Day off namin ngayon ni Julie at napagkasunduan naming mamasyal sa mall ngayon araw. Nagluluto ako ng Breakfast namin ni ate nang dumating si Dyosa at ate Ruby. “Hello World!” bungad ni ate Ruby habang nakataas pa ang dalawang Kamay.pumasok naman sila agad sa bahay. “Ang bango naman n’yan” si dyosa habang nilalapag ang dalang bag.”Day off mo ba ngayon Janine?” tanong ni ate Ruby na isinubo ang niluto kong Hotdog. “Opo ate” sabay lingon ko sa kanya ng may ngiti. “teka nasaan ang ate mo?” palinga-linga siya sa kusina. “nasa kwarto pa ata ate, mamaya lang at bababa rin yon.” Sagot ko habang inililipat ko ang kanin sa lamesa. “Nag breakfast na ba kayo ate?” nilingon ko si ate ruby.”hindi pa nga eh! Sinadya talaga naming hindi mag breakfast ni Dyosa dahil ang balak namin ay dito na lang sa inyo kumain.” Nakangiting sagot ni ate ruby. “Andito na pala kayo mga Manang..” sabi ni ate habang papasok sa kusina. “ito naman kung maka manang sa amin wagas..porket wala pa kaming anak at jowa eh manang na agad?.” nakapa meywang na sagot ni ate Ruby. tinawanan lamang siya ni ate. Habang si Dyosa naman ay hindi pinansin ang sinabi ni ate dahil nakatuon ang atensyon niya sa cellphone niya nang bigla siyang sumigaw. sabay naman kaming nagulat nila ate sa pagtili niya. “Oh my god! Oh my god!..” sigaw niya habang nakahawak sa isang pisngi niya at ang isang kamay niya ay hawak pa rin ang cellphone niya at halos napapalundag siya sa kinatatayuan niya. “Pambihira ka naman dyosa..ano ba yan at napapasigaw ka jan? Sumakit ang dibdib ko sayo..” singhal ni ate ruby kay dyosa na nakahawak sa dibdib niya. “Oh my God ate ruby. si Lance Mylovesko Andito na ulit sa pilipinas..” kilig na kilig na sabi ni Dyosa. Nakataas naman ang isang kilay ko sa kanya. Si ate naman ay napapailing na lang. “Sino ba yan ha?..” tanong ni ate Ruby na bahagya naman napaupo. “Ano ka ba ate ruby, saang lupalop ka ba ng pilipinas at hindi mo kilala si lance myloves ko? Hindi mo ba alam si Lance Corpuz ang nag-iisang anak ng Multi-Billionaire na si Romano Corpuz. At hindi lang yon ate sikat din siyang modelo sa ibang bansa kaya nga siya tinawag na Hunk Billionaire..” mahabang paliwanag ni Dyosa habang kinikilig. Napabuntong hininga naman kami habang nakatingin sa kanya. “At umaasa ka talagang papansinin ka niyang Lance myloves mo. Ikaw na rin ang may sabi Multi-Billionaire ang angkan niya. Ang mga mayayaman hindi nagkakagusto sa mga katulad nating mahihirap katulad din nilang mga mayayaman ang hinahanap nila kaya itigil mo yang kabaliwan mo. Kumain ka na lang dahil gutom lang yan..” sabi ni ate ruby habang naglalagay ng kanin sa plato niya. Sumang-ayon naman si ate jade sa sinabi ni ate ruby. nakanguso naman si Dyosa at biglang nalungkot. Natawa naman ako sa naging itsura ni Dyosa sa suhistiyon ni ate Ruby. “Ate mamamasyal nga pala kami ni julie mamaya sa mall” paalam ko kay ate. “O sige.. mag-iingat lang kayo” .. tinapos na rin namin ang pagkain at nagpaalam na rin sila ate para pumasok na sa shop nila. Naiwan ako sa bahay at naglinis na rin ako bago umalis mamaya. Pagkatapos ko ay umakyat na ako sa kwarto ko at nagtungo sa banyo. Mabilis akong naligo at nagbihis. Kriiiing...kriiiing... Julie Calling.. “Hello bes”..habang naghahanap ako ng susuotin ko. “Bes papunta na ako sa mall, kita na lang tayo dun ha” sabi ni julie sa kabilang linya. “ Osige Bes, kita na lang tayo dun. Sige bye! “ tototot! End call.. naghanap ako ng komportableng susuotin. Humarap ako sa salamin para tingnan ang suot ko. Faded Blue jeans at Baby pink na plain shirt na hapit sa katawan ko, ipinares ko na rin ang black sneakers ko. Ang sexy mo girl! Sabay kindat ko sa sarili ko. Naglagay na rin ako ng konting kolorete at lipstick sa mukha at saka ko kinuha ang bag ko at umalis na ng bahay. Mabilis din akong nakasakay sa jeep at nakarating sa Mall. “Bes” tawag ko kay julie na nasa di kalayuan. “Bes, finally you’re here! Tara naa...” sambit ni julie habang nakahawak sa kamay ko. “ Ano ba uunahin natin? Manonod muna ng Sine o kakain?” tanong ko habang pinipisil ang ilong niya.. ganito kami ka sweet ni julie..”nood muna tayo ng sine” nakangiti niyang sabi. At bumili na rin kami ng ticket para sa papanoorin namin. Napili namin ang Horror movie pareho kasi kaming mahilig sa horror movies. Habang nanonood ay grabe ang sigaw naming dalawa pag nagugulat kami kasabay na rin nun ang pagtilapon ng popcorn sa bawat pagsigaw namin. Mahigit dalawang oras at kalahati rin ang pinanood namin. Pagkalabas namin sa sinehan ay bigla kaming nakaramdam ng gutom kaya napagpasyahan namin maghanap ng makakainan. Nakita namin ang isang Fast food chain sa loob ng Mall at doon na kami kumain. Nauna nang umupo si julie at ako na ang nag order. Umorder ako ng Fried chicken, Burger at fries. Habang hinihintay ko ang Order ko ay bigla akong nagulat nang tumili ang mga babae sa loob ng mall. Ano bang meron? Sabay lingon ko sa mga nagtutumpukang mga babae. Narinig ko ang sigaw ng mga babaeng sa pangalan ni Lance.. lance? Siya ba yung myloves ni Dyosa? Hindi ko makita ang mukha ng lalake dahil mabilis itong naglakad papalayo at tanging likod na lang ang nakita ko. Infairness! Matangkad at matipuno ang katawan kahit likod lang ang nakita ko. Bigla naman ako napalingon sa counter ng Tawagin ako ng Crew para kunin ang order ko at agad na rin akong pumunta sa kinaroroonan ni julie. “kain na tayo bes..” yaya ko kay julie na humahaba ang leeg sa kakasilip sa labas. “Bes di mo ba nakita yung lalakeng Dumaan kanina na pinagtitilian ng mga babae?..” tanong ni julie na nakangiti. “Sino ba yun?..” habang binubuksan ko ang lalagyan fried ckicken. “Ano ka ba bes hindi ko alam kong Tomboy ka ba o wala ka lang talagang alam.. Siya si Lance Corpuz, anak ng May-ari ng Mall na ‘to. Speaking of Mall, May 15 malls lang naman sila sa buong bansa, Isama mo pa ang mga Hotels and Resorts nila sa loob at labas ng bansa..Bukod sa Billionaryo na ay saksakan pa ng guapo. Modelo din siya sa Ibang bansa.” Mahaba paliwanag ni julie habang kumukumpas ang mga kamay niya at kinikilig. Kung ganun siya nga ang sinasabi ni Dyosa na Loves niya.. RC Corporation? “Hoy Janine.. Ok ka lang ba? bakit natulala ka?..” sabay hampas ni julie ng kamay niya sa hangin. Bahagya naman akong napatingin sa kanya. “Wala may naalala lang ako..” napabuntong hininga na lang ako.. “Para saan naman yon? Ang Lalim ah..” takang tanong sa akin ni julie.. “ Wala, kumain na lang tayo para makapag Shopping pa tayo..”. Pinagpatuloy na namin ang pagkain namin pagkatapos ay Tumungo na kami sa Department Store para maghanap ng mabibili. Bumili ako ng dalawang damit sa isang isang kilalang Clothing Brand at Dalawang jeans. Binilhan ko rin si ate ng Dalawang Pares pati ang pamangkin kong si Sky. “Ang dami mo yatang pinamili bes. yayamanin!..” lingon sa akin ni julie. “Hindi naman bes..dalawang pares lang pati kay ate at kay sky, may konting ipon lang..” nakangiting sagot ko. “Bes?..” nilingon ko ulit siya. “hmmm?” takang tanong ko. “Bakit Kaya di ka na lang mag apply bilang model sa mga modelling Agencies. kung tutuusin mas maganda ka pa jan sa model ng damit sa picture oh!..” nakanguso niyang turo “I’m Sure kukunin ka nila.. sa ganda mo ba namang yan. Bukod sa maganda na, maganda pa ang boses..” .Dugtong niya. sa sobrang supportive ni Julie sa kaibigan ay lagi niya itong kinukumbinsing mag audition sa mga talent shows at beauty Contest “Eh wala naman akong guts sa mga ganyan bes. hindi rin ako sanay humarap sa maraming tao..” nakaismid kong sagot. “Hay naku! Kung ako lang ang biniyayaan nang ganyang ganda at Boses hindi ko sasayangin ang biyayang binigay sa aking diyos, malay mo yan ang mag-aahon sa inyo ng ate mo sa kahirapan..” sabay talikod niya sa akin at tumungo na sa counter. hindi na rin ako sumagot pero sa kabilang parte ay napaisip din ako sa sinabi ni Julie. Nakaramdam ako ng lungkot ng maisip ko ang mga magulang namin at napayuko ako. nang biglang may tumawag ng pangalan ko. “Janine?..” inangat ko ang ulo ko at nakita ko ang guapong lalakeng nakilala ko kamakailan lang.. si Alex .. “Hey! Its really you. Sinasabi ko na nga ba e, malayo pa lang kilala na kita..” nakangiting sabi nito. Kita ang mapuputi at pantay n’yang ngipin. “Are you alone?..” tanong niya ulit. “Aah hindi. kasama ko ang kaibigan ko..” ginantihan ko din siya ng ngiti. “I see..” tumango-tango naman siya.”Ikaw anong ginagawa mo dito?..” Mali ata ang tanong ko.. Mall kaya ito. public place! ngiting hilaw naman ako. “I’m with My Cousin. dumaan lang ako sa Comfort room kaya nauna na siya sa akin..” nakangiti pa rin siya sa akin. “Excuse me sir. Mr. president is waiting for you at the office..” magalang na sabi ng magandang babae naka formal coat ito at maganda. balingkinitan din ang katawan. Nilingon naman ako agad ni Alex “I’ll go ahead Janine. sana magkita pa tayo ulit..” nakangiti niyang sabi saka umalis na rin. kasunod niya ang babaeng sa tingin ko ay sekretarya ng sinasabi niyang Mr. President. Bigla naman lumapit sa akin si Julie. “Sino yon bes? Ang guapo..” Kinikilig niyang tanong. “si Alex nakilala ko siya nung isang buwan habang naglalakad ako pauwi ng bahay..” tumalikod na rin ako pagkasabi ko at nagbayad sa counter. “Nung isang buwan pa? Bakit di mo kinwento sa akin?.." Nakasandal niyang tanong habang nasa counter kami. Nilingon ko naman siya ulit “hindi naman kasi importante yun saka isa pa busy tayo sa trabaho kaya wala rin tayong panahon para magkwetuhan..” sagot ko habang inaabot ko ang bayad ko sa cashier. Kunwaring nagtatampo naman siya sa sinabi ko. Inakbayan ko naman siya. “ Wag ka na magtampo. alam mo naman ayokong nagtatampo ka sa akin..” lambing ko sa kanya na nakanguso .”Oo sige na! Basta nextime ipapakilala mo ako sa kanya ha..” Nakataas ang isang kilay n’yang sabi. Hinalikan ko naman siya sa pisngi “Opo..” sabay kurot na rin sa ilong niya. “Aray! Nakakarami ka na sa ilong ko ha..” sabay hawak niya sa ilong niya. Ang cute. “Pero infairness bes ang guapo nung Alex mukhang mayaman din..may Girlfriend na kaya yon?..” curious niyang tanong. Umiling-iling na lang ako at iniwan siya sa counter. “ Uy sandali.. hintayin mo ako..”. Natapos din ang mahabang araw ng pamamasyal namin ng kaibigan ko at napagpasyahan na rin namin umuwi. Naghiwalay na rin kami ng sasakyan dahil dadaan pa daw siya sa bahay ng tita niya. pagdating ko sa bahay ay inabutan ko na doon si ate at ang pamangkin kong si sky na nanonood ng TV sa Sala. Agad ko naman ibinigay ang mga binili kong pasalubong.