Hindi ako maka focus sa trabaho dahil sa nalalapit na family day ng anak ko. Hindi pa rin kasi ako nakaka hanap ng chance na sabihin iyon kay Brion. Gusto kong sabihin sa kanya na may anak kami at Braxx yun pero lagi akong naduduwag pag gagawin ko na. Napa buntong hininga ako ng malalim. I want to focus on my job first para matapos ko ang mga papeles na nasa harapan ko. " Hoy Kae ayos ka lang ba?" tanong ng isa kong katrabaho na ikinagulat ko. "Ha? Oo naman okay lang ako may iniisip lang " sabi ko . Nasa café na pala ako di ko namalayan, naglalakad nanaman ako ng bangag. Umorder ako ng coffee para samin ni Boss. Nag paalam na ako sa katrabaho ko na tinitingnan ako na para bang ang weird ko ngayong araw. Hindi ko na iyon pinansin at umakyat na ako sa opisina ni Boss. Hindi na ako kumat

