Chapter 14

2651 Words
Kinabukasan ay maagang nagising. Idinilat ko ang mga mata ko. Ilang sandali din akong nakahiga ng biglang kumatok si ate sa pintuan. Toktoktok “Bea gising ka na ba?..” tanong ni ate na sana labas ng pintuan. “Opo ate..” tugon ko naman habang bumabangon. “Sige bumaba ka na rin at mag-aalmusal na tayo..” itinali ko naman ang buhok ko at tumayo na rin..”Sige po ate..” bumalik na rin si ate sa kusina at lumabas na rin ako ng kwarto at dumiretso na sa ako sa kusina. Naabutan ko namang naglalagay na ng pagkain si ate sa mesa. “Good morning baby boy..” bungad ko kay sky at pinisil ang pisngi nito. “Maupo ka na at kakain na tayo..” Sakto namang uupo ako nang biglang dumating sina ate ruby at dyosa. “Good morning ..” masayang bati ni ate ruby.. “Good morning ate..” tugon ko naman. “kumain na ba kayo?..” tanong ni ate.. “Hindi pa nga mars..sinadya talaga namin na dito na mag breakfast dahil gusto namin makita si janine bago umalis..” aniya. “Oh?. Bakit ganyan ang mukha mo dyosa?..” takang tanong ni ate rito. “Eh kasi naiinis ako kay janine..” nilingon ko naman siya na nagtataka. “Bakit? May nagawa ba ako sayo?..” kunot noo naman ako. “Eh nakakainis ka.. sa RC corp. ka magtatrabaho..makikita mo lagi si lance myloves ko..” pasimangot  nitong sabi. Umiling-iling naman si ate at si ate ruby.”Hay naku..heto na naman tayo..” sambit ni ate ruby. Hay naku! Kung alam mo lang na si lance myloves mo ang boss ko at titira sa ako sa condo niya..naku! baka himatayin ka dyosa.. sa isip ko. “maupo ka na nga lang dyosa..kung ano-ano na naman yang sinasabi mo..” utos ni ate. Nag-umpisa na rin kaming kumain. Tahimik lang kaming kumakain at ilang sandali lang ay nagpaalam na akong babalik sa kwarto para maligo. Mabilis akong naligo at naghanap ng masusuot. Black jeans and plain royalblue shirt na lang ang pinili ko para kumportable ako sa biyahe lalo na at may dala pa akong luggage. Nag-ayos lang ako ng konti at bumaba na rin dala ang backpack at luggage ko. Inabutan ko sila ate sa sala at tinulungan naman ako ni ate at ate ruby na ibaba ang luggage ko. “Mag-iingat ka doon okay?..tawagan mo ako agad kapag dumating ka na sa tutuluyan mo..” bilin ni ate.. “Opo ate..promise tatawag ako agad..” tugon ko naman.. “Mamimiss ka namin Janine..” sabay yakap ni ate ruby sa akin. “Ako din..mamimiss kita..” ani dyosa.. “Ano ba kayo..hindi naman ako sa ibang bansa pupunta, sa QC lang tsaka uuwi rin naman ako dito pag day off ko..” tugon ko naman. “Sige na lumabas na tayo at naghihintay na ang taxi sa labas..” yaya ni ate jade. Agad din kaming lumabas at tinulungan ako ng driver na ilagay ang mga dala ko sa likod. “Sige na umalis na kayo at baka ma-late ka..” utos ni ate at yumakap naman ako sa kanila.. “Ingat kayo dito ate..” sambit ko habang nakayakap sa kanya. “Ikaw din.. huwag mo pabayaan ang sarili mo..okay?..” bumitaw naman ako agad sa pagkakayakap “Opo ate..” at hinalikan ko rin si sky. Sumakay na rin ako at kumaway kina ate. “Mag-iingat ka..” bilin nina ate ruby at dyosa. at umalis na rin kami agad. Habang papalayo kila ate ay parang gusto kong umiyak pero pinipigil ko. Ito ang unang beses na magkakahiwalay kami ni ate. Mahirap pero kailangan kong tiisin para sa kinabukasan namin. Tahimik lang ang naging biyahe namin at nakatingin lang ako sa bintana. Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng L.C Condominium.. “Mam andito na po tayo..” sambit ng driver. Bigla naman akong nagulat at napatingin sa building.. ito na nga..  “sige po manong patulong na lang po ako sa gamit ko..” agad naman akong bumaba at kinuha ang mga dala ko. Inabot ko rin kay manong ang bayad “Ito po manong..maraming salamat po..” inabot naman nito ang bayad ko “ sige po mam..walang ano man..” aniya. Bumuntong hininga naman ako at tiningala ang building. Ang ganda naman ng building na ito. Habang nakatingala ako ay may bigla namang nagsalita sa harapan ko. “Excuse me po mam..” bahagya naman akong nagulat..”ayyy tipaklong!..” agad akong napahawak sa dibdib ko. “Naku pasensya na guard..nagulat lang ako..” hinging paumanhin ko naman dito. “Ok lang po mam..nagulat ko din naman po kasi kayo..pasensya na rin po..” ganti naman nito. “Saan po ba kayo mam?..” tanong naman nito. “Dito kasi  nakatira ang boss ko sa building na ito. Sa 25th floor room 109..” tugon ko naman. “Aaaaah..Kay Sir Lance..Sige mam pasok ka na po. Ako na po magdadala ng gamit niyo papunta sa elevator..” nakangiti nitong sabi. “Salamat..” nginitian ko din siya. Nang narating na namin ang elevator ay si kuya guard na rin ang pumindot kong saang floor ako pupunta. “Maraming salamat kuya guard..” ngumiti naman ito at sumenyas ng pag saludo. mukhang kilalang-kilala sa building na ito si Lance Corpuz ah.. sabagay, mga  maimpluwensyang tao sila kaya kilalang kilala. Ilang sandali lang ay narating ko na rin ang 25th floor at bumukas na rin ang elevator. Agad akong lumabas at hinanap ng room 109. Natanaw ko rin agad ang 109 at bigla akong kinabahan. lumapit ako dito at sandaling nanatili lang na nakatayo.  Kakatok ba ako o mamaya na lang? Hayst.. ano ba naman ‘to! Titira ba talaga ako dito? Wag na lang kaya? Maghahanap na lang ako ng mauupahan. Di ko naman kailangan sundin lahat ng inuutos niya pati mga gusto niya.  “Kakausapin mo na lang ba ang pinto hanggang hapon Miss Perez?.” Nagulat naman at napalingon sa likod ko. Oh my god! Si sir lance.. napanganga naman ako at napapikit. Ano ba naman yan..inabutan niya pa talaga ako dito. “Good  morning sir..” pilit kong bati dahil nahihiya ako. “Good morning..“ seryoso naman nitong tugon. Nakakailang naman ang pagtitig niya. di naman ako makatingin ng maayos dito. “Kanina pa po ba kayo d’yan sir?..” nag-iba naman ang ekpresyon ng kanyang mukha. “Simula nang lumabas ka sa elevator..” mabilis naman nitong tugon. Napapikit naman ako at ngiting hilaw sa boss ko. Narinig niya kaya ang mga sinabi ko? Nakuuuu... lagot na! Bigla naman itong humakbang at lumapit sa pintuan. Mabilis naman akong umalis sa harapan ng pintuan. Pinindot nito ang code at bumukas ang door. Pumasok naman siya agad habang nanatili lang ako sa kinatatayuan ko at nakatitig sa kanya. Kahit nakasimangot siya ang guapo niya pa rin. Paano na lang kaya kung ngumiti pa ito. Nilingon naman niya ako. “Hindi ka ba papasok?..” bigla naman akong natinag sa kinatatayuan ko. Agad ko naman hinatak ang luggage ko papasok sa unit niya. namangha ako sa agad pagkapasok ko. Wow.. napakaganda ng disenyo ng bahay niya.. at may magagandang paintings ng river sides na nakasabit sa wall. Di ko naman napansin na nakatingin pala siya sa akin habang nakatingin ako sa mga paintings. “Mahilig ka ba sa paintings?..” biglang tanong nito. Napalingon naman ako sa kanya. “Medyo lang po sir..” tugon ko naman. “Maupo ka muna Miss Perez..” sambit naman nito at tumugon naman ako dito. “Hintayin mo ako dito..” at agad na pumasok sa isang kwarto si sir lance. Ilang sandali pa ay lumabas ito na may dalang papel at inabot sa akin. “Yan ang mga rules sa bahay ko..at ayokong may nalalabag sa mga rules ko..” sambit nito habang umupo ito sa kaharap na upuan at nakatingin lang ako sa kanya.. “One, bawal ka pumasok sa kwarto ko. Two, ayokong pinapakialaman ang gamit ko. Three, ayokong nakikipag-usap ka sa mga kaibigan ko. Forth, bawal magpapasok ng mga hindi ko kilala dito sa bahay ko and lastly, don’t you dare fall in love with me..”  agad naman akong napatingin sa kanya sa huling sinabi niya. At sa tingin mo talaga magkakagusto ako sayo? sa isip ko. feeling neto!..bulong ko naman.. “Okay sir..” tugon ko naman dito. “Good.. come..” Tumayo naman ito agad at binuksan ang katabing kwarto ng kwartong pinasukan niya kanina. “This will be your room..” binigyan naman niya ako ng espasyo para makapasok sa kwarto. Agad naman akong pumasok at itinabi sa gilid ang luggage ko. “Lalabas ako..dito ka lang sa bahay. Magpahinga ka na muna today dahil aalis tayo bukas..” nilingon ko naman siya at tumango. Agad din siyang lumabas ng kwarto ko. Pagkasara ng pinto ay nilibot ko ang kwarto.. napakaganda at ang disensyo..napaka feminine.. pinasadya niya kaya itong padisenyuhan dahil titira ako dito o ganito na talaga siya dati pa?..napakaganda! Umupo naman ako sa kama at kinuha ang cellphone ko sa bag. Tatawagan ko pa pala si ate na dumating na ako. Calling Ate jade..agad naman sinagot ni ate..”Hello ate..dumating na ako dito sa titirhan kong bahay..” di ko pwedeng sabihin kay ate na sa condo ako ng boss ko titira. “Mabuti naman kung ganun..kamusta ka naman d’yan? Maganda ba ang nahanap mong bahay? Safe ka ba d’yan?..” sunod-sunod naman na tanong ni ate.. alam kong nag-aalala siya sa akin dahil mag-isa lang ako. “Opo ate..maganda ang lugar at safe ate huwag kang mag-alala..” pagsisiguro ko naman sa kanya.. “Ganun ba?..Osige magpahinga ka na muna at tatawag na lang ako sayo mamaya may mga customer na kasing dumating..mag-iingat ka d’yan..” kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil narinig ko ang boses ng ate ko. “Opo ate..” yon lang at naputol na rin ang kabilang linya.. nanatili lang akong nakaupo sa gilid at nakatitig sa cellphone ko nang maisipan kong mahiga muna ngunit bago pa man ako makahiga ay kumatok naman si sir lance. toktoktok..  binuksan niya ang pintuan at pumasok. agad naman akong tumayo at inayos ang sarili ko. “Aalis ako at baka gabi na ako makauwi..wag kang magpapapasok ng ibang tao. Magluto ka na rin ng pagkain mo. Maghanap ka na lang sa refrigerator kung ano ang gusto mo..” bilin nito. Tumango naman ako “Yes sir..” at agad din siyang lumabas ng kwarto ko. ilang sandali pa ay narinig ko na tumunog ang door. Siguro ay lumabas na siya.. hayyy salamat at umalis siya.. feeling ko sinasakal ako, knowing na nakatira kami sa isang bahay.. nagpasya naman akong mahiga para makapagpahinga..hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Sa sobrang himbing ng tulog ko ay di ko na namalayan ang oras. Nang magising ako ay tiningnan ko ang oras sa relo ko. napabalikwas ako nang makita kong 2:30 na pala.. Naku naman janine napasarap na naman ang tulog mo. Bulong ko sa aking sarili. Tumayo naman ako agad at inayos ang aking sarili at nakaramdam ako bigla ng gutom. Naisipan kong lumabas sa kwarto para maghanap ng makakain. Pagkalabas ko ng kwarto ay hinanap ko agad ang kitchen. Hindi naman ako nahirapang hanapin dahil natatanaw ito sa living room. Bago ko pa man marating ang kitchen ay nakita ko ang portrait picture ni sir Lance na nakasabit sa wall.. infairness! Ang guapo mo nga talaga tulad ng sinasabi ni dyosa..actually mas guapo ka sa malapitan.. pero sa tingin ko mas guguapo ka kung ngingiti ka lagi.. habang nakatingin ako sa litrato ni sir lance. Bigla naman tumunog ang tyan ko kaya itinuloy ko na ang pagpunta ko sa kitchen.. binuksan ko ang refrigerator at sakto namang may nakita akong Spicy beef with rice na ready to eat na. Kinuha ko at pinainit muna sa microwave. Lumipas ang ilang minuto ay natapos na rin ang pagpapainit ko sa pagkain at kinuha ko na yon at umupo sa dining area. Habang kumakain ako ay iniikot-ikot ko aking paningin sa kabuuan ng bahay. Hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng disenyo at mga muwebles na ginamit. Ang mga paintings sa walls pati ang mga disenyo ng mga ilaw na nakasabit. Sobrang linis pa ng bahay at maaliwalas.. pagkatapos kong kumain ay nilinis ko agad ang pinagkainan ko at bumalik na agad sa kwarto para ayusin ang gamit ko.. pumasok ako sa isang kwarto sa loob ng kwarto ko at nakita kong isa itong walk-in closet.. Grabe mas malaki pa to sa kwarto ko sa bahay ah.. kinuha ko naman agad ang luggage ko at backpack para ilagay sa Closet ang mga damit ko. agad ko namang kinuha ang mga damit ko at inilagay sa hanger ang iba at ang iba naman ay tiniklop ko. konti lang naman ang damit ko pero ang closet sobrang dami pa ng espasyo. Di ko namalayan na inabot na pala ako ng ilang oras sa pag-aayos ng mga damit ko. sinilip ko ang oras at saktong Alas-sais na nang gabi. Naku! Baka pauwi na yon at di pa ako nakakapagluto para sa dinner. Dali-dali naman akong lumabas sa Kabilang kwarto nang may bigla akong naisip. Sandali... kailangan bang ako ang magluto o may nagluluto para sa kanya?.. Wala naman siyang sinabi sa akin kanina na magluto ako para sa dinner namin. Ang sabi niya lang magluto ako ng makakain ko.. nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ko nang biglang tumunog sa message tone ng cellphone ko.  from Unknown: sino naman kaya to? Binuksan ko ang message at binasa. . It’s me. i got your number from Hiro. Kumain ka na at huwag mo na akong hintayin. Late na ako uuwi.  Tumaas naman ang isang kilay ko. wow.. as if namang hinihintay kita.. umupo naman ako sa kama at nilapag ang cellphone ko. hindi na lang siguro ako magluluto total ay busog pa naman ako sa kinain ko kanina. Magpapainit na lang ako ng cup noodles mamaya pag nagutom na ako. Nagpasya naman akong maligo na muna para makapagpalit na rin ng damit. Pagkatapos kong maligo ay bumalik ulit ako sa kama at naupo. Wala akong alam gawin para aliwin ang sarili ko kaya pinatugtog ko na lang ang music sa cellphone ko para kahit papano ay mabasag naman ang katahimikan ko. sinasabayan ko naman ang kanta nang bigla akong makarinig ng kalabog sa labas. Hininto ko ang pagkanta at pinatay ang music. Baka andito na si sir Lance.. sumilip ako sa pintuan at lumabas ng kaunti. Inobserbahan ko muna kung dumating na nga si sir lance. Ilang sandali pa ay wala na akong narinig kaya sinubukan kong tawagin ito.. “Sir?.. Ikaw na po ba yan?..” naghintay ako kung may sasagot pero wala pa rin. Nakapatay naman ang ilaw sa living room at tanging lampshade na lang ang nakabukas. Bigla naman akong nakaramdam ng takot nang walang sir lance na sumasagot. Nang masiguro kong wala talaga si sir lance ay pumasok ako agad sa kwarto ko at nilock ang pinto. Alas onse na ng gabi ay gising pa rin ako dahil natatakot ako sa nangyari kanina lalo na at hindi rin ako nakakatulog pag mag-isa lang ako sa bahay. Nakaramdam naman ako ng gutom dahil hindi na ako nag dinner. Dahan-dahan ko namang binuksan ang pintuan ng kwarto habang pinapakiramdaman ko ang buong bahay at agad na lumabas. naghanap ako ng cup noodles sa kabinet. Sakto namang may stock dito. Habang hinihintay kong maluto ay naupo muna ako at nagpapalinga-linga nang biglang tumunog ang Front door. Tumayo naman ako agad sa sobrang takot. Nakahinga naman ako ng malaman kong si sir lance pala ang dumating at nakasabit sa kanyang kamay ang kanyang coat. Napatingin naman siya sa gawi ko. “What are you doing?..bakit gising ka pa?..alas onse na ah..” tanong naman nito. “Eh kasi po sir..” di ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita kong nakatingin siya sa cup noodles.. “Hindi ka pa ba kumakain?..di ba sabi ko sayo magluto ka kung anong gusto mo. Marami namang pagkain sa refrigerator..” sambit nito habang papalapit sa table at nilagay ang coat niya sa upuan. “Hindi na po kasi ako nagluto sir kasi late na rin po ako naglunch..” nahihiya ko namang sabi at nanatili lang siyang nakatitig sa akin. “Okay! Tapusin mo na yan at magpahinga ka na rin..” agad naman siyang tumalikod at kinuha ang kanyang coat at diretso nang pumasok sa kanyang kwarto. napansin ko namang mukha pagod siya kaya wala sa mood. Mabilis ko naman inubos ang niluto ko at bumalik na rin sa kwarto ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD