Alas tres na ng hapon ng maramdaman ni Janine na sumasakit ang kanyang ulo at bumibigat ang kanyang katawan pero hindi niya iyon pinansin dahil baka wala lang iyon at dala lang ng pagod. Maya-maya pa ay Ipinatawag siya ni Lance sa kanyang opisina at Inutusan siya na ihatid ang papers na pinirmahan niya sa HR Department dahil kailangan na ito ngayon. Nasa first floor pa ang HR Department kaya kahit masakit na ang paa niya ay pinilit pa rin niyang lumakad. Nasa elevator na siya ng mapansin niyang mainit ang kanyang katawan at nanghihina siya. Napahawak siya sa kanyang noo at sumandal. “Parang lalagnatin pa ata ako.” Sambit niya. ilang sandali pa ay bumukas na ang elevator at agad din siyang lumabas at tinungo ang HR Department. Inabot niya lang ang papeles at agad din siyang umalis at bumali

