Galit. Iyan ang emosyon na lumalamon sa puso at pagkatao ko ngayon. Madaling sumiklab ngunit hindi madaling apulahin kapag malala na ang apoy. Hindi ko alam na magiging ganito ako kagalit sa kanya. Sa anim na araw na pabalik balik sa bahay si Adler ay hindi ko sya kinakausap sa personal, maging sa text at tawag. Mahigpit na bilin ko kay Viel na huwag papasukin si Adler sa bahay at huwag hayaan na makita si Kyzo, hindi naman sya nagtanong kung bakit pero bakas sa mukha nya ang pagtataka. Maging ang trabaho ko ay naapektuhan dahil sa problema ko. Ilang beses akong tinatawagan ni Lilia para tanungin kung kailan ako papasok dahil may mga big client na gusto akong makausap. Mabuti nalang at mababait ang mga big client ng Orchidarium at pumayag na sa tawag nalang namin i-close ang deal at sabih

