Pagsapit ng alas otso ng umaga ay umalis na agad si janine para pumunta ng QC para maghanap ng pwedeng ma-applyan. Nagsuot lamang siya ng black jeans at mustard plain shirt at kinulot lamang ng konti ang kanyang mahabang buhok. Lumutang ang kanyang kagandahan sa kanyang ayos. Dumiretso na si janine sa park square at doon na naghintay ng bus. pagkasakay niya ng Bus ay may tumabi sa kanyang lalake. Guapo ito at matangkad. Sa tabi na siya ni janine naupo dahil yun na lamang ang tanging bakante. Nginitian siya ng lalake at tumugon naman ito. Habang sana biyahe ay napapansin ni janine na paminsan-minsan ay tinititigan siya ng lalake. Nilingon ito ng dalaga at bigla naman nagulat ang lalake. “Hi..” sambit ng lalake. “hi.. “ tugon naman ni janine at sandaling ngumiti. “Ahmm. Ako nga pala si Jake..Jake Buenavintura..” aniya. “Janine.. “ pagpapakilala din ng dalaga at nagkamayan sila. “Nagtatrabaho ka sa QC?..” biglang tanong ng lalake. nilingon naman siya ng dalaga “ah..hindi..magbabakasakali pa lang sana maghanap ng trabaho doon..” sagot naman nito. “Ganun ba? sana makahanap ka agad..” nakangiting sabi ng binata. “ikaw? Sa QC ka rin ba nagtatrabaho?..” curious namang tanong ng dalaga. “Hindi.. sa Makati din ako nagtatrabaho..sa makati police station..” napatingin naman agad ang dalaga sa katabing binata. “Police ka?..” biglang tanong nito. “Yeah!..” sagot naman ng binata na napakamot sa kanyang ulo at nakangiti. “So.. Sir pala dapat na itawag ko sayo..” pilyang sabi ng dalaga na nakangisi. “No, just jake. Wag na yung sir..” natatawang sabi ng binata. Ngumiti naman ang dalaga.. “Okay. Sabi mo e..” agad na tugon ng dalaga. Ilang sandali pa ay dumating na sila sa trinoma at magkasunod na silang bumaba sa bus. Humarap naman si Janine sa binata at nagpaalam “Pa’no mauna na ako sayo..” Pagpapaalam ko sa binata. “Sige.. mag iingat ka..” tugon naman ng binata. “Okay! Ikaw din..” at agad na umalis na ang dalaga. Naiwan namang nakatingin pa rin ang lalake sa dalagang naglalakad papalayo. She’s beautiful and lovely.. bulong ng binata sa sarili at agad na rin itong tumalikod. Agad na sumakay ng taxi si janine at unang pumunta ng Ortigas. ilang minuto lang ay narating niya ang Ortigas. Nagpalakad-lakad muna ito naghanap ng mga Hiring Establishments. Inabot na ng limang oras si Janine sa paghahanap ng maa-applyan. Umupo siya sa isang bench at nagpahinga.. bumuntong-hininga ito at sumandal. Haysss.. ang hirap na maghanap ng trabaho ngayon lahat ng pinasahan ko puro college degree holder ang hinahanap. Matamlay nitong sabi sa sarili. Ilang minuto pa ay naglakad ulit siya para maghanap ng pwedeng maa-applyan. Lumipas ang isang oras ay napadpad siya sa Harapan ng isang mataas na building tiningala niya ito at binasa ang Pangalan ng Building. RC Corporation basa niya sa kanyang sarili na nakataas ang isang kilay at nakanguso. Ano naman kaya ang pwede kong applyan sa building na ito? Puro ata mga college degree holder din ang tinatanggap lang dito. Nakatitig lang siya ng matagal dito. Bigla naman siyang napatayo ng maayos at agad na tumalikod ng mapansin n’yang may papalabas na dalawang lalake..si Lance at Alex. “Hello dindi.. Yes. i want you to fix my schedule for this week, I’m going to Baguio next week..” sabi ng lalake na lumabas at narinig yon ni janine habang nakatalikod siya. Agad naman sumakay ng sasakyan ang dalawang lalake at umalis. humarap bahagya ng konti si janine kung kaya nakita ni Alex sa side mirror ang mukha ng dalaga. Agad siya nitong nilingon sa sasakyan pero di na niya nagawang makita ng mabuti dahil nakalayo na rin sila. “What’s wrong?..” takang tanong ni lance sa pinsan. “Nothing! Akala ko yung kakilala kong babae ang nakatayo doon sa labas ng Building..” agad naman sagot ng binata. Wala namang reaksyon sa mukha ni lance. “Okay..” tsaka nagpatuloy na ito sa pagmamaneho. Di rin nagtagal ay naghanap na rin ng makainan si janine dahil nagutom ito sa paghahanap ng trabaho. Sa isang fast food kumain si janine. Habang kumakain siya ay biglang tumunog ang kanyan cellphone.. Julie Calling.. “ Hello..” sagot ng dalaga. “Bes, kamusta ka na? Miss na kita.. ang lungkot na dito sa restaurant dahil hindi na kita kasama..” malungkot na sabi ng kanyang kaibigan. “Ayos lang ako bes. Miss na rin kita. Kamusta ka jan?..” tugon naman nito. “ Ok lang naman. Namimiss lang kita matagal din tayong nagtrabaho dito na magkasama pero ngayon di na kita kasama..” bigla namang nalungkot si janine sa sinabi ng kaibigan. “Dumalaw ka rin minsan sa bahay...” sagot naman nito sa kaibigan. “Sige bes..sa Day off ko. Pupunta ako sa inyo..” masayang sabi naman ng kanyang kaibigan. “O sige bes.. see you.. ” at nagpaalam na rin ang kanyang kaibigan dahil may trabaho na ito. Nawawalan naman ng ganang kumain si Janine nang maisip na naman niya ang nangyari sa restaurant. Pagsapit ng alas 3 ng hapon ay nagpasya ng umuwi si janine. Habang naghihintay ng bus ay nakatingin lang siya sa mga dumadaan na tao. Di rin nagtagal ay dumating na rin ang bus at sumakay na siya. habang nasa biyahe ay nakatingin lang ako sa bintana ng bus at ini-enjoy ang tanawin. di rin nagtagal ay nakarating na din ako sa makati. Sa shop na siya dumiretso at pabagsak siyang umupo sa sofa. bahagya naman siya napahiga sa pagod. Sinundan lamang siya ng tingin ng ate jade niya. “Wala kang nahanap noh?..” hula ng kanyang ate. “Ang hirap maghanap ng trabaho ate..“ mahina nito at Bigla naman siyang nag-angat ng ulo.”Ate.. bakit kaya di na lang ako magtarabaho sa hongkong. Malaki din ang sahod doon..” pangungumbinsi ko kay ate. Napatingin naman sa kanya ang kanyang ate habang nagbibilang ng pera. “Hindi..at ano Magdi- DH ka.. hindi ako papayag. paano kong may mangyari sayong masama doon? Kayo na lang ni Sky ang meron ako at hindi ako papayag na malayo ka sa akin. Nawala na sa atin sila daddy at mommy pati si lola. Di ko na kakayanin pag may nangyari sayong masama..” seryosong sabi naman ni ate. Napatingin naman ako sa kanya. Tumayo ako at niyakap siya. “Ate.. hindi naman siguro mangyayari yon tsaka isa pa malaki ang sahod sa hongkong. Matutulungan pa kita..” paglalambing ko. “No! and that’s final.. maraming pwedeng applyan dito ..hindi mo kailangan mangibang–bansa..” aniya. “Pero ate.. hirap ako maghanap ng trabaho ngayon kasi hindi ako college graduate..” bahagya naman akong bumitaw sa pagkakayakap kay ate. “eh di mag-aral ka ulit. Saka ka na maghanap ng trabaho. Bumalik ka muna sa pag-aaral..” sambit naman ng kanyang ate. Napalingon naman siya agad sa kanyang ate. “May ipon naman ako gamitin mo muna yon sa pag-aaral. tapusin mo ang kurso mo..” dugtong ng ate niya. “Hindi na ate. Magtatrabaho na lang muna ako at mag-iipon saka ako mag-aaral ulit..” sagot naman nito sa kanyang kapatid. Bigla namang tumulo ang luha ni Jade sa narinig sa kapatid.. agad namang lumapit si Janine at niyakap ulit ang kanyang ate. “Atee.. kaya natin ‘to. Hindi tayo susuko..” positibo naman nitong sabi sa kanya ate. Paglipas ng dalawang araw ay pumunta ulit ng QC si janine para magbakasali. Suot nito ang kanyang faded blue jeans at plain white turtleneck sleeveless, naka ponnytale at kinulot ang dulo ng kanyang buhok. Nagpaikot-ikot muna siya sa mga business establishments malapit sa trinoma at nagbakasakaling may job hiring. apat na oras din siyang nag-ikot at naghanap. Day-off ni Hiro nang araw na yon. Namasyal siya sa trinoma at napagpasyahan niyang dumaan sa isang korean BBQ restaurant para bilhan ang kanyang ina. Kasalukuyan namang nakatayo sa labas ng restaurant si janine at nakatitig dito. Namimiss ko na magtrabaho. Marangal na trabaho ang waitress and i find that job quite fun. Napabuntong hininga na lang ang dalaga. Tumalikod si janine para umalis nang bigla siya tumigil at may naisip. Bakit kaya di ko subukang magtanong kung hiring sila dito sa Korean restaurant bakasakali may bakante. Bigla siyang humarap at hindi napansin ni janine ang papalabas na si Hiro sa restaurant at nagkabunguan sila. Tumilapon ang dalang folder ni janine ang nagkalat ang papeles niya sa daan “Oh my god!..” sambit ni hiro ng makabungguan niya sa janine. Bahagya namang natumba ang dalaga sa lakas ng impact ng bungguan nila ni hiro at napaupo siya sa daan. “Oh my god..miss Ok ka lang ba?..” nilapitan naman ni hiro si Janine para alalayang tumayo. Natigilan naman si hiro nang nag-angat ng ulo si Janine. Napakaganda at ang amo ng kanyang mukha sambit ni hiro sa kanyang sarili. “Okay lang. Pasensya ka na hindi agad kita nakita..” pagpapaumanhin naman ng dalaga habang nagpapagpag ng dumi sa kamay at ngumiti. Agad namang pinulot ng dalaga ang mga papeles n’yang nagkalat sa daan. “tulungan na kita..” pagpepresinta ni hiro. Pinulot ni hiro ang isang papeles ni janine at nakita n’yang Resume ito, dinampot niya ito at tiningnan. Agad naman inabot ni hiro ito sa dalaga “Salamat. Tsaka sorry din sa nangyari..” hinging tawad ko ulit. “Hindi, Ok lang.. ako naman ang may kasalanan dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko..” nakangiting sabi nito at tinugon ko din yon ng ngiti . Habang inaayos ni janine ang kanyang papeles ay nakatingin naman sa kanya si Hiro. “Naghahanap ka ba ng trabaho?..” tanong nito habang nakatagilid siyang sinisilip ang mukha ni janine. Bahagya naman tumingin sa kanya si janine “Ah oo, balak ko sanang magtanong sa loob kung hiring sila.. “. Tumingin naman si hiro sa restaurant nasa harapan nila. “Dito sa Korean Restaurant?” takang tanong nito. Tumango naman ako at ngumiti. ”Anong ba dapat ang aaplyan mo dito?..” tanong nito. “Waitress sana..” bahagya namang tumaas ang kilay ng binata. “Ikaw mag aapply na waitress? Nginitian ko naman siya “Oo sana.. ganito rin kasi ang dating trabaho ko. Medyo namimiss ko na nga e..”. Tiningnan naman ni hiro ang dalaga mula ulo hanggang paa at pauilit-ulit. Napakaganda naman niya para maging waitress..kung tutuusin mas mukha pa siyang may-ari ng restaurant sa itsura niya. eh mas maganda pa ata siya sa mga models na nakikita ko. Sambit ni hiro sa kanyang isip habang inoobserbahan ang kabuuan ng dalaga. Nagtataka naman si Janine sa Pagtitig ni hiro. Kita naman sa itsura nito na bakla siya pero bakit ganito siya makatitig sa akin? Takang tanong naman ni janine sa kanyang sarili. di siya nakatiis at nagtanong sa lalakeng nasa harap niya “Bakit?..” curious kong tanong. “Nothing!.. By the way.. naghahanap ng personal assistant ang boss ko baka gusto mong mag-apply..“ masayang sabi naman ni hiro. Bigla naman umaliwalas ang mukha ni janine.. “Talaga?..” bigla akong nabuhayan ng pag-asa kaya lang baka college graduate lang din ang hinahanap nila. agad naman akong nalungkot. “Bakit? May problema ba?..” takang tanong nito.. “Eh kasi baka di rin kasi ako Qualified..” mahina kong sabi. “Bakit naman hindi?..” seryosong tanong naman nito sa akin. “Hindi naman kasi ako college graduate..” bigla namang napangiti si Hiro. “Hindi naman kailangan yon. Basta may Pleasing personality lang ay Qualified na..kaya don’t worry..” nakangiti nitong sabi. Inabot naman ni Hiro ang Calling Card niya. “Here!..Tawagan mo ako bukas at pumunta ka sa Address na yan. Magsuot ka ng maganda.. okay?..” nakangiting inabot din ni janine ang card. “Hihintayin kita bukas..” sabay kindat nito sa dalaga. “O paano mauna na ako sayo pasensya ka na sa nangyari. See you tomorrow..” nakangiting nagpaalam naman si hiro sa dalaga. Naiwan namang nakangiti ang dalaga na sinusundan lang ang lakad ni Hiro. Ipinasok siya sa kanyang bag ang Calling Card at hindi na itinuloy ang balak n’yang pumasok sa Korean Restaurant na nasa harapan niya. agad na rin siyang nagpasyang bumalik na ng makati. Pagdating niya sa kanilang bahay ay nagpalit muna siya ng damit sa kanyang kwarto saka niya tinungo ang kanilang kusina para tingnan kung anong pwedeng lutuin para sa dinner. Meron pa namang giniling na karne ng baka sa kanilang refregerator. Kaya nagpagpasyahan niyang magluto ng Sauteed mung bean with ground beef. Tamang-tama naman at may natira pang monggo sa kanila kabinet. Mag-uumpisa na sana siyang mag-prepare para sa lulutuin ng biglang may tao sa labas ng kanilang gate.