Chapter 9

2595 Words
Sa Makati Sangri-La ang birthday party ni Diego Corpuz ang kapatid ng daddy ni Lance. Pagdating sa hotel ay agad pumasok ang binata dala ang kanyang regalo. Bago pa man siya makapasok sa venue ay may sumalubong sa kanya na mga babae. “Welcome sir..” masayang bati ng dalawang dalaga na halos hindi inaalis ang paningin sa binata. Agad namang tumango at ngumiti ng tipid si Lance at tumuloy na sa venue. “Oh my god! Si Lance corpuz.. ang anak ni Mr. Romano Corpuz..” kinikilig na sabi ng isa sa mga dalaga. "Ang hot niya friend..” sambit naman ng kasama nito. “Guess what?.. He's still single..” halos papadyak na kilig na sabi ulit ng isang dalaga. “Really?! That lance Corpuz is still single?..” gulat na sabi naman kasama nito. “Ahaaa.. I wonder why he is still single.. i mean sa guapo niyang yon. And take note..He is the Heir of RC Corporation.. Knowing na ang daming babaeng nagkakandarapa sa kanya. Some are celebrities, models and anak din ng mga mayayaman...” pagtataka ng dalaga. “Baka wala lang talaga siyang magustuhan..” sabi naman ng isa na nakanguso. “Or he’s just waiting for me..” nakangiting sabi naman ng isa. Hinampas naman ng kasama nito ang kanyang balikat. “Stop dreaming!...”.bahagya namang nagulat ang dalawa nang biglang may babaeng nagsalita mula sa likuran.. “Are you done gossiping about my cousin?...” nakataas ang kilay at  nakacross sa dibdib ang dalawang kamay ng babaeng nasa likuran.. si Gwen Corpuz Santillan. Agad naman napalingon sa likod ang dalawa. Nagulat sila ng makilala si Gwen Santillan ang Pinsan ni Lance Corpuz. anak ng Nakababatang kapatid nina Romano at Diego Corpuz, si Annabelle Corpuz Santillan. Agad namang yumuko ang dalawang dalaga “Sorry Ma’am...” hinging tawad ng dalawa. Ngumiti naman ang babae at lumapit sa dalawa. “It’s Ok .. every girl in this country talked about my cousin..so it’s Ok..” Nakangiti nitong sabi. “We’re used to it!..” huling sabi ng dalaga at she smile widely to them at agad na pumasok sa loob. Napatingin naman ang dalawang babae sa dalagang si Gwen. “Bawal ba ang pangit sa pamilya ng mga corpuz?..” tanong ng isang babae habang nakasunod ang tingin sa dalaga. “She’s beautiful and lovely!..“ halos napapanganga ang isang babae. Pagdating sa loob ay agad nilapitan ni Lance ang kanyang mommy na kasama ang ilang mga kakilala. “Hey mom..” bati nito sabay halik sa ina. “Son.. finally, you’re here..”. Tugon naman ng kanyang ina habang nakahawak sa braso ng anak. “Ladies.. this is my son Lance. he just got back from England..” pagpapakilala ng kanyang ina sa mga kaibigan niya. “Hello po..” bati naman ni Lance. Nagtinginan naman ang mga ito at tumango-tango. “Napaka-guapong binata naman ng anak mo mars..” pagpuri naman ng kaibigan ng kanyang ina. Ngumiti naman ang mommy ni Lance at tumingin sa anak. Ilang saglit lang ay bumulong si Lance sa ina. “Mom, where’s tito diego? I have something for him...” tanong nito sa ina. “Oh! He’s with your dad. Tara puntahan natin..” yaya ng kanyang ina at nagpaalam naman ang mga ito sa mga kaibigan niya. “Excuse us ladies. puntahan lang namin ang birthday celebrant...” paalam nito at saka sila umalis. Agad namang nakalapit ang mag-ina sa birthday celebrant. “Happy birthday tito..” bati ni lance sa kanyang tito diego at agad na yumakap sa kanyang tito at agad inabot ang kanyang regalo. ”Naku! nag-abala ka pa hijo.. salamat!..” sambit ng kanyang tito diego at inabot sa kanyang assistant. “Kanina ka pa ba?..” tanong ng kanyang ama. “I just arrive dad..” tugon naman nito. Nag-usap din ang mga ito tungkol sa kanilang family business. “Where’s Alex tito?..” biglang tanong ni lance. Nagpalinga-linga naman ang kanyang tito Diego at hinahanap si Alex. “Andito lang siya kanina..baka may inaasikasong bisita..” sagot naman nito. Kanina pa dumating si lance pero hindi niya pa nakikita ang pinsan. Bigla namang Lumapit si Gwen. “Hello tito, tita..” bati nito sa mag-asawang Romano at Marela at humalik sa mga ito..“Hi kuya..” bati naman nito sa pinsang si Lance. “Happy birthday tito..” bati naman nito agad sa kanyang tito diego at humalik din at Inabot ang kanyang regalo. “Oooh! Thank you hija. . mas lalo kang gumanda ngayon..” sambit naman ng kanyang tito. bahagya namang napangiti si Gwen “Wala naman atang pangit sa family natin tito..” pabulong na sabi ni Gwen sabay kindat at bumulong kay lance. “Right kuya Lance?..” habang yumakap sa braso ng binata. Ngumiti naman si lance at nagtawanan ang magkapatid na sina Diego at Romano kasama ang mommy ni Lance. agad namang nagpaalam si Romano na pupuntahan ang ibang mga bisita na nakilala niya. “By the way.. where is your parents gwen?..” kasunod ko lang sila tito. Baka may kinausap lang sandali. Ilang sandali lang ay dumating na rin ang parents ni Gwen. "Happy birthday kuya.." bati ng kapatid nitong si annabelle."Thanks Ana.. matagal ka na ring di dumadalaw sa bahay.. mukhang nakakalimutan mo na ata kaming mga kapatid mo.." kunwaring nagtatampo naman si Diego. "Hindi naman sa ganon kuya..talagang marami lang akong pinagkakaabalahan..hayaan mo ngayon ay dadalasan ko na ang pagdalaw sa inyo.." paglalambing naman nito sa kapatid..Nag usap-usap ang mga ito at masayang nagtatawanan kasama sina Lance at mommy nitong si Marela nang biglang dumating si Alex. “Where have you been?” tanong ng kanyang daddy Diego. “I just talked with Chelsea Araquez dad..” sagot naman nito. “Chelsea? Daughter of William Araquez of Heavenly Resort?..” tanong ng kanyang ama na naka kunot ang noo. “Yes dad!..” sagot naman agad ni Alex. Nakasalubong naman ang kilay ni lance sa narinig na parang nagtatanong. “You talked about what?..” curious na tanong naman ng kanyang ama. “Chelsea told me na gusto na daw ibenta ng daddy niya ang resort, they decided to migrate in Canada...” Napalingon naman agad si lance sa sinabi ng kanyang pinsan. “Really? Bakit bigla naman nilang ibinibenta ang resort?..” sambit ng kanyang amang si diego. “Lumalago na rin kasi ang business nilang restaurants and hotels sa canada dad, that’s why they decided to migrate..” paliwanag naman ng binata. Biglang nagkaroon naman ng pag-asa si lance na mabibili niya ang heavenly resort sa kanyang narinig. Hatinggabi na nang matapos ang Birthday Celebration at isa-isa na ring nagpaalam ang mga bisita. Pati ang pamilya nila Gwen ay nagpaalam na rin. Ilang saglit din ay nagpaalam na rin si Lance. Nauna na ito sa kanyang magulang dahil sa condo siya uuwi at hindi sa mansyon. Nang dumating si lance sa kanyang condo ay agad siyang naupo sa couch at niluwagan ang kanya necktie at sumandal. I want that resort.. sa isip nito.. hindi mawala sa kanyang isip ang Resort na yon para bang may nag-uudyok sa kanyang bilhin yon. talaga namang sobrang ganda ng resort kaya gusto n‘yang bilhin. Ngayon na ibinebenta na ito ay nagkaroon siya ng pag-asa na mapapasakanya yon. I will have that resort no matter what.  Kinabukasan ay maagang gumising si Janine para maghanda ng almusal. Nadatnan siya ng kanyang ate na nagluluto ng breakfast. “Good morning.. “ bati ng kanyang kapatid. “Good morning ate..maupo na kayo ni sky at malapit na rin akong matapos dito” umupo naman agad ang kanyang ate jade. “Ang aga mo naman gumising ngayon.. may lakad ka ba?..” tanong ng ate niya habang inaayos ang kanyang buhok. “Maghahanap ako ng trabaho ngayon ate, bakasakali may mahanap ako..” sagot naman nito habang patuloy sa pagprito ng itlog. “San mo naman balak maghanap ng trabaho ngayon?..” tumabi naman si ate sa akin para magtimpla ng kape. “Balak ko sana sa QC ate..” tugon naman nito. Bahagya namang napalingon ang kanyang ate at agad na itinuon ulit ang sarili sa tinitimplang kape. “Sa QC? Bakit doon? Marami namang pwedeng applyan na trabaho dito sa makati..” habang nagtitimpla ulit..”Gusto ko naman sumubok sa ibang lugar ate tsaka malapit lang naman ang QC, isang oras lang ang biyahe kung hindi traffic” sagot naman nito habang nilalapag ang mga niluto sa lamesa. At bumalik naman ang ate nito sa upuan niya. “Dito ka na lang sa makati maghanap, mahihirapan ka pa sa biyahe kung sa QC ka pa pupunta..” Nilingon ko naman si ate habang nagsasandok ng pagkain. “Maghahanap pa lang naman ako ate hindi pa naman sigurado kung may mapapasukan ako..” Agad ko namang sagot. “Ikaw ang bahala..hindi naman kita napipigilan sa mga gusto mo..” Sambit naman ni ate habang nakataas ang dalawang kamay. at nagsimula naman silang kumain. Maagang pumasok ng opisina si Lance at kinausap ang sekretarya tungkol sa Heavenly resort. “Dindi, i want you to negotiate with Mr. William Araquez about heavenly Resort.. i want to buy that resort ASAP bago pa tayo maunahan ng iba..” Utos ni Lance sa kanyang sekretarya at agad naman sumunod sa utos si dindi. Nakasandal sa kanyang swivel chair si lance habang pinaglalaruan ng isang kamay nito ang hawak na ballpen. ilang oras ang lumipas ay kumatok ulit si Dindi sa kanyang opisina. “Come in! ..” pumasok naman agad si dindi na parang kinakabahan ang mukha. Napansin naman yon ni lance. “What?..“ inip nitong tanong sa sekretarya..  kasi po sir.. may nauna na daw po sa atin na gustong bumili ng resort..” sambit ni dindi na halos di makatingin sa boss. “What?..“ bigla naman napatayo si lance sa kanyang upuan at biglang nagulat naman ang kanyang sekretarya. Nakapameywang si lance at tumingala dahil sa inis. Humugot ito ng malalim at humarap sa sekretarya “DindI.. talk to them again.. bagsakan mo sila. wala akong pakialam kong magkano..gusto ko sa akin mapunta ang resort.. Name their price!..“ Pasigaw nitong sabi sa sekretarya..nagulat naman si dindi at napapikit. “ Yes sir!..“ diretsong sagot ng sekretarya at tumalikod na ito. Sa labas naman ng opisina ay nagulat din si Hiro sa biglang pagsigaw ng kanilang boss kaya napatayo ito sa kanyang upuan. Paglabas ng sekretaryang si Dindi sa opisina ay sinalubong agad ni Hiro sa kaibigan. “Anong nangyari bakla? Bakit parang galit si boss?..” nag-aalalang tanong nito sa kasama. Bumuntong hininga naman si dindi at tumingin sa kanya. “Gusto kasing bilhin ni President ang heavenly resort. inutusan niya akong makipag negotiate sa mga Araquez pero ang sabi ng may-ari ay may nauna na daw para bilhin ang resort. Hindi nagustuhan ni boss kaya galit na galit” napabuntong hininga na lang si dindi. At biglang nilingon ni hiro ang opisina ng kanilang boss at lumapit ulit sa kasamahang sekretarya. “Ano bang meron sa resort na yon at gustong-gusto ni president bilhin?..” pabulong na tanong ni hiro. Nilingon naman siya ni dindi “ hindi ko alam.. Pero kasi maganda ang resort na yon kaya siguro gustong-gusto niya..” nakataas ang kilay niyang sabi kay hiro. “Sige na, may inutos pa ulit si boss. Ikaw na muna ang bahala dito..” paalam ni dindi. Bago pa man makaalis si dindi ay nakasalubong niya ang paparating na si Alex. Bahagya naman itong huminto at yumuko ng konti “Good morning sir..” bati ng sekretarya sa binata. “Good morning! Where’s your boss?..” agad naman nitong tanong. “Nasa office niya po sir..” mabilis naman nitong sagot. “Aalis ka ba?..” curious na tanong ng binata. “Ah opo sir, may inuutos po kasi si President..” sagot naman ng sekretarya. Tumango-tango naman si art na nakapamulsa “Okay!..“ at dumiretso na ito papunta sa opisina ng pinsan. Tumayo naman agad si Hiro ng mapansin niya ang binata. “Good morning sir..“ bati nito at nginitian naman siya ng binat sabay kindat saka pumasok sa opisina ni lance. napahawak naman sa kanyang dibdib si hiro sa ginawang pagkindat ng binata..“Pambihira! Bakit ba ako dito napadpad sa trabahong ito? Mamamatay ata ako sa sakit sa puso nito sa mga nagaguapohang lalakeng nakikita ko. Yung boss namin na saksakan ng guapo at sobrang hot na halos araw-araw nawawala ako sa katinuan ko. idagdag mo pa tong sweet and charming na guapong si Alex.. haysss.. diyos ko masyado mo naman akong mahal at biniyayaan mo ako ng ganitong pagkakataon.” Nakatulalang sabi ni hiro habang nananatiling nakatayo. Bigla naman bumalik si dindi dahil may naiwan nito ang car key sa kanyang table. Agad naman hinampas ni dindi ang lamesa dahil nakita niyang nagsasalitang mag-isa si hiro at nakatulala. Blaaaaaaag! “Ayyy petrang kabayo..” gulat na sigaw ni hiro habang nakahawak sa kanyang dibdib. Napatingin siya rito at nakataas ang isang kilay ni dindi. “Ano ka ba naman dindi, papatayin mo naman ako sa gulat..” saway nito. “Nag-iimagine ka na naman jan, ikaw ha! Itigil mo yang kahalayan mo, mamaya marinig ka ni boss..” pagbabanta ni dindi. “Oa naman nito, kaya wala kang lovelife e. Bitter ka kasi lagi..” Pagsusungit naman ni hiro. “tseeee..” sambit Ng dalaga at kinuha ang naiwang susi saka umalis. “Alis na ako..” paalam nito. “Babooooosh..” tugon naman ni hiro habang papaupo sa kanyang table. Agad naman kumatok sa pintuan ng opisina si Alex. Toktoktok!  “Come in..” pumasok agad ito at nakita niya si lance na nakayuko at nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang ulo. “Hey! What’s wrong?..” takang tanong Ng binata at napaangat naman ng ulo si lance at tumingin dito. “I want that Heavenly resort..” maikli nitong sabi, nag taas naman ng kilay si alex. “then buy it!..” tugon naman nito. Napasandal naman si lance sa kanyang upuan. “Somebody got it first..” mahina nitong sabi. “Already sold?..” tanong naman ni alex. “Not yet! But they came first according to Mr. Araquez.” agad naman nitong sabi. “So.. wala pa namang signing, you still have a chance..” Positibo nitong sabi sa pinsan. “i’ll talk to chelsea..” dugtong agad ni Alex. Bigla namang nabuhayan ng loob si lance at napaupo ng tuwid. “Really?..” tanong  nito. “ i’ll try..” Sagot naman nito. “Thanks Alex..“ nakangiti nitong sabi. “By the way, hindi ba tayo pupunta sa hotel niyo baguio nextweek?” tanong ni pinsan nito. ”Yes, we are. We’ll be staying there for a week. Tatapusin ko muna ang problema sa mall..”. Tugon naman nito. “Tayo lang ba ang pupunta dun?..i mean are we going with a bodyguards or your secretary.?” curious nitong tanong kay lance. “No! Just the two of us..” sagot nito habang nakatuon sa laptop ang paningin. “Hindi mo isasama ang isa mga sekretarya mo? Pano kong may mga kailangan kang i-utos do’n or magdadala ng gamit mo..” agad naman nitong tanong. “Hindi ko pwede isama si hiro o si Dindi dahil marami silang trabaho dito sa opisina, ayoko rin ng may kasamang bodyguard..” paliwanag ni lance dito. ”Oo nga pala! So hindi mo pwedeng isama ang sekretarya mo, ayaw mo din ng bodyguards. Then why don’t you hire a P.A” sambit ng binata habang nakatingin sa kanyang cellphone. Nag-angat naman ng mukha si lance dito “P.A?..” tanong nito sa pinsan habang salubong ang kilay. “Yeah! P.A.. Personal Assistant. Para may mautusan ka..” Tumingin naman ito kay lance pagkasabi niya. bigla namang napasandal sa swivel chair niya si lance at pinag cross ang dalawang kamay sa dibdib at tumingin kay Alex. “Pwede rin..” agad nitong sambit. Agad namang dinampot ni lance ang telepono at tinawagan ang assistant secretary na si hiro sa labas. “Yes sir?..” tanong ni hiro sa kabilang linya. “ I want you to find me a personal assistance, i need it by nextweek..” mabilis na utos ni lance. “Babae po ba o lalaki sir?..” tanong nito ulit. “kahit ano. oh wait! With pleasing personality..” maikli nitong sagot. “Ok copy sir..“ nakataas naman ang isang kilay ni Hiro at agad na ibinaba na ni lance ang telepono. Nakangiting nakatingin naman si Alex sa pinsan. “What?..” takang tanong ni lance dahil nakatingin ito sa kanya. “I’m just wondering.. ano kaya ang mangyayari sayo kung wala ako sa tabi mo..” pilyong sabi ni alex. Umiling-iling naman si lance na may ngiti sa kanyang labi. “Asshole!.. ”  at tumawa naman ng malakas ang kanyang pinsan.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD