Pagdating nila sa company ay dumiretso na sila sa Office ni Lance. paglabas nila sa elevator ay agad silang sinalubong ni Hiro. “Welcome back Mr.President. nasa loob po ng Office niyo si Sir Owen.” Wika ni Hiro. “Okay, thank you.” tugon ni Lance at nilingon saglit si Janine. “Doon ka na muna sa Table nila Hiro.” Sambit niya at tumango naman si Janine. Pumasok na din agad si Lance sa kanyang opisina at nakita ang kanyang pinsan na nakaharap sa glass window at nakapag-cross ng kamay sa dibdib. Napalingon naman siya sa pinto ng marinig nitong bumukas at napangiti ng makita si Lance. “Owen.. kailan ka pa dito? Bakit hindi mo ako tinawagan.” Sambit ni Lance habang papalapit sa kanyang pinsan at niyakap ito. “Kanina lang din ako dumating dito sa Manila. Inutusan ako ni Dad para dumalo sa isang c

