"One. Two. Three." "Four!" Sigaw ni Kyzo at ipinakita ang bilang ng mga daliri sa kamay. Napangiti ako at niyakap sya. He giggled. "Five." Tuloy ko sa pagtuturo ng mga numero sa kanyang kamay. "Six. Seven. Eight. Nine. Ten!" Sabay naming sabi. I hugged him. "Galing na ng baby ko magbilang. Mamaya tuturuan ka naman ni mama sa pangalan ng animals. Okay?" "Opo! Pero mama, gutom na po ako." "Sige. Magluluto ako. Anong gusto mong kainin?" "Yong ano po. Ah..." Inosenteng umikot ang mga mata nya at nag-isip. Napatingin ako sa pintuan ng marinig ng mga yabag. Binalik ko ang tingin kay Kyzo. "Nandyan na si papa." Agad na tumingin sya sa pintuan. "Papa!" Tuwang tuwa na tumakbo sya at sinalubong si Adler. Agad na kinarga ni Adler si Kyzo at naglakad papunta sa akin. Tumayo ako. Pinunasan k

