Isinandal ko ang likod sa swivel chair at tumingala sa kisame na parang doon ko makikita lahat ng sagot sa magulo kong isip. Mula nang sabihin ni Adler ang kanyang dahilan sa nangyari sa amin five years ago, hindi na ito maalis sa isip ko. Marami akong gustong itanong sa kanya pero mas nilamon ako nang galit ko nang gabing iyon. Idagdag pa ang malakas na t***k ng puso ko dahil sa simpleng ginawa nya sa office ni Koko at sa nalamang pagtambay nya ng anim na araw sa labas ng bahay ko. Napatingin ako sa cellphone ko na tumutunog sa ibabaw ng mesa. Inabot ko ito at sinagot ang tawag. "Hi, Blaine! Saan ka ngayon?" Masayang bungad na tanong ni Koko mula sa kabilang linya. "Sa Orchidarium. Bakit?" Umayos ako nang upo at kinuha ang puting sobre. "Gusto ko sanang makausap ka ng personal. Anong

