Hindi na ako nagpahatid kay Brion, nagpumilit pa siya pero hindi ko na talaga siya sinama at hindi na ako pumayag na ihatid niya pa kami. "Braxx!!" sumalubong agad si Haisley samin. Masaya namang yumakap sa kanya ang anak ko. Nung isang araw niya pa gustong makita ang mga tita niya pero dahil busy ako ay hindi ko siya maihatid kila Haisley. "Hoy wag mong lamugin ang anak ko " suway ko sa kanya dahil pinang gigilan nanaman niya ang pisngi ni Braxx. "You're so kill joy minsan na nga lang kami magkita ni Braxx e" nakalabi niyang turan. Hindi ko siya pinansin at inilayo ang anak ko. Parehas na lumabi si Braxx at Haisley. Aba parang mas gusto niya pa sumama kay Haisley kesa sakin ah. Inantay namin na makarating sina Brielle at Sapphire. Magkasunod kaming dumating ni Reese na mukhang wa

