Nakarating agad kami sa school ni Braxx. Pinag antay ko na lang si Brion sa sasakyan dahil mabilis lang naman ang gagawin kong pagsundo sa anak ko. "No, let me go with you" matigas niyang sabi. Napabuntong hininga ako sa sobrang kulit ng isang to. " Mabilis lang ako dito ka na mag antay" sabi ko at lumabas na sa sasakyan niya. Alam ko naman na hindi papatalo si Brion kaya maya maya lang ay naramdaman ko na siya sa gilid ko. "Hindi ka talaga papatalo no? " inismiran ko siya at nagpatuloy na sa pagpasok ng school. "Good afternoon Ma'am/Sir sino po ang susunduin?" nakangiting tanong ni Manong guard. "Si Braxxton Tinsley po Manong" sagot ko. Hinanap ni Manong sa record ang pangalan ni Braxx at pinapirma ako. Kaagad naman akong pumirma at pumasok na sa school para puntahan ang anak ko

