Chapter 11

1605 Words
Agad kong sinilip ang nasa gate. “Tao po..” Lumapit naman ako dito “Sino po sila?..” nakangiting tanong ng dalaga. “Delivery po para kay Jade Iriz Perez..” agad namang inabot sa akin ng delivery boy ang bulaklak. “Kanino daw po galing?..” tanong nito ulit. “Hindi ko po alam ma’am..taga deliver lang po ako..” tugon naman ng lalake “Paki-pirmahan na lang po..“ inabot naman ng lalaki ang papel at saka nagpaalam. Tiningnan ni janine ang bulaklak pero di niya na binasa ang nakasulat sa papel hihintayin na lang niyang ang ate niya ang magbasa at bumalik na rin siya sa loob at nag umpisang magluto. Pagsapit ng alas sais ng gabi ay dumating na ang kanyang ate at pamangkin kasama sina Ruby at dyosa. “Andito na kami “ pagpapahiwatig ng kanyang ate. Sumilip naman si Janine mula sa kusina. “ Ate..“ bungad  ng dalaga at nagulat siya dahil kasama ng ate niya sina ruby at dyosa. ”Oh.. bakit andito kayo?..” curious kong tanong. nagtaas naman ng kilay at nameywang si Dyosa “Bakit hindi na ba kami pwedeng pumunta dito?..”pagtataray naman nito. Hindi naman iba sa kanila ang ganung pag-uusap sanay na sila sa isa’t-isa.. inirapan naman ni janine si dyosa at ngumiti “hindi naman.. Nagulat lang ako na andito kayo..” nginitian ko naman siya. naupo naman sa sofa si ate ruby at ate habang si Dyosa naman ay lumapit sa bulaklak na nasa harapan nila. “Uy bakla..ang ganda ng bulaklak na ‘to ah. san galing?..”  tanong nito sa akin. “Oh my god! May nanliligaw na sayo?..” dugtong pa nito. Napaismid naman ako. “Hindi sa akin yan.. tsaka wala akong manliligaw...para kay ate yan hinatid nung delivery boy kanina..” Pagpapaliwanag ni janine at bigla namang napalingon ang kanyang ate sa kanila. “Para sa akin?..” habang papalapit ito sa kanila. “Kanino daw galing?..” dugtong nito. “Hindi rin sinabi ate pero may papel naman jan baka nakasulat din jan kung kanino galing..” sagot ko naman. Lumapit naman si Ruby sa tatlo. “Basahin mo nga jade baka galing yan sa gago mong Ex..” dugtong na sabi ni Ruby. “Sobra ka naman ate. Bakit naman yon magpapadala ng bulaklak dito e diba nasa ibang bansa na yon?..” dugtong naman ni dyosa. “Tumigil na nga kayo” saway ni jade at kinuha ang maliit na piraso ng papel at binasa ang nakasulat. Jade is purity, that protects and support loving heart, energy and gentleness. That’s what you are Jade. Love, “Naku ‘te.. makata ata tong misteryosong manliligaw mo. Hindi ko kinaya ang bagsakan..” sabi ni dyosa na nakasandal at nakatingin kay Jade. Kinuha naman ni jade ang bulaklak at tiningnan. “Kanino kaya ‘to galing?..” tanong ng dalagang si Jade. “kung sino man yang misteryosong lalaki na yan sigurado akong ang lakas ng tama sayo mare..” sambit ni Ruby na bumalik sa kanyang pagkakaupo. Napapaisip naman si Jade kung sino ang misteryosong lalaki. “May nanliligaw ba sayo ate na hindi namin alam?..” tanong ko naman kay ate. Lumingon naman si ate akin. “Wala. Tsaka wala naman akong panahon sa ganyan. Isa pa may anak na ako para sa ganyan..” depensa naman ni ate Jade. “Hindi naman porket may anak ka na ate e hindi ka na pwedeng magka-lovelife. may karapatan ka rin naman sumaya..” singit naman ni Dyosa. “Oo nga naman ate. why don’t you give it a shot, malay mo siya na pala ang lalakeng para sayo” pangungumbinsi ko naman kay ate. “Hay naku! Tigilan niyo nga ako. Wala akong panahon jan. masaya na ako sa Anak ko. hindi ko na kailangan ng lalake sa buhay ko maliban sa anak ko..” Pagtataray nito at nilapag ang bulaklak at tinungo ang kusina. Napanguso naman si Dyosa at nagkibit-balikat naman si Ruby. Sumunod naman ako sa kusina. “Nagluto ka na pala..” sambit ni ate habang naupo sa harapan ng lamesa. “Oo ate, kanina pa kasi ako nakauwi kaya nagluto na ako pagdating ko..” sagot ko naman habang papalapit sa lamesa at nakatingin sa kanya. “Bakit?” takang tanong nito. “Ate pano kung si Anton ang nagpadala ng bulaklak?..” alala kong tanong. Nilingon naman ako ni ate. “Hindi ako sigurado bea pero natatakot ako sa posibilidad na yon..” Mahinang sagot ni ate. Lumapit naman ako dito at naupo sa tabi ni ate. “Paano kung malaman ni Anton ang tungkol kay sky ate?..”.Bumuntong-hininga naman si ate at nilingon ako. “Wala s’yang karapatan sa anak ko. Hindi niya na kailangan pang malaman ang tungkol kay sky. At kung dumating man ang panahon na yon. Ipaglalaban ko ang anak ko..” Hinimas ko naman ang balikat ni ate at niyakap. Bigla naman pumasok si Ruby at Dyosa sa kusina buhat si sky. “Nag-eemote na naman kayong dalawa d’yan. H’wag mo na isipin kong kanino galing yung bulaklak. Tulad naman ng sinabi mo mare, hindi ka naman interesado kaya wag na natin pag-aksayahan ng panahon..” sambit ni Ruby habang papa-upo sa Dining table. "Oo nga naman ate kumain na lang tayo..” pag-iimbita ko. Nag-umpisa na rin ako maglagay ng plato at baso sa Lamesa at nagsimula rin na kaming kumain. Habang kumakain kami ay biglang naalala ni ate ang tungkol sa paghahanap ko ng trabaho. “Bea..kamusta nga pala ang paghahanap mo ng trabaho? May nahanap ka na ba?..” tanong ng kanyang kapatid habang sinusubuan ang anak. “Wala pa ate,.ang hirap maghanap. Lahat ng pinagtanungan ko puro walang bakante..” sagot ko naman. “Bakit kasi di ka na lang ulit dito maghanap sa makati? bakit kailangan doon pa sa QC?..” Tanong naman ni ate Ruby. Bumuntong-hininga naman ako. “Sinubukan ko lang naman magbakasakali doon..” sagot ko naman dito. “Oo nga pala ate may nakilala ako kaninang lalake, not literally lalake Bakla siya pero professional ang datingan. Nakilala ko siya kanina habang naghahanap ako ng maa-applyan. Inalok niya ako ng trabaho. Naghahanap daw kasi ng Personal assistant ang boss niya kaya niyaya niya akong mag-apply..” masaya kong sabi. “Talaga? Anong kumpanya?..” Excited na tanong naman ni ate. “RC Corporation sa Ortigas ate..” sagot ko naman. Bahagya namang nailuwa ni Dyosa ang iniinom n’yang tubig sa kanyang gilid nang marinig niya ang sinabi ng dalaga. Napatingin naman silang tatlo kay Dyosa. “Anong nangyari sayo? Ok ka lang ba?..” tanong ni Ruby..”RC Corporation?..” tanong nito habang nakatingin kay Janine at nanlalaki ang mga mata. “Oo.. “ sagot ko naman na nagtaka kay Dyosa. “Bakit? Alam mo ba yon?..” tanong naman ni ate Jade. “ My god! It’s Romano Corpuz corporation. Ang father ni Lance Corpuz..” pagpapaliwang naman ni Dyosa. “Nakakaloka ka janine.. Bihirang pagkakataon lang ang makapagtrabaho ka sa kompanyang yon..” dugtong naman nito. Bigla naman nakaramdam ng pressure si janine sa sinabi ng dalaga. “Ano ba daw ang trabahong a-applyan mo dun janine?..” tanong uli ni ate. “Hindi ko pa sigurado ate pero ang sabi sa akin nung nagbigay ng calling card ay personal assistant daw ng boss niya..” sagot ko naman habang kumukuha ng tubig. “Ano daw pangalan nong boss niya? babae ba o lalaki?..” tanong naman ni ate ruby. “Hindi ko pa alam ate wala naman s’yang binanggit na pangalan. Bukas ko pa malalaman..” Napatingin naman si dyosa sa akin. “Oh my G. Baka si Lance Corpuz ang boss niya..or pwede ring si Mr. Romano Corpuz..” biglang sabi ni dyosa habang nakapangalumbaba at nakatingin sa kawalan.  “Hindi ko pa nga alam. pupunta pa ako doon bukas..” sagot ko naman. Ngumuso naman si Dyosa na nag-iisip. “Ano na naman ang iniisp mo dyan?..” nagtatakang tanong ni ate ruby ky dyosa. “Iniisip ko lang kung sino ang magiging boss ni janine doon sa kompanyang yon..” sambit naman nito. Nakatangin lang ang tatlo sa kanya na napahinto sa pagkain. Umiling-iling naman silang tatlo. “Ewan ko sayo.. Alam mo ikaw pag naririnig mo yang pangalan ng crush mo nagiging timang ka. Para kang tanga..” inis na sabi ni Ate Ruby. “Ay, grabe siya oh! Double murder teh?..” sambit naman nito na nakataas ang gilid ng kanyang labi. “Kumain na nga lang kayo..” saway naman ng dalagang si jade. Naiiling na natatawa naman si Janine sa dalawa. Pagkatapos nilang kumain ay sandali lang nagpahinga sina Ruby at Dyosa at agad ding nagpaalam. Pagkatapos kong maligo ay bumaba ako para kumuha ng maiinom ng maabutan ko si ate na nakaupo sa Kusina. “Ate?..” agad naman napalingon si ate. “Oh, janine. Bakit di ka pa natutulog?..” tanong nito sa kapatid. “Matutulog na rin ako ate kukuha lang ako ng maiinom..” tumango naman ito at bumalik na humarap sa lamesa. “Iniisip mo ba kung sino ang nagpadala ng bulaklak?..” tanong ko habang kumukuha ng tubig sa refrigerator. “Natatakot ako sa posibilidad na baka nga si Anton ang nagpadala ng bulaklak..” sambit ni ate habang nakatingin lang sa kawalan. “Eh diba sabi mo nasa ibang bansa na si anton?..” umupo ako sa tabi ni ate. “Yun ang alam ko matapos kaming maghiwalay pero paano kung bumalik na siya ng bansa?..” nakikita ko ang pag-aalala sa mukha ni ate. “Impossibleng si anton ang nagpadala ng bulaklak ate..di niya naman alam ang bago nating address..isa pa naghiwalay na kayo diba? bakit pa siya magpapadala ng bulaklak.. tsaka sa message na nakalagay do’n sa letter imposibleng si anton ang may gawa nun. Bakit ka niya papadalhan ng mensahe na gano’n samantalang matagal na kayong hiwalay..” mahabang pagpapaliwanag ko naman. “Hindi ko alam. naguguluhan ako wala naman din kasing nanliligaw sa akin. ni nagpaparamdam nga wala..” agad naman nitong sagot sa kapatid. “Baka may umaaligid na sayo ate at wala lang lakas ng loob na magpakilala sayo at ngayon lang nagawang magpaparamdam” pagbibigay ko naman ng idea. Bigla naman napatingin si ate sa akin. “Sige na.. wag na natin pag usapan pa ito, matulog na tayo..” yaya ni ate at agad na silang tumayo at tinungo ang kani-kanilang kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD