Tinanggal ko ang kamay ni Adler sa aking braso at naglakad papunta sa pinto. "Blaine, stop right there! Damn it!" Sigaw nya mula sa banyo. Hindi ko pinakinggan ang sigaw nya dahil gusto kong lumayo. The pain is unbearable. Akmang bubuksan ko ang pinto nang pigilan nya ito at hinawakan ako sa siko. I heard his heavy breathing behind me. "Don't you dare leave our room. Hindi ako papayag na hindi tayo mag-uusap." He warned. Mabilis na inikot ko ang aking katawan paharap sa kanya at pinalasap ang sakit na aking nararamdaman sa pamamagitan nang malakas na sampal. Sa lakas ng sampal ay tumabingi ang mukha nya. I felt pain in my palm pero hindi ko iyon inintindi. Dahil walang katumbas ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Naging mabigat ang aking paghinga. Para akong ninanakawan ng hangin at

