Chapter 8

2403 Words
Lumabas na si janine sa kanyang kwarto at tumungo sa kanilang kitchen. “Good morning ate..Good morning baby boy.” Sabay pisil ko sa pisngi ni sky. Liningon naman siya ng kanyang ate. “Good morning.. Maupo ka na at kakain na tayo..” sumunod naman si janine. Kanina pa nakalapag ang pagkain pero di pa rin gumagalaw si janine para kumuha ng pagkain. Nakatitig lamang siya sa pagkain. Naaalala niya ang nangyari kahapon sa restaurant. napansin ng ate niya na di siya gumagalaw at nakatitig lang sa pagkain. ”Bea.. Ayos ka lang ba? masama ba ang pakiramdam mo?..” tanong nito sa kapatid. “Bea..” tinawag nito ulit sa kapatid. Agad naman bumalik ang ulirat ni janine at inangat niya ang ulo niya at tumingin sa ate niya. “Ha? Ano po yon ate?..” taranta nitong tanong. Bumagsak naman ang balikat ng kanyang ate at bumuntong hininga. “Bakit nakatulala ka? Masama ba ang pakiramdam mo?..” ulit nitong tanong sa kapatid. “Wala naman ate. may naalala lang ako..” sagot ko pero di ako makatingin kay ate. tinitigan na lang din ako ni ate. alam n’yang may problema ang kapatid niya pero alam n’yang hindi sasabihin ni janine yun sa kanya. Kaya di na siya nagtanong pa. . “Ate?..“ tawag nito sa nakakatandang kapatid. “hmmmm?..” sagot nito habang sinusubuan ang kanyang anak. “Nag resign na ako sa restaurant..” pabulong nitong sabi. Napalingon naman si ate jade. “Ano? Bakit? “ taka nitong tanong. “Bored na kasi ako dun ate, isa pa 2 years na rin akong nagtatrabaho doon, gusto ko naman sumubok ng ibang trabaho” pagdadahilan nito. “ibang trabaho? Anong naman klaseng trabaho ang gusto mong subukan aber?” nakataas na kilay nitong tanong kay janine. “Hindi ko pa alam sa ngayon ate, maghahanap pa ako” sagot nito sa ate niya sabay ngiti. “O sige, total nakapag desisyon ka na naman, eh wala na rin akong magagawa. Di naman kita napipigilan sa mga gusto mo” nginitian din sayo nito. “ sige na, kumain ka na at mamaya lang ay aalis na rin ako para pumasok sa shop” dugtong nitong sabi..”Ate pwede ba akong sumunod mamaya sa shop? Gusto ko tumulong” lumingon naman saglit sa akin si ate at tumango. Pagkatapos naming mag breakfast ay agad ding umalis sila ate. 7 o’clock na tumunog ang alarm clock ni Lance. Agad akong nagmulat ng mata at nasilaw pa ng bahagya sa araw na tumatama sa aking mukha. Nanatili lang akong nakahiga at nakatingin lang sa kisame. It’s almost a 10 yrs. but her face is still clear in my mind. Like she’s still standing infront of me. Napangiti naman siya ng bahagya.  Ano na kaya ang itsura niya ngayon? saan na kaya siya ngayon? Is she still remember me? Pagtatanong nito sa kawalan nang biglang tumunog ang cellphone nya. Kringggg.. kriiing.. Mom Calling.. “Good morning mom” bati nito sa ina.. “Good morning anak, nagising ba kita son?..” alalang tanong ng kanyang ina. “ No mom, kanina pa ako gising. Is there a problem mom?..” Tanong nito sa ina habang naglalakad papuntang banyo. “Nothing son. I just want to remind you that tonight is your Tito Diego’s Birthday..” pagpapa-alala nito sa anak. “ Oh! I almost forgot. Ok mom i’ll be there..” tugon naman nito habang papunta ito sa kanyang walk in closet. “ Ok, i’ll see you then anak. I love you “ paalam naman nito.”I love you mom” saka nito inihagis sa kama ang fon. 9 am na dumating si lance sa kanyang opisina. Umupo ito agad at binuksan ang kanyang laptop nang bigla namang may kumatok toktoktok  “Come in” napasulyap ito ng sandali sa kanyang sekretarya na si Dindi. “ Excuse me sir, ito na po yung pinapahanap niyo na list of resorts dito sa luzon..” sambit ni Dindi habang papalapit sa boss at inilipag ang mga papeles sa table. “Thank you Dindi..” tipid nitong sabi sa sekretarya. “ Is there anything you need sir?..” tanong ulit ni Dindi sa boss. “Nothing ! you can go.” Sabi nito habang nakatingin sa mga papeles. Akma na sanang talikod si dindi ng biglang magsalita ulit si lance. ”Dindi wait..” pigil nito sa kanyang sekretarya at agad namang humarap ito sa kanya. “Yes sir?..” tanong nito sa kanyang boss. “Ano ang pangalan ng may-ari ng Heavenly Resort?..” tanong nito habang nakatingin sa sekretarya nito. Agad namang sumagot si dindi.. ”WilIIiam Sntiago Araquez po sir..” Sagot ni dindi. “ Ok “ tipid namang sagot ng kanyang boss “ But it was Originally owned by Mr. And mrs. Reynaldo B. Perez before they died 6 yrs. Ago sir..” dugtong ni dindi. “Then how did the resort ended to Mr. Araquez? I mean was it sold to him or are they partners?..” seryosong tanong ni Lance sa kanyang sekretarya. “Ang alam ko po sir..bago pa man mamatay ang mag-asawang  Perez ay may utang ang mga ito sa banko. For the First 10 yrs. nang resort nila ay Malago pa ito. halos araw-araw ay fully booked daw po ang resort nila pero after po ng ilang taon ay biglang nalulugi ang resort at madalang na lang ang costumers kaya umutang daw si Mr. Perez sa banko para mas pagandahin pa ang resort nang sa ganun ay maraming ma-engganyo ulit sa resort and it worked naman po pero panandalian lang po yun hanggang sa naaksidente po ang mag-asawang Perez. When Mr. And Mrs. Perez died. Ibinenta po ng anak nilang babae ang resort para mabayaran ang naiwang utang ng kanilang mga magulang..” mahabang kwento ni Dindi.. ”They had a daughter?..” nanliit ang mga mata ni lance habang nakatingin sa mga litrato ng Resort at bahagyang nakaramdam ng awa para sa anak ng dating may-ari. “Actually.. Daughters sir..” biglang sagot ni dindi at nag-angat naman ng ulo si lance sa sekretarya “Where are they now?..” curious na tanong ni lance. “I heard, Lumipat po sila ng address after po nila ibenta ang resort” sambit ni dindi. Ilang minuto rin nakatitig si Lance sa mga litrato. “ Is there anything you want to know sir?..” tanong ng kanyang sekretarya. “Wala na. Thank you dindi..” nakangiti ito habang tipid na ngiti ang ibinigay sa sekretarya.”You’re welcome sir. Excuse me po..” at agad na lumabas na ng kwarto ang sekretarya nito. Naiwan namang nakatingin siance sa picture ng resort. The resort is really amazing, the designs, the interior and the spot..they’re all perfect! kahit sino gugustuhing mag stay sa ganito kagandang lugar. It’s like a paradise pero bakit nalugi ang resort at walang costumer? It was renovated 10 yrs.ago..that means ganito na kaganda ang resort na ito kahit noon pa. Pero bakit walang costumers?  Nakasalubong ang kilay ni Lance sa mga katanungan sa kanyang isip habang nakatingin sa mga litrato. Habang mabilis naman na sumunod si Janine sa shop na piangtatrabahuan ng ate niya. nagdala ito ng pagkain para sa lunch nila. “Oooh.. bakit andito ka? wala ka bang trabaho?..” takang tanong ni Ruby sa dalaga. Inilapag naman nito ang dalang pagkain at umupo sa tabi ng pamangkin niya. “Nag resign na ako..“ tipid nitong sagot. “Ano? Bakit? “ Gulat na napalingon si Ruby sa dalaga. “Eh kasi nababagot na ako dun eh, gusto ko naman maka experience ng ibang trabaho” nakangiting paliwanag naman ni janine. “Nakuuuu! Mahirap maghanap ng trabaho ngayon ateng.. lalo na pag hindi ka degree holder..” agad namang sabi ni Dyosa. Totoo naman ang sinabi nito kung kaya’t sa isang sulok ng puso ko ay nakaramdam ako ng sakit. Hindi ako agad nakasagot sa sinabing yon ni dyosa. Nakita ko naman si ate na nakatingin sa akin na parang naaawa kaya agad akong ngumiti. “Marami pa naman siguro akong pwedeng applyan jan na hindi naghahanap ng Diploma” positibo ko namang sagot. “Eh bakit ba kasi hindi ka na lang mag apply bilang freelance model? makakatulong din yon sayo” pangungumbinsi naman ni ruby dito. “Ate wala naman akong hilig sa ganyan. Baka mamaya magiging model pala ako ng Bra at underwear. Ayoko nun ate” pang-aayaw ni janine. ngumisi naman ang ate niya. “Loka-loka! Hindi lahat ng freelance model Bra at underwear ang mino-model” singhal naman ni ruby. “Diyos ko naman janine! Kung ganyan lang ako kaganda sayo at kaganda ang katawan ko, isinabak ko na sa Beauty pageants or modelling. Sinasayang mo lang ang biyaya nang diyos sayo..” nakapameywang na sabi ni dyosa. “Hindi ako interesado sa mga ganyan. makakahanap din ako ng matinong trabaho hintayin niyo lang..” sambit ni janine habang nakasandal sa upuan at nakakumpas sa hangin ang isang kamay. “Baka tumandang dalaga kami sa paghihintay ah..” pag-iinis ni Dyosa at tumawa silang tatlo. Napanguso naman si Janine sa mga ito. Bigla naman may pumasok na Costumer at nagsi-ayos ng tayo sina Ruby at Dyosa. “Welcome... ” bati ni Ruby. Hindi na ulit nag-usap ang mga ito dahil busy na rin sa pag aasikaso ng costumers. C jade ang cashier at si Ruby at dyosa naman ang nag-aasikaso sa mga costumers habang si Janine ay binabantayan ang pamangkin na si sky. Malaking tulong din ang pagpunta ni janine sa shop dahil hindi na kinailangan ni Jade na alagaan ang anak niya habang nasa counter ito. Alas tres ng hapon ay umalis agad si Lance sa kanyang opisina para dumaan muna sa kanyang Condo bago ito pumunta ng makati. Pagsapit ng 5:30 ay naisip ni Lance na bumili ng ire-regalo sa kanyang tito Diego. Nahagilap niya ang isang Boutique sa gilid lang ng highway Heaven’s gift boutique. Naghahanda na sana sina Jade, Ruby at Dyosa para maya-maya ay maisara na ang Boutique pagsapit ng alas sais habang si Janine naman ay sinamahan si sky sa Comfort room para magbanyo nang biglang may pumasok na lalake. Napalingon naman si Dyosa dito “Welcome...” bati nito pero ilang sandali lang ay nanigas sa kinatatayuan nito si dyosa ng makilala ang kanyang Ultimate crush na si Lance Corpuz. Napansin naman agad ni ruby ang reaksyon ni Dyosa kaya agad niyang nilapitan ang binata. ”Welcome to heaven’s gift...” nakangiting bati ni ruby. Tipid na ngiti naman ang iginanti ni Lance at nag ikot-ikot sa loob ng boutique habang kasunod nman niya si Ruby. Habang si Dyosa ay nakanganga pa ring sinunsundan ng tingin si Lance, nilapitan naman siya ni Jade at hinampas sa balikat. “Araaay naman..” sambit ni dyosa na hawak ang nahampas na braso nito. “Tumigil ka nga, baka mamaya matakot pa sayo yung tao, kung makanganga ka parang lalapain mo yung tao” sambit ni jade na agad tumalikod sa kanya. Nakanguso namang sumunod ito kay jade at pumwesto sa may gilid ng counter. “I want this” turo ni lance sa isang pares ng leather shoes. Agad naman itong kinuha ni ruby at inilagay sa box at hinatid sa counter. Lumapit naman si Lance sa counter para magbayad. Inabot nito ang kanyang card. Titig na titig naman si Dyosa sa binata na sinisilip nito ang mukha. Napansin naman ni Lance ang paninitig ni dyosa sa kanya kaya nginitian nito ang dalaga. Bigla naman nanlambot ang tuhod ni dyosa sa pag-ngiti ng binata sa kanya kaya halos napasandal siya sa table. bigla namang lumabas ng banyo si janine kasama ang kanyang pamangkin. Buhat-buhat nito si sky. Narinig ni Lance na nagsalita ang bata kaya natuon naman ang kanyang pansin sa dalawang lumabas sa banyo. Bago pa man makatingin si Lance at nakatagilid na si janine at nakayuko dahil hinahanap nito ang kanyang cellphone sa kanyang bag at agad na ibinaba si sky sa upuan. Nalipat ang tingin ni Lance sa bata at namangha siya sa cuteness nito. “What’s his name?..” biglang tanong ni Lance ky jade na nasa harapan niya. nilingon naman ni jade kung saan nakatingin si Lance.“His name is Sky..” sagot ni jade habang nakangiti sa kaharap. Ngumiti naman si Lance “His cute.. “ agad nitong sabi. Ilang sandali lang ay inabot na rin ni Jade ang binili ng binata at  agad ding kinuha ni Lance ito at tumalikod na. Hindi na rin nakita ni janine ang mukha ng lalake ng mag-angat siya ng tingin at lumingon sa direksyon ng ate niya. tanging likod lang ang nakita nito. Nang makaalis na si lance ay halos mapatili si dyosa sa sobrang kilig na kanina niya pa pinipigil. “Oh my god!.. Ate nakita mo yun? Nginitian niya ako” papadyak-padyak nitong sabi habang sapo ng kanyang dalawang kamay ang pisngi niya. nakatitig lang ang tatlo sa kanya. “Heeee.. tumigil ka nga, para kang baliw!” saway ni ruby dito. “Uy, ikaw dyosa umayos ka ha. Nakakahiya ka kanina kulang na lang tumulo yang laway mo kakatitig sa lalakeng yon.” Sambit ni ruby habang nakaturo ang isang kamay kay dyosa. “Ano ka ba ate.. nakita mo naman kung gaano siya ka guapo.. grabe mas guapo pala talaga siya sa malapitan..” sambit nito habang nakapangalumbaba sa counter at nakatingin sa kawalan. “Baliw ka na..“ sabay hampas ni ruby sa kamay nitong nasa baba niya at muntik ng masobsob ang mukha sa counter. Agad namang tumalikod sa kanya si Ruby. Sanay na si Dyosa sa pananalita ni Ruby kaya parang wala na lang yon sa kanya. Siguro ay kung ibang tao lang ito, kanina pa napikon “Hayaan mo na, yan lang naman ang kaligayahan ni Dyosa..ang crush niya..” nakangiting sabi ni Jade. Napanguso naman si Janine at lumapit sa gilid ni Dyosa at ipinatong ang isang kamay sa counter at sumandal. “Sino ba yon?..” takang tanong ni janine. “Si Lance Myloves. nginitian niya ako. Ibig sabihin interesado siya sa akin..” sagot naman nito na nakahawak pa rin sa kanyang baba at nakatitig sa kawalan. Sinilip naman ni janine sa mukha si dyosa at kita niyang nag-iimagine na naman ito. “kinausap ka ba?..” tanong ni janine. “Hindi..” sagot naman nito habang nananatili pa rin sa kanyang ayos. “tinanong ba ang pangalan mo?.” tanong uli ni janine. “Hindi” agad naman nitong sagot. “hiningi ba number mo?” dugtong uli ni janine.. “Hindi rin” sagot naman nito uli. Nagcross naman ang dalawang kamay ni janine at inilagay sa dibdib at  humarap kay dyosa at inilapit ang mukha nito sa dalaga. “isa lang ang ibig sabihin no’n..” pabulong na sabi ni janine. “Ano?..” agad na tumingin si dyosa sa mukha ni janine at nakangiti.  “Hindi siya interesado sayo kaya tumigil ka jan sa pag-iilusyon mo.. para kang tanga.” Saka tumayo ng tuwid si janine. Salubong naman ang kilay ni dyosa at binigyan ng matalim na tingin si janine at agad itong napaayos ng tayo. “kahit kailan kontrabida ka sa buhay ko janine” pasigaw na sabi ni dyosa dito at pinapandyak-padyak ang dalawang paa. Sabay namang tumawa nang malakas si Jade at Ruby. “She’s really cute “ sambit ni jade na napapailing. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD