Napatingala ako ng ilapag ni Adler ang brown folder sa mesa ko. Natapuan ko ang walang buhay nyang mga mata. "Are you done?" "Malapit na ako matapos sa mga inventories. Bakit?" Umayos sya ng tayo sa harap ko, pinasok sa bulsa ang mga kamay at inaarok akong tinitigan. Napalunok ako. Bakit nya ba ako tinitignan nang ganyan? May nagawa ba akong mali? Oh, right! Meron nga pala. Ginalit ko nga pala sya kaya ilang linggo na nya akong iniiwasan at madalas ay nahuhuli ko syang tinititigan ako ng matiim. Pakiramdam ko ay bumalik kami sa una naming pagkikita. "Dress up. May lakad tayo." Sabi nya. "Huh? Saan?" Takang tanong ko. "Sa El Greco." Tukoy nya sa mamahaling restaurant kung saan ay dinala kami ni Onyx noong una naming date at kung saan nakita ko si Adler na may kasamang babae. Babae?

