Dala ang mga hinog na mangga ay dumiretso ako sa kusina. Nadatnan kong naghahanda sa hapag kainan si Aling Conchita. Napalingon sya nang maramdaman ang presensya ko. "Mabuti at narito ka na, Ma'am Blaine. Malapit na po ito matapos at pwede na kayong kumain." Sabi nya at nilagay ang kubyertos sa mesa. Nilapitan ko sya. "Aling Conchita, Blaine lang po. Nakakailang po kasi kapag tinatawag nyo akong Ma'am. Tsaka hindi naman po kayo iba sa akin." Mula nang ianunsyo ni Adler sa buong mansyon na mag-asawa na kami, maraming nagulat. Well, sino ba namang hindi magugulat kung isang araw ay patawagin nya ang lahat ng tauhan at ipaalam sa lahat na sya ay kasal na sa isang katulad ko na single mom at empleyado nya pa. Syempre, hindi rin naiwasan ang mga mapangmatang nilalang, lalo na ang mga kababai

