Chapter Five

3007 Words
Hingal na hingal ako sa pagtakbo sa madilim at mabatong kalsada. Alam ko na walang patutunguhan itong pagtakbo ko pero kung ito lang ang tanging paraan para makalayo ako sa kanya ay gagawin ko. Ramdam ko na ang pananakit ng aking mga paa dahil sa malayong pagtakbo. Sinubukan ko na humingi ng tulong pero walang senyales na may tao sa paligid. I feel hopeless! He keeps on chasing me and he's eager to capture me! Wala syang kapaguran sa pagtakbo para lang mahuli nya ako! Nakita kong malapit na sya! "Tulong!" Desperada kong sigaw kahit alam ko na walang nakakarinig sa paghingi ko ng tulong. If this is my last chance to seek for help, I'll desperately do it! Nilingon ko ang estrangherong pilit akong hinahabol and I found his dark face behind me! "Wag!" Sigaw ko. Napabalikwas ako ng bangon sa higaan. Hingal na hingal at pawis na pawis ang noo at leeg. Nahulog pa sa sahig ang laruan ni Kyzo na nasa gilid ko. Napahawak ako sa aking dibdib at naramdaman ang lakas ng pagkabog nito. Panaginip. Panaginip lang ang lahat. I don't know him at natatakot ako sa kanya. Hanggang sa panaginip, naroon sya, walang mukha. Hindi nya ako tinatantanan. Sino ba sya? Bakit lagi nya akong sinusubaybayan? Kilala nya ba ako? Sa isiping baka masamang tao sya, natatakot ako para sa sarili kong kaligtasan. Hoping that he wont do bad to me. Even to Kyzo and Viel, ayoko silang madamay. Napalingon ako sa pinto nang pumasok si Viel sa kwarto na bakas ang pag-aalala sa mukha. Halatang tumakbo pa sya paakyat galing sa baba. May bula pa ang mga kamay nya dahil sa paglalaba ng mga damit. "Anong nangyari, Ate?!" Hindi mapakaling nilapitan nya ako at pinunasan ang may bulang kamay sa likod ng kanyang damit. Nakatayo sya sa tabi ko. "W-wala." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Mula nang mabasa ko ang mensahe, hindi na natatahimik ang kalooban ko sa sobrang takot. Matindi ito sa mga takot na nadaanan ko sa buong buhay ko. "Ate..." Natunugan ko sa boses nya ang pag-alala. Umupo sya sa kama at hinawakan ang kanang kamay ko na nakapatong sa aking hita. Alam nya kung bakit ako nagkakaganito. Tinignan ko sya. Takot ako. Sobrang takot na takot ako. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito sa akin. Daig ko pa ang kriminal na nakatakas at hinahabol ng mga awtoridad para ibalik sa kulungan. Naramdaman ko ang pagdapo ng kamay ni Viel sa mukha ko. Pinupunasan ang lumalandas kong luha. Umiiyak na pala ako. "Wag ka kaya munang pumasok ngayon sa mansyon? Magpahinga ka muna. Sasabihan ko si Kuya Onyx na ipaalam sa boss mo na hindi ka muna papasok." Bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha nya. Hinawi nya ang takas na buhok sa aking mukha. Umiling ako sa sinabi nya. "H-hindi na kailangan, Viel. P-papasok ako." "Ate, ilang araw ka nang binabangungot. Hindi ko kayang nakikita kang ganito na naman. Gusto mo, umalis tayo sa lugar na 'to? Okay lang sa akin, kahit saan tayo pumunta. Para hindi ka nya masundan, kung sino man sya." Suhestiyon nya na parang iyon ang magandang gawin namin. I know she's afraid too. Base sa text ng taong iyon sa akin, he knew me personally. I even search my contact list and blocklisted contact kung may kapareho itong number pero wala. He will surely find me everywhere I go. "Gustuhin ko man, Viel, pero alam kong mahahanap nya ako. Ramdam ko 'yon sa text nya. Saka alam mo naman ang pagkakautang ko sa pamilya ng Sullivan. Ayokong masira ang tiwala nila sa akin. Malaki ang naitulong nila sa ating dalawa. Alam mo yon. Kaya titiisin ko 'to." Kailangan kong tatagan ang aking sarili. Hindi ko hahayaang may gawin syang masama laban sa akin, maging sa anak ko at sa kapatid ko. Kahit natatakot, titiisin at lalabanan ko sya hangga't makakaya ko. Ilang minuto nya akong tinitigan, tinitimbang ang mga sinabi ko. Bahagya nyang pinisil ang kamay ko na hawak nya at bumuntong hininga. "Pero kung hindi mo na kaya at patuloy pa rin sya sa pag-stalk sayo, aalis tayo dito." Sabi nya na animo'y sya ang mas matanda sa akin. Bahagya akong ngumiti sa kanya at tumango bilang pagsang-ayon. "SIR, ITO NA PO ANG complete list ng new franchisees mamaya. Ready na rin po ang mga contracts nila para sa signing." I handed him the papers. Binasa nya ang nakasulat sa papel saka nagbaba ng tingin sa akin. "Good." Biglang tumunog ang cellphone nya na nasa ibabaw ng office desk nya. Dinampot nya ito at sinagot. Hindi ako umalis sa harap nya habang may kausap sya sa kabilang linya. Nakasalikop ang mga kamay ko sa aking harap. Ang fluent nya sa english na mas nakadagdag sa appeal nito. Umupo sya sa kanyang swivel chair. Nakatukod ang siko nya sa arm rest ng upuan. Habang nagsasalita sya sa wikang ingles, hindi ko maiwasang mailang dahil ang mga mata nya ay nakatuon sa akin. Parang dinuduyan ako sa banyagang salita na lumalabas sa mga mapupulang labi nya. Patungkol sa negosyo ang sinasabi nya pero sa aking sistema ay naghahatid ito ng kakaibang pakiramdam. Ngayon ko lang napagtanto na pwede pa lang maging sexy sa pandinig ang business. Nang binaba nya ang tawag, nagbawi sya ng tingin. Tumayo sya at naglakad papunta sa glass window. "Tell Aling Conchita to prepare a feast for franchisees later. You eat first. I'll just make a call." Sinabi nya na hindi tumitingin sa akin at kinalikot ang cellphone. "Okay po, sir." Lumabas ako sa library nya at tinungo ang kusina, kung saan naglalagi si Aling Conchita. Natagpuan ko syang naghahanda ng pananghalian. Naamoy ko agad ang mabangong adobo na luto nya. Nakaramdam ako ng gutom. "Nakakagutom naman po ang amoy ng luto nyo, Aling Conchita. Amoy masarap! Gaganahan na naman po ako nyan kumain!" Puri ko. Mabango naman kasi talaga. Nanunuot ang amoy hanggang labas ng kusina. Sinalin nya sa babasaging bowl ang ulam. "Naku! Binola pa ako ng batang ito!" Lumapit ako sa kanya. Kumuha sya ng isang piraso ng pork adobo at pinatikim sa akin. Napapatango at napa-thumbs up pa ako sa lasa. Mas nagutom yata ako nang matikman ang lasa ng adobo. Nilunok ko ang kinakain nang maalala ang utos ni Sir Adler. "Nga po pala, pinapasabi po ni Sir Adler na maghanda ng salo-salo para po sa signing mga franchisees mamayang gabi." Tinulungan ko sya sa paghahain ng pananghalian sa dining room. "Si Ser Adler, hindi pa ba bababa?" Takang tanong ni Aling Conchita nang mapansin na hindi ko kasama si Sir Adler sa pagbaba. Nilapag nya ang hawak na malaking square shaped bowl na naglalaman ng mainit na kanin sa mesa. Nakalagay na sa mesa ang ibang salads at prutas na hiniwa na. "Mamaya pa raw po sya kakain. May kakausapin pa raw po sya." Sabi ko at nilapag ang hawak na bowl ng pork adobo sa mesa. Napatango sya sa sinabi ko. "O, sya. Kumain ka lang dyan, Blaine. Ihahanda ko na ang mga pagkain para mamayang gabi." Magaan na tinapik nya ang balikat ko. "Salamat po." Ngumiti sya at umalis sa tabi ko. Hinila ko ang upuan at naupo. Nag-usal ng dasal ng pasasalamat. Pagmulat ko ng aking mga mata, nakaramdam ako ng takot. Nag-iisa ako sa dining room. Tanging mabibigat na hinga ko ang maririnig. Bumalik ang takot na sinusupil ko kanina. Mabuti na lang at hindi ako na-late sa pagpasok sa trabaho. Pinipilit kong maging maayos ang trabaho ko na walang nakakahalata. Sanay naman akong kumain ng mag-isa, pero ngayon, pakiramdam ko ay nasa paligid lang sya. Susulpot at kukunin ako. Napakislot ako nang may kamay na dumapo sa aking kanang balikat. I frozed. Wala akong yabag na narinig na pumasok sa loob ng dining room. Even my heart stops beating, knowing that there is someone behind me. Wala akong lakas ng loob na lingunin sya. Bahagyang sinipat ni Onyx ang mukha ko. Nakakunot ang noo nya. Pansin nya ang paninigas ko sa pagdapo ng kamay nya sa balikat ko. "Blaine. Okay ka lang?" Makailang beses akong napakurap. Si Onyx. Sya lang pala. Nakahinga ako ng maluwag sa kaalamang sya lang pala. "O-oo. O-okay lang ako." "Sigurado ka?" Tanong nya na parang hindi naniniwala sa sinabi ko. Bahagya akong ngumiti at tumango sa kanya. Ilang segundo nya pa akong tinitigan. He took a deep breath bago umikot sa kabilang upuan at naupo katapat ko. Nilapag nya ang hawak na brown folders sa mesa. "Alam mo na bang may reunion ang batch natin sa high school? Sa plaza gaganapin, apat na buwan mula ngayon." Imporma ni Onyx. Napakurap ako sa sinabi nya. Reunion? "Hindi e." Kaklase ko si Onyx simula elementary hanggang highschool. Naghiwalay kami nang landas noong college na. Nagkaroon pa kami noon ng grupo. Ang ilan sa mga kaibigan namin ay nasa syudad na nagtatrabaho, ang iba naman ay nanatili sa aming bayan at nagtatrabaho sa farm. Pinili nyang dito magtrabaho kahit na mas maganda ang magiging buhay nya sa syudad. Nakapagtapos sya sa kolehiyo samantalang ako ay hindi. "Sinabi sa akin ni Hector kahapon. Balita ko pa ay si Sir Adler ang sponsor ng event. Nakakapagtaka na hindi mo alam. Assistant ka nya." Sabi ni Onyx. Sponsor si Sir Adler? Bakit sya mag-aabala na mag-sponsor ng event? Masyado syang busy ngayon dahil sa negosyo nyang naiwan sa Mexico. Mabuti na lang at nama-manage nya ng sabay-sabay ang farm, factory at ang automotive manufacturing nya sa Mexico. "Wala syang nababanggit." Kahit ako ay nagtataka rin kung bakit wala syang nasabi sa akin na sya ang sponsor ng event. Gaya ng sabi ni Onyx, assistant nya ako. Dapat alam ko. Napakibit balikat nalang si Onyx. "Sana maka-attend si Dugong. 'Yong tukmol na yon, balita ko gumagwapo na raw. Naaalala mo pa kung bakit natin sya tinawag na Dugong noong high school tayo?" Nagbabadya ang sinusupil nyang tawa. Nang maalala ang tinutukoy nya, I snorted a laugh. Umalingawngaw sa buong dining room ang sabay naming pagtawa. Maluha luha pa ako sa kakatawa. Sa pagtawa ko, I felt my facial mucles stretched. "Mabuti at nakita rin kitang tumawa ngayon." Nahinto ako sa pagtawa at dahan dahang napatingin sa kanya. I can deceit people but not Onyx. He knew me too well. Sa tagal naming magkababata, kilala na ng bawat isa sa amin ang likaw ng mga bituka namin. Kahit hindi ko sabihin sa kanya ang problema ko, he can sense it. He smiled with real warmth. I smiled back at him. "What's happening here?" Umalingawngaw ang baritonong boses sa loob ng dining room. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, nagdala ng kaba at aligaga sa aking sistema. Napalingon ako sa bungad ng pinto at natagpuan ang madilim nitong anyo. He crossed his muscled arms below his chest and leaned his body to the door frame. Bahagya pang gumalaw ang biceps nya. Napansin ko din ang paggalaw ng panga nya, pinipigilan ang sarili sa gustong gawin. Para akong estudyante na nahuli ng teacher na nangongopya sa oras ng exam. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng guilt. Wala naman kaming ginagawang masama. Hindi nya inaalis ang tingin sa akin na kulang na lang ay kainin nya ako ng buhay. Narinig ko ang pag-usod ng upuan at pagtayo ni Onyx. He walked towards Sir Adler's direction. Huminto sya sa tabi ni Sir Adler at inabot ang hawak na mga folders. "Sir, ito na po ang hinihingi nyong inventories ngayong buwan." Sabi ni Onyx. Nakarehistro ang kunot na noo. Hindi gumalaw sa kanyang pwesto si Sir Adler at nanatiling nakatingin sa akin. Bakit ba ang hilig nyang tumingin sa akin na akala mo'y may nagawa akong masama sa kanya? Nakakairita na habang tumatagal. "Sir Adler." Bakas na ang pagkairita sa boses ni Onyx nang tawagin nya sa pangalan at hindi natinag sa kinatatayuan si Sir Adler. Nilingon nya si Onyx at tinitigan ang folders na hawak. Walang ganang ibinalik muli ang tingin sa mukha ni Onyx. Walang balak na kunin ang mga folders sa kamay ni Onyx. Matagal silang nagtitigan. Kulang na lang ay may lumabas na lightning flash sa kanilang mga mata. Ano bang nangyayari sa dalawang 'to? Hindi ako nakatiis at tumayo. Hinawakan ko ang dulong bahagi ng folders na hawak ni Onyx. "Ako na, Onyx." Napakislot ako sa pagdapo ng mainit na kamay sa aking braso, pinipigilan ang pagkuha ko sa mga folders. Napatingin ako sa may kadiliman nyang mukha. Salubong ang mga kilay na tiningnan ko sya. Problema nito? "Is he your boyfriend?" Deretsahang tanong nya sa akin. Nanlaki ang mata ko sa tanong nya. Napalunok ako, feeling ko ay may nagbara sa lalamunan ko sa tanong nya. Maging si Onyx ay natigilan sa kanyang kinatatayuan pero agad namang nakabawi. Nakaramdam ako ng pagkairita. What the hell? Bakit kailangan nyang malaman kung boyfriend ko ba o hindi si Onyx? Personal kong buhay ito! Sya nga itong hindi man lang sinabi sa akin na sya ang sponsor ng reunion namin. Nasa bungad ng pinto kami ng dining room at kahit ang langaw ay mahihiyang dumaan dahil sa pagkakaharang namin sa pintuan. Bahagya pang gumalaw ang panga nya tanda na naiinip. He's waiting for my answer but I saw how dangerous he looks like. Na kapag nagkamali ako ng sagot sa tanong nya ay may mangyayaring masama. "Hindi nya pa po ako boyfriend, Sir. Pero nililigawan ko po sya." Onyx proudly answered instead. Bakit sumasagot pa itong mokong na ito? Sana tumahimik nalang sya. Pakiramdam ko ay mas bumigat ang hangin sa paligid namin nang magsalita sya. Pinaghalong lamig at init. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Sir Adler sa braso. Nakagat ko ang ibang baba labi sa mahigpit nyang pagkawak. Ang sakit! Walang tigil naman sa pagtambol ang dibdib ko sa tensyon sa paligid. "Sir Adler, bitiwan nyo si Blaine. Nasasaktan sya." Nawala ang paggalang sa tono ng boses ni Onyx. Napatingin si Sir Adler sa aking mukha. Bahagyang lumambot ang kaninang madilim nitong mukha nang makitang halos bumaon na ang ngipin ko sa pagkakakagat. Ilang segundo nya pa akong tinitigan bago binitiwan ang braso ko. Walang sabi-sabi at tumalikod sya at naglakad palayo. Nasundan ko sya ng tingin habang hinihilot ang brasong hinawakan nya. Mag-isang kumain ako sa loob ng dining room pagkatapos umalis ni Onyx. Pinaiwan ko sa kanya ang dalang folders para ako na ang magbibigay kay Sir Adler. Pagkatapos kong kumain at mahugasan ang ginamit na pinggan, baso, kutsara't tinidor ay hinanap ko si Sir Adler. Dumiretso ako sa library. Nagbabakasakaling bumalik sya doon pagkatapos mag-walk out sa dining room pero wala sya doon. Nilapag ko sa office desk nya ang dalang folders. Halos mapagod ako sa kakaikot sa buong bahay para lang mahanap si Sir Adler pero wala sya. Saan kaya sya pumunta? Dumating ang gabi at naging busy sa malawak na garden ng mansyon. Dito gaganapin ang signing at salo-salo para sa mga bagong franchisees. Alas syete ang simula ng signing. Nagsisidatingan na rin ang mga new franchisees sa garden. Inasista ko sila sa kanilang designated seats. Palingon lingon ako sa paligid, nagbabakasakaling nasa tabi-tabi lang si Sir Adler. Tinanong ko ang mga tauhan sa mansyon kung napansin nila si Sir Adler pero hindi daw nila nakita mula pa kaninang tanghali. Sinipat ko ang wrist watch ko at thirty minutes nalang ay magsisimula na ang signing. Napakagat ako ng labi. Diyos ko! Nasaan na ba si Sir Adler?! Kailangan na sya dito! Hindi pwedeng wala sya dito! Dinukot ko ang cellphone sa aking bulsa at hinanap sa aking contacts ang pangalan nya para tawagan. Ilang beses ko syang tinatawagan pero hindi nya sinasagot. Halos pagpawisan na ako sa pagkataranta. Bakit hindi nya sinasagot ang tawag ko?! Kung iyong eksena sa dining room ang dahilan nya kung bakit di nya sinasagot ang tawag ko, pwes, wala akong makitang rason para maging ganito sya. O baka naman ay may nangyari sa kanya? Diyos ko! Wag naman sana. Naglakad ako papasok sa loob ng mansyon habang sinusubukan na tawagan sya. Ngayon nya pa talaga naisipan na hindi sagutin ang mga tawag ko kung saan napakaimportante ng gabing ito para sa mga new franchisees. Isusumbong ko talaga sya sa mga magulang nya dahil sa naging attitude nya! Nagtaka ako nang makitang walang ilaw sa hallway kung saan ang daan papunta sa library. Madadaanan ang kwarto ni Sir Adler. Kung saan unang beses kong nakita si Sir Adler na... Shit! Bakit naaalala ko na naman? Imbis na atupagin ko ang paghahanap sa kanya, nagawa ko pang alalahanin yong eksenang iyon. "Bakit ba walang ilaw dito sa hallway?" Namutawing tanong sa aking labi kahit alam kong walang sasagot sa tanong ko. Nilagpasan ko ang kwarto ni Sir Adler at pumunta sa library. Walang tao. Sinilip ko rin ang katabing theatre room ng library, walang tao. Sinara ko ang pinto ng theatre room at nagdesisyon na bumalik sa garden. Nagtipa ako ng mensahe para kay Sir Adler. Nang maisend ko sa kanya ang text ay huminto ako sa paglalakad at binalik sa bulsa ang cellphone ko. Nahirapan pa ako sa pagpasok sa bulsa dahil sa dilim ng paligid. Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa aking tabi at paghila sa akin papasok sa loob ng kwarto. Impit akong napatili. Halos maiwan ang kaluluwa ko sa labas ng pinto sa biglaang paghila sa akin. Sinarado nya ang pinto at sinandal ako sa hamba ng pinto. Napapikit ako. Narinig ko ang pagtukod nya ng dalawang kamay sa aking magkabilang mukha. Sunod-sunod na nagtaas baba ang balikat ko dahil sa takot at kabang nararamdaman. "You're closing your eyes again, honey. I told you already that you wont like what I'll do next, remember?" Narinig ko ang malamyos nyang boses na nagpatingala sa akin. Nabungaran ko ang mukha nyang isang dangkal na lang ang layo sa aking mukha. I smelled his minty breath. Malamlam ang ilaw sa paligid ng kwarto nya dahil sa konting ilaw na nagmumula sa garden na tanaw mula sa kwarto nya. Napasinghap ako sa sumunod nyang ginawa. Tinawid nya ang distansya sa aming mga mukha at hinalikan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD