto ito at nilingon ang mga kalalakihang nakatingin sa dalaga at ibinaba naman nito ng konti ang kanyang suot na salamin para makita ang mga itsura ng mga ito. agad namang nagsi-alisan ang mga ito at bumalik sa kani-kanilang mga ginagawa. Assholes! Sambit ng binata. Nagtaka naman ang dalaga pero hindi na niya ito pinansin. Nagpatuloy naman sa paglakad ang binata at nakasunod lang si janine. Sumakay na kami agad sa kotse at nagsusuot ako ng seatbelt nang biglang nag ring ang cellphone niya.. “Hello.. where are you lex? Papunta na ako ng baguio..” sambit nito. “Ok.. sumunod ka na lang.. I'm with my Assistant..yes! Ok see you..” yon lang at naputol na rin ang usapan nila. Pinaandar naman nito agad ang kanyang sasakyan at umalis na rin kami. Habang nasa biyahe ay nagpatunog naman siya ng music pero nakatingin lang ako sa bintana. Ilang sandali pa ay huminto siya sa harapan ng isang restaurant at ipinark ang sasakyan. “Maglunch muna tayo bago dumiretso sa baguio..” sambit ng boss ko habang tinatanggal nito ang kanyang seatbelt at sumunod naman ako. Pumasok kami agad sa isang Steak restaurant at sinalubong kami ng isang waiter at hinatid sa isang table. Habang nakaupo kami at umoorder ay napansin ko ang ibang customers na nakatingin sa table namin lalo na ang mga kababaihan na parang ang sama ng tingin sa akin. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag kasama mo ang isang Lance corpuz? Nakakailang..mukhang lalapain ata ako ng mga babae dito. “What’s your order?..” tanong ng boss ko. Napatingin naman ako bigla sa kanya. “Cilantro garlic steak butter na lang ang akin..” sagot ko naman.. “1 Rosemary chateaubriand steak and 1 Cilantro garlic steak butter.. ” order naman nito sa waiter. Habang naghihintay kami ng inorder namin ay nahuli ko namang nakatitig ang boss ko sa akin “Bakit po sir?..” tanong ko. Nilagay naman nito ang kanyang dalawang kamay sa table at ipinatong ang kanyang baba. “So Miss Perez..tell me about yourself. I mean about your past job and your family..” tanong nito habang seryosong nakatingin sa akin. “Ahmm. I just recently resigned from my work as a waitress..” tumaas naman ang isang kilay nito sa sinabi ko. “waitress?..why did you resigned?..” napayuko naman ako nang maalala ko kung ano talaga ang dahilan ng pag-alis ko sa restaurant. “What’s wrong?..” agad naman akong napa-angat ng tingin sa kanya.. “Nothing sir.. umalis po ako sa dating trabaho ko para sumubok naman ng ibang trabaho. Mahigit 2 taon din po kasi ako naging waitress.. tsaka dalawa lang po kaming magkapatid ng ate ko. Namatay ang mga magulang namin 6 yrs. Ago..” napayuko naman ako ulit dahil parang gustong tumulo ng luha ko . Napatuwid naman ng upo ang binata. “I’m sorry..” biglang naawa naman ito sa dalaga.. “ok lang po sir.” Ilang sandali pa ay nakatitig lang ang binata sa kanya. Dumating naman bigla ang waiter at iniserve ang kanilang pagkain. Maya-maya pa ay nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang ulit kaming kumain. Nang matapos na kaming kumain ay inabot na nito ang bayad sa bill at nagpasya na dumaan muna sa comfort room. Pagpasok ko sa comfort room ay inabutan ko ang dalawang babaeng nagre-retouch. “Hey..she's here..” kalabit ng babae sa kanyang kasama at tumingin sila sa akin sa salamin. “Opportunist! Ginamit ang ganda para akitin ang isang Lance corpuz..” dinig kong sabi ng babae habang nasa loob ako ng banyo. Bahagya naman akong nakaramdam ng sakit sa sinabi ng babae. Unang araw ko pa lang sa trabaho ko bilang assistant ni lance corpuz, ito na agad ang inabot ko. Buntong hininga ko. “Yeah!.. Ganito na talaga ang galawan ng mga Gold digger girl..ang kapal ng mukha..” dugtong naman ng kasama ng babae. Agad naman akong lumabas ng banyo. Nakita kong sinundan naman ako ng mga ito ng tingin pero di ko na sila pinansin at dali-daling na lang akong lumabas ng comfort room. Halos sabay din kaming lumabas ni sir lance dahil papalabas din siya sa Men's comfort room. Tumingin naman siya sa akin saglit “Let’s go!” aniya. At sumunod na ako sa kanya papunta sa sasakyan.