Chapter 13

2163 Words
Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko na si ate sa sala kasama ang pamangkin kong si Sky. “ate andito na ako.” nilingon naman ako ni ate. “kamusta ang lakad mo? Natanggap ka ba?..” nakangiting tanong ni ate sa akin. Tumabi akong umupo kay ate at nilapag ang dala kong sling bag. Humugot muna ako ng hininga bago magsalita. “Natanggap ako ate sa inapplyan ko” nakangiti kong sabi kay ate. Nakita ko namang lumawak ang ngiti ni ate. “ Naku..congrats bea..sabi ko na nga ba at matatanggap ka..” masayang sabi ni ate pero pilit lang ang ngiting tinutugon ko. Di ko alam kong paano ko sasabihin kay ate ang paglipat ko ng Quezon city. “Oh..bakit ganyan ang mukha mo? Hindi ka ba masayang may trabaho ka na?..” takang tanong ni ate habang nakatingin sa akin. “hindi naman ate.. sa totoo lang sobrang saya ko nga e kasi may trabaho na ulit ako. Kaya lang kasi ate..” putol kong sabi. “Kaya lang ano?..” dugtong ni ate habang nakatitig lang siya sa akin. “kasi ate... kailangan kong lumipat ng Quezon city..” Napatuwid naman ng upo si ate sa sinabi ko. “Ano? Bakit? Bakit kailangan mong lumipat ng Quezon city?..” sunod-sunod na tanong ni ate. “kasi ate.. Personal assistant ang napasukan kong trabaho. eh yung boss ko kasi laging may lakad daw tsaka mahihirapan daw ako magbiyahe araw-araw kung dito pa ako uuwi sa makati..” paliwanag ko naman. Bigla naman tumayo si ate at humarap sa akin “Malapit lang naman ang makati sa Quezon city. ilang minuto lang ang biyahe..” sabi nito habang nakapameywang. “Eh kasi ate madalas madaling araw na daw natatapos sa trabaho ang boss ko. Kung saan siya andoon din dapat ako..” sagot ko naman pero nakayuko na ako. Alam kong naiinis na ang itsura ni ate at hindi nakukumbinsi. Tinignan ko naman si ate..nakahawak ang isang kamay niya sa noo niya at isang kamay sa beywang. “tsaka ate..malaki ang inoffer niyang salary sa akin. 40 thousand pesos a month. Makakatulong din yon sa pag-iipon natin ate..” dugtong kong sabi. Nilingon naman ulit ako ni ate “Sigurado ka na ba jan sa trabaho mo?..” nakita ko naman ang lungkot sa mukha ni ate. tumayo naman ako “Oo ate.. para din naman sa atin itong gagawin ko. Kailangan lang magsakripisyo ng konti para sa kinabukasan natin nila sky ate.. ayokong nakikita kang nahihirapan dahil sa sitwasyon natin. Kakayanin natin ito ate at magtutulungan tayo..” pagpapaintindi ko kay ate habang lumalapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya. bigla namang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha mula sa naiinis ay lumambot ang kanyang mukha. “Saan ka naman titira sa Quezon city?..” taanong naman nito habang hinawakan din ang kamay ko. Hindi ko pwedeng sabihin na sa condo ako ng boss ko titira sigurado akong hindi papayag si ate lalo pa at lalake ang boss ko.. “May inalok sa akin na apartment yong sekretarya ng boss ko ate. Doon na muna ako titira..” pagsisinungaling ko. Bumuntong hininga naman si ate at tinitigan lang ako. “Kaya mo ba mag-isa dun? Hindi mo kami kasama ni sky.. kung pwede lang sana kaming sumama sayo doon kaya lang maiiwan ko naman ang trabaho ko dito at walang tatao dito sa bahay..” pag-alala naman ni ate sa akin. “Hindi na ate.. Kaya ko naman mag-isa. Tsaka uuwi rin naman ako dito kapag day-off ko..” nakangiti ko namang sabi. “kailan ka ba lilipat ng Quezon city?..” malungkot na tanong sa akin ng ate. Para namang nadudurog ang puso ko sa nakikita sa mukha ng ate ko. “Bukas na ate..” pabulong kong sagot. Bigla namang napabitaw sa akin si ate. “Bukas na agad? Ang bilis naman..” Gulat nitong tanong. “E kasi ate kailangan ko nang lumipat bukas kasi may lakad daw ang boss ko sa makalawa..” nakasimangot ko namang sagot. Tinitigan lang ako ni ate at di na siya nagsalita. Umupo siya ulit at sumandal.  “O sige na..pumanhik ka na dun at magpalit ng damit. tulungan mo akong magluto ng dinner natin. Pagkatapos ay mag-iimpake tayo ng mga gamit mo..” utos niya at agad naman akong tumango. Naupo ako ulit sa tabi niya at niyakap ko siya ng mahigpit “I love you ate..” bulong ko. Hinimas naman niya ang likod ko. Ilang minuto pa ay bumitaw na rin kaming dalawa sa pagkakayakap namin sa isa’t-isa at  umakyat na ako sa kwarto ko para magpalit ng damit.. habang nagda-drive naman ng kanyang sasakyan si lance pauwi sa kanyang condo ay hindi naaalis sa kanyang paningin ang mukha ng dalaga. She’s really cute and lovely..napapangiti naman ang binata habang iniisip ito..Pagdating ko sa condo ko ay nadatnan ko si mommy sa kitchen “Mom.. What are you doing here?..” Habang papalapit kay mommy. “Oh.. hi son. Namimiss na kasi kita anak. Di mo ba ako namiss?..” patampong tanong naman ni mommy. “Ofcourse.. i miss you mom..” niyakap ko naman siya at bumitaw din agad si mommy. Tinitigan niya ang mukha ko habang nanliliit ang kanyang mga mata. “Mukhang ang saya mo ngayon ah?..” she said. “Why you say so mom?..” nakatitig lang siya sa akin. “Well.. i saw you smiling when you arrived. may pasipol ka pa..” nakangiting sabi ng mommy ko. “Maganda lang ang mood ko ngayon mom..” I said and i hugged her at her waist and kiss my mother. “i’m happy to see you happy anak. Its been a while since the last time i saw you happy..” paglalambing naman nito. Ilang sandali rin kami sa ganoong position. bumitaw naman ako at sinilip ang ginawa niya sa kitchen. “You’re cooking?..” i smiled. “Yes anak. your favorite Menudo..” nakangiti namang sagot ni mommy at bumalik sa kanyang ginagawa. “Magpalit ka na muna ng damit anak maya-maya ay kakain na tayo..” she commanded. Pagpasok ko sa aking kwarto ay agad kong tinanggal ang suot kong coat pero habang inaalis ko ang coat ko ay naalala ko ang mukha ng P.A ko. Bigla akong napangiti nang maalala ko ang maganda niyang mukha. Wait!..what’s wrong with me? Napailing na lang ako at itinuloy ang pagpapalit ko nang damit. Kanina pa ako ganito simula nang dumating ang bago kong P.A. napakamot na lang ako sa ulo ko. Isang saglit pa ay lumabas na ako ng kwarto at nadatnan ko si mommy na naghahanda na ng hapunan sa mesa. “halika na anak kakain na tayo..” yaya sa akin ni mommy. Ngumiti ako at lumapit na sa lamesa at naupo. “hmmmm.. ang bango naman ng niluto mo mom. namiss ko ‘to..” matagal ko na rin di nakasama ulit si mommy kumain. “kain ka lang anak puro paborito mo lahat ng inihanda ko..” nakangiting sabi ni mom at umupo na rin sa right side ko. “Mom..kamusta sa bahay? Si dad?..” tanong ko habang sumasandok ako ng kanin. “Mabuti naman anak. minsan ay malungkot nga lang dahil laging wala ang daddy mo..” malungkot na sagot ni  mommy. Nilingon ko siya at hinawakan ang kamay niya “Why are you look so sad?..” tumingin naman siya sa akin. “lagi kayong busy ng daddy mo sa business. Ako lang lagi ang mag-isang naiiwan sa bahay. Why don’t you come home anak? Sa bahay ka na lang mag stay..” Malungkot na sabi ni mom. “Mom..uuwi rin naman ako sa bahay kaya lang minsan kailangan ko rin mag stay dito sa condo for some privacy. you know how dad manipulative is..” pagpapaliwanag ko naman. “Don’t worry mom uuwi ako ng bahay everyday weekends para di ka na malungkot..” dugtong ko habang nakangiti sa kanya. Ngumiti naman siya. “Talaga anak?..” masayang sabi ni mommy and finally nakita ko nang lumiwanag ang mukha niya. nagpatuloy na kami sa pagkain at nagkwentuhan ng kung ano-ano. Ilang saglit pa ay nagliligpit na si mommy at pumasok muna ako sa kwarto ko. Umupo at sa gilid ng kama ko at kinuha ang isang box na may laman na bracelet. A Heartbeat rhythm design bracelet. tumayo naman ako at humarap sa may glass window at nakatingin lang sa kawalan. I’m still hoping that someday we will meet again. itinaas ko ang bracelet na hawak ko at tinitigan. Where are you now? Do you still remember me? Tanong ko habang nakatitig sa bracelet nang biglang bumukas ang pinto sa kwarto ko. My mom saw the bracelet. “Are you still thinking of that girl?..” nakangiting tanong ni mommy. Nilingon ko naman si mommy saka ngumiti. Ibinaba ko ang hawak kong bracelet at ibinalik sa box. My mom knows about the girl i met before. “I’m just wondering kung nasaan na kaya siya ngayon mom. kung magkikita pa ba kami ulit. She’s pretty way back 10 yrs. ago maybe she is much pretty now..” nakangiti kong sabi habang nakatingin sa window. Lumapit naman sa akin si mommy at hinawakan ang balikat ko. “You liked her that much anak?.i mean it’s been 10 yrs. but you still thinking of her..” nakangiting sabi ni mommy sa akin na nasa tabi ko at tumingin din sa bintana. Nilingon ko siya saglit at tumingin ulit sa bintana. “Maybe gusto ko lang siya makita ulit mom.” nakataas ang isang kilay kong sabi. di ako sigurado sa sagot ko. “This is why you always come first to cebu whenever you’re here in the philippines?..” seryosong sabi ni mommy. Pinag-cross ko naman ang kamay ko sa aking dibdib at nilingon si mommy. “Are you jealous mom?..” natatawa kong tanong sa kanya. Lumingon naman siya at umismid. “Ofcourse..mas gusto mo pa makita yung babae na yon kesa sa akin..” patampong sagot ni mommy. Napatawa naman ako sa mukha niya. “mom..don’t be jealous..alam mo naman na ikaw lang ang reyna sa buhay ko..” sambit ko habang nakayakap sa likod ni mommy. Yumakap naman siya sa akin. Humarap naman si mommy sa akin “It’s getting late..i have to go..” Paalam ni mom. Tumango naman ako at sabay kaming lumabas ng kwarto ko. “Ihahatid na kita sa baba mom..” ilang saglit lang ay nakarating na kami sa lobby. At naghihintay na rin ang driver ni mommy. “Ingat ka mom..i love you..” sabay halik sa pisngi niya. “I will..i love you too anak..” sumakaya na rin si mommy at umalis na.. agad din akong bumalik sa aking unit. Habang sa bahay naman ng dalaga ay abala ito sa pag-iimpake kasama ang kanyang nakakatandang kapatid. panay ang titig ni ate sa akin. Napatingin naman ako sa kanya. “Bakit ate?” Bigla naman siya nagbaba ng tingin at pinagpatuloy ang paglalagay niya sa ibang gamit ko. “Ito ang unang beses na magkakahiwalay tayo. naisip ko lang kung sumama na lang kaya kami ni sky sayo..” umupo naman ako sa tabi niya. “Ate naman. Uuwi naman ako every weekends, isa pa paano ang trabaho mo dito? Mas mabuting dito ka na lang ate. Promise uuwi ako every weekends. Di ko naman kaya na hindi kayo makita sky ng matagal..” sabay yakap ko sa braso ng ate ko. Sumandal naman si ate sa akin at hinimas ang buhok ko. “Mag-iingat ka doon at aalagaan mo ang sarili mo. Okay?..” naluluhang bilin sa akin ng ate ko. Ilang saglit pa kaming nanatili sa ganoong posisyon bago namin ipinagpatuloy ang pag-iimpake sa mga gamit ko. “mag a-alas dyes na pala. maligo ka na at magpahinga na rin para bukas ay maaga ka pang magising. Mukhang inaantok na rin si sky..” tumayo na si ate at binuhat na si sky patungo sa kanilang kwarto. Umupo ako sa tabi ng luggage ko. Nakatitig lang ako na parang gusto kong umiyak. Hindi madali para sa akin na iwan ang ate ko at si sky. Ilang saglit lang ay tumunog ang cellphone ko. Beep! 1 message from Hiro .  Good evening janine. pasensya na sa late na text. Pinapabigay sayo ni president ang address na pupuntahan mo bukas. L.C condominium 25th floor room 109.  Nag-reply naman ako.  Ok Sir. Salamat.   Sa tuwing naiisip ko na titira ako sa condo ng boss ko ay hindi ko maiwasang kabahan. Pero alam ko kakayanin ko 'to. Huminga ako ng malalim saka ako tumayo at kinuha ang tuwalya ko para maligo. Ilang minuto rin ako sa loob ng banyo. Pagkalabas ko ng banyo ay bigla naman kumatok si ate. Toktoktok.. “Pasok..” Sumilip naman si ate sa pintuan. “Oh ate..bakit may kailangan ka ba?..” pumasok naman siya at lumapit sa akin. “wala naman gusto ko lang i-check kong natutulog ka na..” inabot ni ate ang kamay ko at may inilagay sa palad ko. Necklace na may litrato ng pamilya namin sa loob. “kay daddy yan. Lagi mong isuot para kahit nasaan ka lagi mo kaming kasama..” tinitigan ko naman ito ng matagal. Biglang tumulo ang luha ko. Miss na miss ko na si daddy at mommy. “I miss them so much ate..” niyakap naman ako ni ate. Ilang sandali rin kami nagyakapan saka bumitaw si ate. “Osige na. Tama na ang drama. Magpahinga ka na at maaga ka pa bukas..”. Agad ding lumabas si ate sa kwarto ko. Inilagay ko naman sa bag ko ang necklace na binigay sa akin ni ate at nagpatuyo ng buhok. Ilang sandali pa ay natulog na rin ako.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD