Lumipas ang ilang linggo. Habang abala kami sa restaurant ay biglang dumating ang asawa nang boss namin. Bago pumasok sa opisina ni mam carla si sir Alvin ay kinindatan niya ako at nakita iyon ni Julie. “Naku!..andito na naman yang manyak na asawa ni mam Carla..” nakapameywang na sabi ni julie. bumuntong hininga naman ako. Sa tuwing nagagawi ang asawa ni Boss namin sa restaurant ay naaasiwa kaming lahat dahil nga malagkit itong pagtitig. “hayaan mo na.. h’wag mo nang pansinin magtrabaho na lang tayo..” at hinatak ko na si julie papunta sa counter para mag abang ng Customer. Maraming customer din sa araw na ito. Nagyayang kumain si Alex kay Lance dahil almost 2pm na sila natapos sa meeting nila ng manager sa kanilang mall. sa French restaurant sila nagpunta dahil malapit lamang ito sa Mall na pagmamay-ari nila, kung saan nagtatrabaho si Janine. Pagpasok sa restaurant ay si julie ang nag-asikaso sa bagong pasok na mga customer. Umupo ang dalawang binata sa Gitnang table. “Welcome sir..” masayang bati ni Julie at inabot ang menu. At agad namili nang oorderin ang dalawa. Habang namimili ay palihim na tinititigan ni julie ang dalawang binata.. sandali.. parang si lance corpuz eto ah? I blinked my eyes twice or thrice.. bigla akong napatayo ng tuwid nang mapagtanto kong si Lance Corpuz nga ang nakikita ko.. Mas guapo siya sa malapitan. His face.. sobrang kinis,merong stubble na konti,dumagdag sa hotness niya. his nose..oh my god! Ang tangos parang ang sarap pisilin.. his thick eyebrows. His jawlines and his natural red lips..parang ang sarap halikan..at napatingin naman ako sa kasama niyang lalake. Parang ito yung kausap ni Janine sa Mall nung isang linggo ah? nakakunot noo niyang tanong sa sarili. Bigla naman akong naalimpungatan nang nagsalita si Lance at ibinigay ang orders nila. Agad kong isinulat yun at dali-daling pumunta sa counter. paalinga-linga naman si Alex sa Counter at sa ibang sulok ng Restaurant. Napansin naman ito ni Lance. “Are you looking for someone?..” bahagyang tanong ni lance. “Yeah!..” tipid na sagot nito at naghahaba pa ang leeg nito sakitchen area. “Who?..” tanong ulit ni lance na nakataas ang isang kilay. Tumingin naman sa kanya si Alex. “Nevermind!..” habang ikinumpas ang kamay sa hangin. hindi na rin pa nagtanong ulit si lance at ilang minuto lang ay nai-serve din ang kanilang pagkain. Kumain na rin ang dalawa at pinag usapan ng konti ang plano para sa mall. Pagdating ng alas tres ng hapon ay lumabas ang boss nila janine at tinawag siya nito sa locker room “Janine.. halika ka muna dito may iuutos ako sayo..” tawag ng boss niya. Agad naman akong lumapit sa kanya “Ano po yun ma’am?..” tanong ko. “Dalhin mo muna ito kay sir alvin mo doon sa opisina ko at kakausapin ko muna si Chef john sa Kusina..” utos nito at agad naman akong napatayo ng tuwid sa pagkabigla. Inuutusan niya akong dalhin sa manyak n’yang asawa ang pagkain sa opisina niya? napalingon naman si Julie sa akin na nagsalubong ang kilay. Alam ni julie kung gaano ako pinag-iinitan ng asawa ng boss namin kahit nung bago pa lang ako sa trabaho ay iba na ang tingin niya sa akin. “Po?..“ biglang tanong ko. “sabi ko ihatid mo sa opisina ko ang pagkain para makapag merienda ang sir alvin mo..” Ulit na sabi ni mam carla. Bigla akong nakaramdam ng takot sa aking dibdib pero tumango na lang ako at kinuha ang tray ng pagkain. Bago ako humakbang ay nagkatinginan muna kami ni julie na nakasalubong pa rin ang kilay at parang gusto akong pigilan. Lumapit na rin ako sa pituan ng opisina ng boss namin. Bago ako kumatok ay humugot muna ako ng malalim na hininga. Toktoktok! Naghintay muna ako saglit at agad naman sumagot ang tao sa loob. ”Come in..” saka ko binuksan ang pinto at pumasok. Tumayo naman si Lance at nagpaalam para gumamit ng comfort room “Excuse me..CR lang ako..” tumango naman si alex at nagpatuloy sa pagkain. “ Excuse me sir..merienda niyo po pinapabigay ni mam carla..” habang papalapit ako sa lamesa kung saan siya nakaupo. Nakita ko naman ang malaki niyang ngiti at ipinatong ang dalawang kamay sa lamesa at inilagay sa kanyang baba. “Bakit ikaw ang naghatid dito? Asan ang mam carla mo?..” pilyo nitong tanong na tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko pa rin nailalapag ang tray ng pagkain. Tiningnan ko muna siya bago ako sumagot. “Nasa kitchen pa po sir kakausapin lang daw po sandali si chef john..”. At bigla naman itong tumayo at umikot sa lamesa papunta sa akin. Bigla naman akong napa-atras. Akma niya akong hahawakan sa braso pero umiwas ako.. “Napakaganda mo Janine..sayang at nagtatrabaho ka lang dito bilang waitress. masyado kang maganda para sa ganitong klase ng trabaho. Ang mga babaeng katulad mo dapat hindi pinagtatrabaho dapat ay inaalagaan at magbuhay prinsesa..” pabulong nitong sabi habang pinaglalaruan ang hibla ng buhok ko. Sa sobrang takot at halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at nagsisitayuan ang balahibo ko sa ginagawa niya. “kaya kitang gawing prinsesa kung papayag kang...” bulong nito sa tenga ko at biglang nanlaki ang mata ko ng hapitin niya ang beywang ko. Sa sobrang bigla ko ay naitapon ko sa kanya ang dala kong tray na may pagkain. “What the fuck..” bigla naman nag-iba ang ekspression nang kanyang mukha at mukha na itong galit. Lumapit siya sa akin at akma sana akong tatakbo papunta sa pintuan nang bigla niyang ako hatakin sa beywang at isinandal sa pader. Sinubukan niya akong halikan pero nanlaban ako. Hinawakan ko ang panga niya at inilalayo sa akin ngunit pinipilit pa rin niyang ilapit ang mukha niya sa akin. Masyado siyang malakas at unti-unti na akong nauubusan ng lakas. Nang pilitin niyang tanggalin ang kamay ko ay agad kong sinipa ang harapan niya at nabitawan niya ako. tatakbo na sana ako ulit ng hinabol pa rin niya ako at nahatak pa ang buhok ko. kakalabas pa lang ng Comfort room ni Lance nang may narinig siyang sigaw ng babae sa may di kalayuang kwarto. Tumingin siya sa rito at nabasa niya ang “MANAGERS OFFICE” nagkasalubong ang kilay niya. bigla siyang na-curious sa babaeng sumigaw lumapit siya ng konti at pinakinggan ang nasa loob. “Akala mo makakatakas ka sa akin?..” gigil na sabi nito. Napahawak naman ako sa buhok kong hatak niya sa sobrang sakit. Hinagis niya ako sa sofa at agad akong napahiga. Pumatong siya sa ibabaw ko at hinalikan ako sa leeg pero itinutulak ko pa rin siya. “bitawan mo ako..” umiiyak na ako sa sobrang takot. “h’wag ka nang pakipot kunwari ka pang ayaw mo. matagal na kitang gustong ikama..” nanlalaban pa rin ako “bitawan mo ako walang hiya ka..” pero pinunit niya ang damit ko at halo-halo na ang nararamdaman ko. Takot, galit at pag-aalala. masyado siyang malakas. Agad naman napalingon si Lance sa pintuan nang kwarto nang marinig niya ang sabi ng lalake. r**e?? Nanlaki ang mata ni lance. Nang mahagip ng mata ko ang Vase na nasa lamesa ay agad ko itong inabot at ipinalo sa ulo niya. agad namang siyang nahulog sa sahig at hawak ang ulo niya. agad akong bumangon. Akma na sanang hahawakan ni lance ang doorknob nang may narinig siyang pagbasang sa loob. Narinig ng isang Crew ang nangyayari sa loob ng opisina nang kanilang boss at agad nitong tinawag ang boss nila. Hindi na natuloy ni lance ang pagbukas sana ng pinto nang makita niya ang tumatakbong Babae kasama ang ilang Crew ng restaurant sa gawing yon. Agad siyang lumayo doon ng konti at kunwaring papunta sa comfort room. Pagkatapos kong hampasin ng Vase ang Asawa ng boss ko ay tumayo ako agad at lumayo sa kanya hawak ang napunit kong damit sa gilid ng dibdib ko. Biglang naman dumating si Mam carla kasama si julie pati ang iba pa naming kasamahan sa trabaho. “Anong nangyayari dito? Oh my god! Honey..” gulat nitong tanong at nilapitan ang asawa niyang dumudugo ang ulo. Lumapit naman agad sa akin si julie at niyakap ako. “Bes Ok ka lang? Anong nangyari?..” nag-aalalang tanong sa akin ni julie. Napunit din ng konti ang damit ko at magulo ang buhok ko dahil na rin sa paghatak niya sa buhok ko. Agad naman kami nilingon ng boss namin at galit na galit ang mukha niya. bigla niya ako sinugod at pinaghahampas. “Walang hiya ka! Anong ginawa mo sa asawa ko? malandi ka..” Nanggagalaiti siya sa galit dahil sa nangyari sa asawa niya. “Inaakit niya ako honey. tinanggihan ko siya kaya hinampas niya ako ng vase sa ulo dahil nagalit siya sa pagtanggi ko..” sambit ng asawa nang boss nila habang hawak ang dumudugo n’yang ulo. Napanganga ako sa sinabi niya. ”Hindi po totoo mam.. pinipilit po niya akong halikan kaya nahampas ko po siya ng vase. pinagtanggol ko lang po ang sarili ko..” umiiyak na ako habang umiiling-iling. “h’wag kang maniwala sa kanya honey. hindi porket maganda siya ay akala niya ay papatulan ko siya.” Pagdedepensya pa nito. Hindi ko na natiis ang galit ko at lumapit ako sa asawa ng boss ko at pinaghahampas ng kamay ko. “Walang hiya ka! Pinagtangkaan mo akong gahasain. H’wag mong baliktarin ang pangyayari..”singhal ko dito. Ngunit sinampal naman ako ni mam carla at nagulat si julie sa ginawa niya kaya napasapo ako sa aking pisngi. “Pinagkatiwalaan kita Janine. tapos ito ang igaganti mo sa akin? sa amin ng asawa ko?. Umalis ka na dito at h’wag ka nang babalik pa rito dahil tinatanggal na kita sa trabaho..”.inis na sabi ng boss namin. Parang dinudurog ang puso ko sa mga nangyari. Naka bukas lang ang pinto sa opisinang iyon kaya narinig ni lance lahat ng sinabi ng lalake. Nag-igting ang panga niya at nagsalubong ang kilay niya sa narinig . what the f**k! that jerk.. alam ni lance na kabaliktaran ang sinasabi nang lalake. Sinilip ni lance ang mukha nang babae pero hindi niya ito makita dahil nakatalikod. Ako na ang pinagtangkaan tapos ako pa ang may kasalanan? Why is this life so unfair? Tinitigan ko nang ilang minuto ang Mag-asawa bago ako tumalikod. Narinig ko namang tinawag ni julie ang pangalan ko pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang ako ng lakad ko. tinungo ko ang locker room para kunin ang gamit ko at aalis na sa lugar na yon. Tumalikod agad si lance nang makita niyang papalabas ang babae. She is crying.. naawa siya sa babae.. Bumalik naman si Lance sa table nila. Tapos nang kumain si Alex. pabagsak na umupo si lance sa upuan at maitim ang mukha nito. Tiningnan siya ng kanyang pinsan “What’s wrong?.. why are you look so pissed?..” takang tanong ng binata. Tumingin naman si lance sa kanya “Are you done eating?..” pagalit na tanong nito sa pinsan. “Yeah..” nakataas kilay na sagot ni Alex habang nagpupunas ng labi. “Let’s go!..” saka tumayo si Lance. “Wait..hindi mo pa tapos ang pagakain mo..tsaka hindi pa tayo bayad sa bill..” pasigaw nitong sabi pero hindi siya nilingon ni lance. “Problema non?..” pagtataka nito sa pinsan habang nakakumpas ang dalawang kamay niya sa hangin. Wala na siyang nagawa kaya tinawag na lang nito ang crew. “Bill please..” inabot naman nito ang pera sa crew at agad na umalis “keep the change..”. Agad na sumakay si alex sa sasakyan ni Lance. Wala silang imikan habang nasa biyahe. Ano naman kaya ang nangyari sa mokong na ito at mukhang papatay ng tao sa mukha niya ngayon.? Tanong sa isip ng binata habang nakatingin sa pinsan pero alam niyang hindi ito dapat tanungin pag ganito na ang mukha niya. so better shut up! Nagpalit naman agad nang damit si Janine at umalis na sa restaurant. Habang nakasakay jeep si janine ay napapaiyak siya pag naiisip niya ang nangyari sa restaurant. Pagdating ko sa bahay nila ay wala pa ang ate ko kaya dumiretso na ako sa aking kwarto. Pagkasara ko ng pinto ng kwarto ay napaupo ako sa likod ng pintuan at umiyak. Sa sobrang takot ko sa nangyari kanina ay hindi ko mapigilang umiyak. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa nakatulugan ko ito. Sa condo na muna niya tumuloy si Lance. Pagpasok ko sa aking unit ay itinapon ko sa table ang car key ko at bigla kong naalala ang mga nangyari sa restaurant. Napakuyom ako ng kamao ko. that asshole! agad naman siyang humakbang patungo sa kanyang kwarto at nag desisyong maligo para makapagpahinga. Humiga na siya sa kanyang kama. It’s been a long day! he sighed.. Kinabukasan ay nagising si Janine sa kanyang alarm clock. ibinuka nito ang kanyang isang mata para silipin ang oras alas syete na ng umaga. Bumangon siya at iminulat ang dalawang mata. akma na sana siyang bababa ng kanyang kama para magpunta sa banyo nang maalala niyang.. Wala na pala akong trabaho bumuntong hininga siya at nahiga ulit. Hay! Ano na ang gagawin ko ngayon? kailangan ko makahanap ng bagong trabaho, kailangan kong tulungan si ate sa mga gastusin dito sa bahay. napasabunot siya sa kanyang buhok at hinahampas ang paa sa kama.