"What did Dakari tell you?" Narinig kong tanong ni Adler matapos nyang isara ang pinto ng kwarto namin. Hindi ko sya sinagot. Hindi ko alam kung paano nya nalaman na nasa restaurant ako kanina. Hindi ko kasi naituloy ang text sa kanya na hindi na ako pupunta sa signing. Siguro ay sinabi ni Kuya Thomas. Mula nang umalis kami sa restaurant ay ramdam ko ang galit ni Adler kay Dakari kaya hindi ko sinabayan ang galit nya at tumahimik na lang. Saka hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Dakari. Baka kasi nililinlang ako ng ahas na 'yon. Tinungo ko ang cabinet at kumuha ng damit para magpalit. Pumasok ako sa banyo at sinimulang hubarin ang dress na suot ko. Pero napalingon ako sa pinto ng bumukas iyon at pumasok si Adler. Ni-lock nya ang pinto at matiim akong tinitigan. Mabilis na inipi

