Kinaumagahan ay maagang gumising si janine para maghanda ng kanilang almusal. “Good morning ate..” bati ng dalaga sa kapatid na ngayon ay lumabas sa kanyang kwarto. “Good morning. Ang aga mo naman..” ganti naman nito sa kapatid. “si sky ate?..” tanong ko. “Natutulog pa. Himbing na himbing kaya di ko muna ginising. Mamaya na lang, Day off ko naman ngayon kaya hahayaan ko munang matulog..” sagot naman nito at lumapit sa lamesa at umupo. “Coffee?..” Alok ko naman kay ate. “Yes please..thank you!..” nakangiti namang sabi ni ate at inabot ko naman ang kape nito. “thanks!..” umupo naman ako sa kaharap na upuan ni ate. “Inspired ka ata ngayon?..” nakangiting tanong ni ate. “Oo naman ate. Feeling ko kasi magkakatrabaho na ako ngayong araw..” masaya kong sabi. “Oo naman. Ikaw pa ba..” pampa-goodvibes na sabi naman ni ate at nagpatuloy na kami sa pag inom ng kape. “Sige na mauna ka na mag breakfast para makapag prepare ka agad at maagang makapagbiyahe. Mamaya na kami mag aalmusal ni Sky..” utos naman ng kanyang ate. Kumain naman ako agad at bumalik sa aking kwarto para maligo. Ilang minuto din akong naligo at pagkalabas ko sa banyo ay tinungo ko agad ang aking closet at naghanap ng masusuot. Kumuha din ako ng ilang damit at tinitingnan sa salamin kung ano ang magandang suotin. Nilapag ko ang ilang mga damit sa aking kama at nag-iisip kung ano ang susuotin. habang nakapameywang ay namimili ako ng aking susuotin. “Ito na lang siguro para medyo professional ang dating..” napili ko ang isang above the knee white lace longsleeve dress. Nagblower ako agad ng buhok at Isinuot ang dress at inayos ang aking sarili. Kinulot ko ng konti ang aking buhok at ginawang Half up half down ang style. Naglagay din ako ng konting kolorete sa aking mukha at naglagay ng konting lipstick. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at natuwa ako sa resulta. Nagsuot na rin ako ng flat shoes at kinuha ang aking sling bag pati ang aking mga papeles. Pagbaba sa hagdan ay napa-angat ang ulo ng kapatid na si jade at nagulat sa ayos ng kapatid. Tumayo ito at lumapit kay janine. “Oh my god bea..you’re so beautiful..” puri naman ni ate sa akin. Nginitian ko naman siya. “thanks ate..” at niyakap ko agad si ate. “O sige na. lumakad ka na at baka ma-late ka..” Utos ni ate. Tumango naman ako at ngumiti bilang tugon at tinungo ko na ang pintuan at lumabas na.” Ingat ka..“ habol ni ate. “Yes ate. Thanks..” tugon ko naman. Medyo natagalan din ang binyahe ko simula sa bahay papuntang Ortigas dahil medyo traffic.. Nakatayo na ako sa harapan ng RC Corporation building at tumingala dito at huminga ng malalim bago ko kinuha ang Calling card na binigay sa akin ni hiro at tinawagan ito. Tumunog naman ang cellphone ni Hiro na naglalagay ng papeles sa table ng kanilang boss. Kriiing.. kriiing...unknown number sinagot niya ito. “Hello..” sambit ni hiro. “ Hello Good morning.. Ako yung babaeng binigyan mo ng calling card kahapon sa may Korean Restaurant..” nahihiyang pagpapakilala ni janine dito. “Oh yeah right.. andito ka na ba sa building?..” tanong naman nang kausap ng dalaga. “Aah opo kakarating ko lang din..” sagot naman nito. “Ganun ba? sige pumasok ka na at umakyat ka dito sa 30th floor..” kaharap lang ng elevator ang table ko kaya makikita mo ako agad..” utos naman ng kanyang kausap. “Ok..Thank you..see you!..” huling sabi ng kanyang kausap at pinutol na ang linya. Huminga siya ulit ng malalim bago siya pumasok sa building. Pagkapasok ko sa building ay napansin kong may mga napapatingin sa akin na mga empleyado. Lalo na ang mga kalalakihan. Bigla naman akong napakamot sa ilong dahil nahihiya ako sa ginagawa nilang pagtitig sa akin. Nagpatuloy lang ako sa paglakad papuntang elevator at hinintay na magbukas ito. Makalipas ang ilang minuto ay bumukas na ang elevator eksakto namang walang tao kaya pumasok na ako agad at pinindot ang 30th floor. Habang nasa elevator ay pinipisil-pisil ko ang aking kamay at bumubuga ng hangin dahil sa sobrang kaba. Ilang saglit lang ay narating ko na rin ang 30th floor..pagbukas ng elevator ay agad kong nakita si Hiro na nakaupo sa kanyang spot. Agad namang tumayo si Hiro at lumapit sa akin. “Hi.. ang ganda mo naman ngayon..” bati ni hiro sa akin. “Hi..salamat..” tugon ko naman. “Halika..dun ka muna sa couch wala pa kasi si boss..” akay ni hiro sa dalaga at pinaupo sa couch. Tumunog naman ang telepono sa table ni hiro at nilingon ito “Excuse me. sagutin ko lang..” paalam ni hiro. Tumango naman ako at ngumiti. Mukhang ang bait niya.. ang saya niya siguro maging kaibigan pag-oobserba nito kay hiro. Bigla naman napatingin si janine sa babaeng lumapit kay hiro. “Bakla.. may nahanap ka na ba para maging personal assistant ni boss? Baka mamaya magalit na naman yon..” sambit ng babaeng dumating. Maganda rin siya, hanggang balikat at unat ang buhok, maputi rin ito at sexy. “Ofcourse ako pa ba..” pagmamalaki naman ni hiro sa kaharap na babae. Inakay naman ni hiro ang magandang babae patungo sa kinauupuan ko. Agad naman akong tumayo. “Good morning..” nakangiting bati ko. Di naman agad nakapagsalita ang kaharap na babae at nakatitig lang sa dalaga mula ulo hanggang paa. “ikaw ang mag apply na personal assistant ni boss?..” takang tanong nito dito. “Aah.. yes ma’am..” magalang ko namang sagot. Napanganga naman si dindi at nilingon si hiro na nakangiting naka cross ang dalawang kamay sa dibdib. Hinatak nito si Hiro sa di kalayuan at naiwan naman akong nakatingin sa kanila. “bakla ka..ang sabi ni boss maghanap ka nang magiging personal assistant niya. hindi muse..” pabulong na sabi ni dindi. “Bakla..ang sabi ni boss.. Ok lang kung babae o lalake basta with pleasing personality..” nilingon naman ni hiro ang dalagang si janine at ngumiti naman si janine sa kanya. “Yon na nga.. with pleasing personality. eh mukhang modelo ng Beauty products yang kinuha mo e..” sabay hampas ni dindi sa balikat ni hiro. Nagtataka namang nakatingin si janine sa dalawa. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? ayaw kaya nila sa akin? Biglang napayuko naman ako at nalungkot. “Bakla..Ok na yan..guapo si boss kaya dapat lang na maganda rin ang assistant niya..” sambit naman ni hiro. “Ewan ko sayong bakla ka..” sabay talikod ni dindi kay hiro at binalikan si Janine. “Maghintay ka na muna dito habang wala pa si boss. Siya kasi ang magsasabi kong pasok ka sa kanya..” Nakangiting sabi ni dindi. Patalikod na sana siya ng bigla siyang humarap ulit kay Janine. “Ano bang trabaho mo dati?..” curious na tanong ni dindi. “aahh.. Waitress..” agad ko namang sagot. Nakakunot noo naman si dindi at nagulat sa sinabi ng dalaga. Ang ganda naman n’yang waitress.. napapailing na sinabi ni dindi sa kanyang isip. “Okay!.. ” nakangiti naman si dindi at agad na tumalikod at tinungo ang kanyang table. Ilang minuto lang ay tumunog ang cue ng elevator at iniluwa niyon si Lance Corpuz. Agad namang tumayo ang dalawang sekretarya “Good morning President..” sabay bati ng dalawa at tumango lamang ang binata sa dalawa at pumasok na sa kanyang opisina. Narinig ni Janine ang pagbati ng dalawa sa dumating. President? Baka yon na yung boss na sinasabi nila.. bulong naman ni janine sa sarili at bigla siyang kinabahan. Umayos siya ng upo at inayos ang sarili. Ilang sandali pa ay pumasok si Dindi sa opisina ng kanilang boss. “Excuse me sir. Andito na po yung mag-aapply na personal assistant niyo..” pagpapaalam ni dindi sa kanyang boss. “Papasukin mo..” utos ni Lance habang naglalagay ng kanyang coat sa stand. at agad namang lumabas si Dindi para papasukin ang Dalaga. “Miss, pwede ka na pumasok sa office ni boss..” nakangiting sabi ni Dindi sa dalaga. Agad naman tumayo si janine at inayos ang kanyang suot at tinungo ang Opisinang ituro ni Dindi. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ako kumatok sa pintuan. Toktoktok.. “Come in..” sagot ng binata na nasa loob ng opisina. Saka hinawakan ni janine ang door knob at binuksan ito. Pumasok na ang dalaga at humarap sa binata. Hindi agad nakita ni lance ang pagpasok ng dalaga dahil abala ito sa pagtiklop sa kanyang longsleeve at nakayuko ito. “Good morning sir..” bati ko. Agad naman inangat ni lance ang mukha para makita ang mukha ng dalaga. Ngumiti ang dalaga nang nag-angat na nang tingin ang binata. Napatigil ang binata sa patiklop ng isa pa nitong manggas ng makita niya ang mukha ng dalaga. Nakatitig lang siya sa dalaga. Si Lance Corpuz? Bulong ko sa sarili ko. Ilang minuto rin kaming nagtitigan. Tiningnan ni lance ang dalaga mula ulo hanggang paa. Ito ba ang mag-aapply na P.A ko? Tanong ng binata sa kanyang sarili habang nakatitig sa dalaga. Ngumiti naman uli ang dalaga kung kaya’t natigil ang pag-eeksamina nito sa dalaga. “Have a seat..” sambit ng binata habang papa-upo na rin ito.”Thank you sir..” Umupo na rin si janine sa upuan na nasa harap ng table ng binata. Ipinatong naman ng binata ang kanyang dalawang siko sa lamesa at pinagtiklop ang kamay. “So, what”s your name?..” pormal na tanong ng binata. Agad naman akong napatingin. “My name is Janine Beatriz Perez sir..” pagpapakilala ko at agad ko ding inabot sa kanya ang aking resume. “Janine.. so you’re 22 yrs.old..single..” basa niya sa aking resume at tumango-tango. “So you lived in makati city?” tanong ng binata. “Yes, sir.. ” sagot ko naman na kinakabahan sa pagtitig niya sa akin kaya halos hindi rin ako makatingin dito. “Are you nervous?..” tanong naman nito habang sinisilip ang mukha ko. Tumingin naman ako agad sa kanya ng diretso. “Ahmm.. medyo lang po sir..” nakangiting sagot ko naman habang nakatingin pa rin sa kanya. Why her eyes so familiar to me? Tanong sa isip ng binata habang nakatitig sa dalaga at nanliliit ang mata. “Aware ka ba kung anong trabaho ang ina-applyan mo?..” tanong uli ng binata. “Yes sir..Personal Assistant po..” pormal ko namang sagot. Sumandal naman ito sa kanyang swivel chair at ibinaba ang folder ng dalaga. “So magiging personal assistant kita. kahit saan ako magpunta dapat andun ka rin.. Are you aware of that?..” seryoso nitong tanong. “Yes sir..” mabilis ko namang sagot. Hindi naman agad nagsalita ang binata at nakatingin lang sa dalaga. Nakakailang naman ang ginagawa niyang pagtitig sa akin. “You’re living in makati.. Kung sakaling tatanggapin kita. Paano mo magagampanan ang trabaho mo bilang P.A ko kung sa Makati ka pa umuuwi?..“ muling tanong ng lalake. Hindi naman agad nakasagot ang dalaga. “Early pa po ako bibiyahe everyday sir papunta dito..” nakangiti ko namang sagot. Sarkastiko namang tumawa ang binata. Problema neto? May nakakatawa ba sa sinabi ko? Takang tanong ng dalaga sa kanyang isip at nangunot ang noo nito. “Miss Perez.. you’re applying to be my personal assistant. Kung saan ako andoon ka rin to bring my stuffs and everything. I’m a busy person. Early umaalis ng bahay at late na umuuwi. That will also be your daily routine kapag naging P.A kita..” pagpapaliwang ng binata. “So, how will you manage your responsibility if you’re living in makati? Are you willing to travel at 1 am and Arrive at work at 7am?” nagulat naman ako sa narinig. Uuwi ng 1am at papasok ng 7am? Seriously? Tanong ng dalaga sa kanyang isip. “So..what do you want me to do sir?..” curious kong tanong naman dito. “You need to move here in Quezon city.. with me..” diretsahan nitong sabi sa dalaga. Nagulat naman ako sa sinabi nito kaya nanlaki ang mata ko na nakatitig sa kanya na bahagyang nakaawang ang bibig. “You... want me...to live.. in your house sir?..” nauutal na tanong ng dalaga. “Yes!.. In my condo.. you’re living with me in my condo..” mabilis na sagot ng binata. Bigla namang napaupo ng tuwid ang dalaga at tinitigan ang binata. He what????! He wants me to live with him in his condo?. bulong ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa kaliwa ko. “40 thousand pesos..” napatingin naman ako uli sa kanya. “Sir?..” nagtataka kong tanong. “That will be your salary if you will become my personal assistant..” nagulat naman ako sa sinabi nito. 40 thousand pesos? Tatlong buwang sweldo ko na yon ah. “So are you willing to be my P.A Miss Perez or not?..” huling tanong ng binata. Tumingin naman ang dalaga dito. Humugot muna ako ng malalim na hininga. “Yes sir. I’m willing..” lakas loob nitong sagot sa binata. “Ok then..” at dinampot ni lance ang telepono sa lamesa. “Hiro, i want you to prepare Miss Perez contract and give her all my schedules and appointments..” yon lang at ibinaba na ni lance ang telepono at bumalik sa humarap sa dalaga. “Ok Miss Perez.. i want you to move in my condo by tomorrow. Aalis tayo sa makalawa..” Magsasalita pa sana ako pero pinigil niya ako sabay senyas sa kamay niya “sshhhhhh.. i don’t like but’s” habang nakasandal lang ito sa kanyang upuan. Wala na rin akong nagawa. “Yes, sir..” yon na lang ang tangi kong nasagot. “You can go now. see you tomorrow..” utos ng binata “Okay sir. Thank you po..” saka ako tumayo at tumalikod na papunta ng pintuan. Naiwan namang nakatingin ang binata sa papalabas na dalaga at nangingiti. “tsss.. she’s cute..” naiiling na sambit ng binata. Agad siyang nagcross ng dalawang kamay sa kanyang dibdib at sumandal sa upuan. Bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya? I mean.. yes, she’s pretty. I can’t deny that. But somehow, i feel so strange. Umiling na lang ito ulit at iwinaksi ang kanyang iniisip at binuksan ang kanyang laptop. Paglabas sa opisina ay nakatulala si janine na naglalakad papunta sa table ng sekretarya. Agad naman tumayo si hiro at Dindi at lumapit kay janine. “Congrats girl.. “ bati ni hiro at napansin niyang mukhang malungkot ito. “Oh bakit? May problema ba? di ka ba masaya na tanggap ka na?..” sunod-sunod na tanong ni hiro habang hinahawakan ang isang braso ng dalaga. Tumingin naman ako sa kanya at ngumuso at bumuntong-hininga. “Kailangan ko ba talaga tumira sa condo niya?..” diretso kong tanong kay hiro.. “ANO???..” sabay na reaksyon ng dalawang sekretarya. Sabay namang napatakip ng bunganga ang dalawa at inakay si janine sa table nila. “sa condo ka ni boss titira?..” pabulong na tanong ni dindi. “kasi daw kung saan siya dapat andun din daw ako. sa makati pa daw kasi ako umuuwi mahihirapan daw ako bumyahe lalo pa’t madaling araw na daw siyang natatapos sa mga lakad niya..” mahina kong sabi. “eh akala ko ba ay personal assistant ang hanap niya? bakit parang trabaho ng yaya at bodyguard ang peg mo girl? Kailangan lahat ng lakad niya andun ka rin kahit sa Bar pa siya magpunta?..” nagtatakang tanong ni dindi. Napaupo naman ako. “Ano ka ba..wag ka nang sad. Ang swerte mo nga noh.. sa dami ng babae sa mundo ikaw pa talaga ang nabigyan ng pagkakataong makasama sa isang bahay ang Isang Lance Corpuz..” Pangungumbinsi naman ni hiro habang kumukumpas sa hangin. “Hindi ba’t ang pangit naman tingnan na sa isang bahay lang kami nakatira? Boss ko siya at assistant niya ako. I mean pwede naman akong maghanap ng matutuluyan dito..” habang nakatingin ako sa kanilang dalawa. “Naku girl.. sundin mo na lang ang sinabi niya sayo. Masama magalit yang si Boss..” pagbabanta naman ni dindi at hinampas naman ni hiro ito sa balikat. ”Ano ka ba.. wag mo ngang tinatakot si Janine..” at inirapan niya ito. “kailan ka daw ba dapat lumipat?..” tanong ni hiro. “Bukas daw..” mabilis namang sagot nito. “Agad?..” sabay na reaksyon ng dalawa. Nagtataka naman ang dalaga sa nagiging reaksyon ng dalawa. “o sige na. umuwi ka na muna ngayon at i-prepare mo na ang mga gamit mo para maaga ka pa bukas..” sambit ni dindi. Ngumiti naman si hiro sa dalaga. “Sige mauna na ako..” paalam ko at tinungo na ang elevator. Habang nasa elevator ako ay naiisip ko pa rin ang paglipat ko sa condo ng boss ko. maiiwan ko si ate at si sky sa bahay malungkot kong bulong sa aking sarili. Napabuntong-hininga na lang ako..hoooooo... kailangan ko tong gawin para sa amin ni ate. Makakatulong din ang sweldo ko para makapag-ipon at makapag-aral ulit. Ilang saglit lang ay bumukas na ang elevator sa ground floor. Paglabas sa elevator ay napansin kong nakatingin ang grupo ng lalakehan na nakatayo sa may hallway sa akin.. witweeeew... sipol ng isang lalaki at umakbay sa kasamahan habang nakatingin sa gawi ko. Hindi ko na yon pinansin at dumiretso na akong lumabas ng Building. Habang nasa biyahe ay nag-iisip ako kung ano ang mangyayari sa akin habang nakatira sa bahay ng boss ko. “Paano ko ba ‘to sasabihin kay ate? Siguradong hindi papayag yon..tapos bukas na ako dapat lumipat sa condo niya..” napapasabunot na lang ako sa buhok ko habang iniisip yon.