“Uy bakla.. alam mo ba papalit na daw bilang bagong President ng RC Corp. ang anak ni Sir Romano Corpuz na si Lance Corpuz.“ sambit ni Dindi habang naglalakas papuntang elevator papunta sa Opisina ng Presidente sa 30th Floor. “ Talaga? Yung Hunk na anak ni sir Romano?” hiro while blinking his eyes. “Bakit may ibang anak pa ba si Sir Romano bukod kay sir Lance?” sungit na sagot ni Dindi. Inirapan naman siya ni Hiro. “Ito naman masyadong seryoso”. Nguso n’yang sabi. Bilisan mo nga at baka maunahan pa tayo ni sir Romano sa Office niya. Ihahanda pa natin ang Conference Room. Binilisan na nila ang lakad at tinungo ang Conference Room. Saktong alas dyes ng umaga ay nagsidatingan na ang mga shareholders ng kumpnya at kanya-kanya nang umupo sa mga upuan. Tumunog ang cue ng elevator at iniluwa no’n si Sir Romano Corpuz at ang Sobrang guapong si Lance Corpuz na sa kasalukuyang inaayos ang Coat. “O..M..G!” dahang-dahang bigkas ni Hiro habang nakaharap sa elevator. Hindi alintana ang taglay nitong kaguapohan, ang tindig at ang matitipunong katawan. Kahit na sinong babae ay magkakagusto sa kanya. “ Good morning Sir Romano, Sir Lance. Everything is all set, they’re all waiting Inside.” Sambit ni Dindi at bahagyang Yumuko ng Konti.si Dindi ang Secretarya ni Sir Romano Corpuz at si hiro naman ang Assistant ni Dindi ..Nasundan na lang ng tingin ni Hiro si Lance na nakanganga ang bibig. Nilingon naman ito ni Dindi at hinampas ang balikat.” Hoy bakla..tumigil ka nga jan sa kabaliwan mo at isara mo yang bibig mo at baka pasukin ng langaw” sabay talikod ni dindi kay Hiro. “ bakla.. na love at first sight ata ako.” Bulong ni hiro. Umiling-iling naman si dindi sa sinabi ni hiro. “Baliw! Baka ma-kick at first sight ka ni sir Lance sa trabaho pag hindi ka tumigil.” Nakanguso nitong sabi. Sumunod na ring pumasok sila Dindi sa Conference room at umupo sa Gilid. Nagsimula na rin ang meeting “ Gentlemen, I want to Introduce to you My son Lance Corpuz, he will be the New President of RC CORPORATION” pakilala ni Matandang Corpuz sa mga shareholders. Agad naman nagpalakpakan ang mga shareholders at masaya sa bagong president. Tumango-tango ang mga ito at nag bulongan. Tumayo naman si Lance at nagbigay ng konting speech. Tumagal lang ng isang oras ang meeting at agad din nagsi-alisan ang mga shareholders. “ Son, this is Dindi, she will be your Secretary and this is Hiro her Assistant” Pakilala nito sa anak.. “Welcome sir and Congratulations” Sabay bati ng dalawa. “Dindi, I want you to fix all the schedule of the New President..” utos ng matandang Corpuz. “Yes sir..” habang nakasunod lang sa likod kasama si Hiro. Umalis na rin agad si Mr. Romano Corpuz dahil may meeting pa ito. Samantalang pumunta naman sa bagong opisina niya si Lance habang nakasunod pa rin ang dalawang Sekretarya. Umupo na rin si Lance sa swivel chair at isinandal ang likod, inangat naman niya ang ulo niya para titigan ang dalawa. “You can leave the room, tawagin ko na lang kayo pag kailangan ko kayo..” agad namang tumango ang dalawa at umalis. “Excuse us sir..” paglakabas sa pintuan ay agad na tinungo nila hiro at dindi ang table nila,magkatabi lang yon. “Cyst, Mukhang ang suplado ng bagong boss natin..” naka-kunot n’yang kilay na sabi ni hiro. Sumandal naman si dindi sa upuan niya at nag cross ng kamay sa dibdib. ”Oo nga cyst, mukhang mapapalaban tayo dito..” nakanguso n’yang sabi. “pero infairness, mas guapo siya sa malapitan cyst at kahit naka–suit siya kitang-kita mo ang malulutong niyang Abs..naku, naku, naku!..” kinikilig na sambit ni hiro habang naka hawak sa baba nya. “Tumigil ka na nga d’yan ang halay mo. kung ano-ano ang iniisip mo..” saway ni Dindi..bigla naman tumunog ang cue nang elevator at iniluwa ang Guapong si Alex. Nakangiti naman ito habang tinutungo ang dalawang sekretarya. Heto pang isang papa. ngiti pa lang pamatay na.. pakiramdam ko nasa heaven ako cyst..puro guapo ang nakikita ko ngayong araw..magkakasakit ata ako dito sa puso..”. Laglag pangang sabi ni Hiro at hinampas naman ito ni Dindi sa balikat at agad na tumayo para magbigay respeto sa paparating na bisita “Hi ladies! Is your boss still here?..” nakangiting tanong ni Alex. “Yes sir, nasa loob pa po siya ng office niya..” nakangiti ring sagot ni dindi. “Ok thanks!..” pasalamat at sabay kindat nito at tumungo na rin sa office ng bagong Presidente. “Ang puso ko..” sabay hawak ni Hiro sa dibdib niya na kunwaring hihimatyin. “Hay naku! Puro ka kalokohan.. check mo na nga lang ang schedule ni Mr.President at nang maibigay na natin sa kanya, mamaya e mapagalitan pa tayo sa unang araw niya dito..”. Tumalikod na rin si Dindi kay Hiro at humarap sa Computer niya. “Hey dude! How was the first day?..” Bungad na bati ni Alex. Bahagya namang nagtaas ng tingin si Lance. “Fine..” tipid na sagot nito at tumingin ulit sa papel na nasa harapan niya. “Unang araw mo palang pero ang seryoso mo na sa trabaho..” sabi ni Alex habang papaupo. “I want to check all the accounts of the company at hanapin kung sino man ang gumagawa ng mga anumalya sa kompanyang ito..” sagot niya habang nakatingin pa rin sa papel. Nag-angat naman ito ng mukha at tumingin sa kinauupoan ng binata “How was the Mall in Makati?..” napalingon naman ang pinsan n’yang si Alex. “I heard nagkakaproblema ata sila sa supplies..”. Sagot niya habang nakatingin sa kanyang kuko. Nagsalubong naman ang kilay ni lance sa sinabi ng pinsan niya. tumawag agad ito sa telepono ng kanyang secretary. “Dindi, Do i have appointments today?..” tanong niya sa kabilang linya. “No sir!..” sagot naman ni dindi sa kabilang linya. “Ok thanks!..” yun lang at ibinaba na nito ang telepono at biglang tumayo sa swivel chair niya. “Di ka ba busy sa Queens?.“ nakatingin lang sa akin si Alex. “Hindi naman. I’m free today..” sagot niya habang nakasandal sa couch.“Let’s go!..” napatingin naman si Alex sa kanyang pinsan. “Where are we going?..” takang tanong nito. “We’re going to Makati”. Sabi nito habang naglakad na papunta sa pintuan.”Sa mall? Why?..” tanong ng binata habang kasunod ng pinsang si lance. “I want to visit the mal..l” kumunot naman ang noo ni alex at sumunod “OK!..” Sambit nito at Lumabas na rin sila ng Opisina at tumayo naman ang dalawang sekretarya para magbigay galang sa kanilang presidente at pumasok na rin ang dalawang binata sa elevator. Pagkababa ng Dalawa sa ground floor at agad na tinungo ni Lance ang sasakyan niya. “Sasakyan ko na lang ang gagamitin natin. Iwan mo na lang ang sasakyan mo dito” tumango naman ito at sumakay na rin sa sasakyan ng pinsan. Habang nagkakabit ng seatbelt si Alex ay nagpalinganga ito. “Where’s your Bodyguards?” takang tanong nito. “Ayokong laging may nakabuntot sa akin, i don’t need bodyguards” masungit nitong sagot at pina-andar na ang sasakyan. Pagak na tawa naman ang ginawa ng pinsan. “You’re still the Lance Corpuz na kilala ko, Kahit nung mga bata pa tayo ayaw na ayaw mong sinusundan ka ng yaya mo” naiiling na tawa ni alex . “But things got different now lance, you’re the new president of RC Corporation, kailangan mo ng bodyguards for your safety” dugtong nito. Diretso pa rin ang tingin ni lance at nakapokus sa pagmamaneho. “ I just don’t like it!.. “ bigla nitong sabi. “Buti pumayag si tito Romano na h’wag kang pasamahan ng bodyguards..” tanong ulit nito na nakatingin sa pinsan at nakataas ang isang kilay. “He has to. Kung gusto niyang hawakan ko ang kompanya..” sagot naman nito. Napailing naman si alex at tumawa. “I can’t believe this.. knowing that tito Romano and sobrang protective sayo tapos napapayag mo siyang wag kang pasamahan ng bodyguards. ang bangis mo dude!..”. Di makapaniwalang sabi ng binata. Tipid na ngiti sa kanyang labi naman ang tinugon ni lance sa pinsan. Di nagtagal ay dumating na rin sila sa kanilang mall sa makati at agad din silang pumasok.