Nabasag ang katahimikan sa pagitan namin ni Adler nang tumunog ang cellphone na hawak ko. Inangat ko ang kamay at tinignan ang nakarehistro na caller. Narinig ko ang mahinang mura ni Adler na nakatingin rin sa screen ng cellphone ko. Huminga ako nang malalim bago inilagay sa tenga ang cellphone habang nakatingin sa gulat na mukha ni Adler dahil sa pagsagot ko sa tawag. "Hello, Koko." Tumalikod sa akin si Adler, namaywang at tumingala sa madilim na langit. Rinig ko ang malakas nyang buga ng hininga. "Nasa mansion ka pa ba?" "Oo pero pauwi na rin ako." Sagot ko. Nakatuon ang tingin sa malapad na likod ni Adler. "Good. Malapit na ako sa mansion. Wait me outside the gate." "Okay." Ibinulsa ko ang cellphone matapos ang tawag. Nanatili pa ring nakatalikod sa akin si Adler, kaya nagsimula

