"Don't stress yourself, okay?" I heard him sigh. "If I only knew this would happen, I would not have extended my stay here in Mexico for three weeks." Hinaplos ko ang buhok ni Kyzo na natutulog sa dibdib ko. Bakas pa rin sa mukha nya ang sakit dahil sa natamong paso sa kamay. May gaza ang kanang kamay nya para maiwasan na hawakan nya. Nasa Orchidarium ako noon nang tumawag si Viel na nabuhusan ng mainit na tubig si Kyzo sa kamay. Hindi napansin ni Viel na pumunta pala sa kusina si Kyzo para magtimpla ng gatas dahil busy ito sa paggawa ng thesis. Wala rin si Ate Mona sa bahay dahil nasa grocery. Inatake ako ng kaba nang marinig ang palahaw ni Kyzo mula sa kabilang linya kaya umuwi kaagad ako. Umayos ako ng upo at sumandal sa headboard ng kama. "Kasalanan mo rin naman yan. Sinabi ko na k

