Chapter Four

3049 Words
It's been two weeks since Madam Sonya and Sir Tony flew to Mexico. Paminsan minsan ay nangangamusta sila, especially for their son. Noong umpisa ay nangangapa pa sya sa pagma-manage ng farm, malayo sa negosyo nitong automotive manufacturer sa Mexico. And his a freaking billionaire! Dahil may experience sya sa negosyo, madali nyang natutunan ang pagpapatakbo ng farm sa loob ng ilang araw. Maliban sa Orchidarium. Totoo nga ang sabi ni Madam Sonya, paniguradong masisira ang mga bulaklak, ni hawakan ay hindi nya magawa! Wala naman syang allergy sa bulaklak pero kung tignan nya ito ay nakapaskil ang lungkot sa kanyang mga mata. Kaya inalam ko lahat ng klase ng bulaklak at habang tumatagal ay naiintindahan ko kung bakit mahilig si Madam Sonya sa mga bulaklak. The beautiful different colors, the different scents and the satisfaction that I felt when I saw them bloom. Just like a human, they need to be cared. I am talking to a client na bibili ng eighteen bouquets of white roses, for debut daw. Nagtaka ako sa ideya nya. Ang pagkakaalam ko sa debut ay dapat eighteen stems of roses ang binibigay sa debutant, pero ito, eighteen bouquets of white roses! Paano kaya bubuhatin ng debutant ang mga bulaklak habang sinasayaw? Magiging sagabal ito sa makakasayaw. Well, ginusto nila na ganoon ang mangyari sa espesyal na araw. Hindi ko na-experience ang pagkakaroon ng debut dahil sa hirap ng buhay, pansit at tinapay lang ay okay na para pagsaluhan. "We expect it to be delivered the day after tomorrow." My client said. Nasa loob kami ng glass office ng Orchidarium. "Copy, Sir." Tumayo kami at nagkamay. Hinatid ko sila sa labas ng Orchidarium at nagpasalamat ako. Tinignan ko ang wrist watch ko, tanghali na. Kailangan ko ng bumalik sa mansyon. Bumalik ako sa loob para kunin ang bag ko, nadaanan ko pa ang mga dayo na mababakas sa mga mukha ang paghanga at saya sa mga bulaklak na naka-display. Some of them took pictures of it, minsan ay pupwesto pa harap ng bulaklak para mag-selfie. Some would smell the flowers. Our only policy is not to touch the flowers, may nakalagay din na glass wall na hanggang baywang ang taas para maiwasan na mahawakan ng mga bata. May iilang client din na kausap ang ibang staff ng Orchidarium para sa mga events and special occasions. Nagbilin ako sa isang staff na tawagan ako kung may problema sa Orchidarium. Nang lumabas ako ng Orchidarium, sumalubong sa akin makulimlim na ulap. Mukhang uulan. Nakalimutan ko pa naman ang payong ko sa bahay. Hindi na ako nag-abalang manghiram ng payong sa mga kasamahan ko sa Orchidarium, baka kailanganin din nila. Nagpasya ako na bilisan na lang ang paglalakad papuntang mansyon para hindi abutan ng ulan. Lakad at takbo ang ginawa ko. Mahigpit na hinawakan ko ang bag. Hindi ko pa natatanaw ang mansyon ay nagsimulang bumagsak ang malalaking patak ng ulan. Shit! Kapag minamalas ka nga naman! Maganda ang panahon kaninang umaga kaya nakakapagtaka at umuulan ngayon. Narating ko ang gate ng mansyon at pinapasok ako ng guard, binigyan nya pa ako ng payong. Nang-aasar yata si Kuya guard, basang basa na nga ako ng ulan, bibigyan pa ako ng payong. Tinanggap ko na lang dahil may kalayuan pa ang mansyon mula sa gate. Pagdating ko sa harap ng nakasaradong pinto ng mansyon, sinara ko ang basang payong at nagdoorbell. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto. "Blaine! Diyos ko! Basang basa ka! Halika't pumasok! Sandali, ikukuha kita ng tuwalya." Bungad sa akin ni Aling Conchita. Asawa sya ni Mang Edong. "Salamat po." Nilagay ko sa umbrella stand ang payong saka napahawak sa basang braso. Nakaramdam ako ng lamig nang manuot sa basa kong katawan ang malamig na aircon. Nayakap ko ang sarili. All weird things happened today. From a client na gustong yatang mahirapan ang debutant sa pagbubuhat ng eighteen bouquets of white roses to a moody weather. Sana lang ay wala ng weird na maganap sa araw na ito dahil sumasakit na ang ulo ko at gutom na ako. Bumalik si Aling Conchita at inabot ang puting tuwalya, pinunasan ko ang basang braso at buhok. Nasa ganoong postura ako nang bumaba mula sa hagdan si Sir Adler, ang boss ko at anak ng mag-asawang Sullivan. He looks like a king going downstairs. His hands tucked in his pockets. Nakita kong natigilan sya sa paghakbang nang makita ako. Matiim syang nakatingin sa akin. The way he stares at me, halos tumagos sa nanlalamig kong katawan. Ilang sandali nya pa akong tinitigan bago umakyat muli sa hagdan. Kumunot ang noo ko. Akala ko ay baba sya? Weird. Binuksan ko ang bag ko at kinalkal kung may nabasa na gamit. Sana ay hindi nabasa ang cellphone ko, wala pang sahod. Nang biglang may sumulpot na kamay at may hawak na itim na damit. Napatingala ako. "Wear this." Maawtoridad nyang sabi. Napakurap ako sa kanya. Sa dalawang linggo na magkasama kami sa trabaho ay hindi sya ngumingiti, bagamat nakita ko na syang ngumiti noong una naming pagkikita. At sa pagkakatanda ko, nakaramdam ako ng pagkamisteryoso sa likod ng ngiti na 'yon. Mula noon ay lagi nang nakarehistro ang kaseryosohan sa mukha nya. Tinanggap ko ang damit na bigay nya. Nakaramdam pa ako ng pagdaplis ng daliri nya sa kamay ko, feels like he intentionally did it. Nasundan ko sya nang tingin papuntang dining room. Sa totoo lang, gwapo sya. Ang katawan nya ay mababakasan kung gaano kaalaga sa pag-eehersisyo. Sumasakit naman ang leeg ko tuwing titignan ko sya dahil sa taas nya. Kung hindi lang seryoso ang mukha nya, malamang ay magkakagusto ako sa kanya. Maging ang mga babae na nagtatrabaho sa farm ay nakapagkit ang mga mata sa kanya kapag nasa farm kami. Bawat galaw nya ay may mga matang nakasunod. Kasundo nya ang ibang tauhan ng farm dahil bago sya tumira sa Mexico ay nanirahan muna sya pansamantala sa mansyon. Pumasok ako sa banyo at sinipat ang kabuuan ng basa kong katawan. Ang maluwag at manipis kong white polo shirt, ngayon ay hakab na sa porma ng katawan ko. Natutop ko ang bibig nang makitang bakat ang bra ko. Shit! Ganito ba ang itsura ko mula kanina habang papasok sa mansyon? Ibig sabihin nakita ni Sir Adler kung anong nakikita ko ngayon sa harap ng salamin? Uminit ang tenga at pisngi ko sa naisip. Shit! Nakakahiya! Dali-dali akong nagpalit ng damit na bigay ni Sir Adler. Pagkatapos magbihis ay lumabas na ako sa banyo. Hindi na ako nag-abala pa na tignan ang sarili sa salamin. Nang marating ko ang dining room, naabutan akong nakaupo na sa harap ng hapag si Sir Adler habang sinasalinan ng malamig na tubig ni Aling Conchita. Umupo ako sa bakanteng upuan na katapat ni Sir Adler. Nakita kong nalukot ang mukha nya ng makita ako. Nasundan ng tingin ni Aling Conchita ang tingin ng binatang amo. Natatawang nakatingin sya sa akin. "Blaine, hindi tama ang pagkakabutones mo sa damit. Saka baliktad pa." Tumatawa nyang saad. Napatingin agad ako sa damit na suot. Nakalihis ang damit na suot ko dahil sa hindi tamang pagbutones at baliktad pa nga! Pinamulahan ako ng mukha. Tumayo ako at tumakbo pabalik sa banyo. Hinubad ko ang damit at binaliktad. Binutones ko ng tama. Naku naman, Blaine! Ano ka? Sanggol na hindi marunong magbutones at hindi alam kung baliktad ba ang damit o hindi? Anong nangyayari sa akin ngayon? Lihim na pinagalitan ko ang sarili. Pagbalik ko sa dining room, umalis na si Aling Conchita. Napalingon sa direksyon ko si Sir Adler. Hinihintay nya ba akong sabayan syang kumain? Asa pa ako. Assistant nya ako at hindi babysitter. Bumalik ako sa upuan na iniwan kanina. Tahimik kaming dalawa na kumain. Tanging kalapag ng kutsara't tinidor lamang ang maririnig sa paligid. Noong una ay nahihiya pa ako kumain dito sa mansyon, pwede naman ako kumain sa farm o kaya sa Orchidarium. Sasabayan ko sa pagkain ang mga kilala kong nagtatrabaho sa farm at sa Orchidarium. Ngunit walang sabi-sabi ay hinila ako ni Sir Adler papunta sa hapag kainan. Akala mo close kami kung hilahin nya ako. Assistant nya daw ako kaya dapat magkasama kami. "How's the Orchidarium?" Basag nya sa katahimikan namin. Nagulat ako sa tanong nya. Kailan pa sya naging concern sa Orchidarium? Nilunok ko muna ang pagkain na nginunguya bago nagsalita. "Okay naman po, sir. Maraming kliyente po ngayon dahil ilang araw nalang ay valentines day na." Napatango tango sya sa sinabi ko. Hindi na ulit sya nagsalita. Pailalim ko syang tignan. Kung kumain sya animo'y artista sa mga pelikula. Every time he lift his right hand to feed himself, it's prim and proper. Bawat paggalaw ng kamay nya ay ang paggalaw ng biceps nito. Ano kayang pakiramdam na mahawakan at mapisil iyon? Biglang sumulpot sa alaala ko ang tagpong nasaksihan noong una ko syang makita. Huminto ako panandalian sa paghinga. Nasa harap ako ng pagkain, heto at kahalayan ang naisip. Sinubukan kong ibalik sa normal ang aking paghinga, napapikit ako ng mariin nang hindi magtagumpay sa ginawa. Ang kabog ng dibdib ko ay animo'y drum roll. Umayos ako ng upo at minulat ang mga mata. Natagpuan ko ang seryoso nyang pagtitig. "Don't close your eyes that long in front of me. It's frustrating." Uminom sya ng tubig at nagpunas ng labi. Lihim akong napalunok sa turan nya. Bawat galaw ko ba ay kailangan may limitasyon para hindi ko masira ang mood nya? He's my boss but he can't demand me of what movement I should do! He's being unfair! Hindi ko nga sya pinupuna sa pagiging seryoso at malamig nya sa akin. Pumikit lang naman ako, masama ba? Masayahin at mabait ang mga magulang nya, malayong malayo sa ugali nya. Anak ba talaga sya nila Madam Sonya at Sir Tony? Baka noong pinanganak sya ay pinagpalit sya sa ibang bata? O baka naman ipinagkanulo ang kaluluwa nya sa isang demonyo at ganito ang kinalabasan. Hindi ko malaman minsan kung anong tumatakbo sa utak nya dahil sa seryoso nyang mukha. Mas gusto ko pa na bumalik ang ngiti nya noong una kaming nagkita kahit na hindi ako komportable sa ngiting iyon. Umalis sya at nasundan ko na lang ng tingin. Tapos na syang kumain. Samantalang ako ay nangangalati pa lang ang nakakain. Kanina ay halos magrambulan ang halimaw sa tyan ko sa gutom papunta rito sa mansyon dahil tinapay at kape lang ang laman tyan ko. Ngayon ay nawalan ako ng gana dahil sa naging asal nya. Bakit ba hindi ako makatagpo ng normal na amo? Kung magtatrabaho naman ako sa ibang lugar, mawawalay ako sa anak ko. Iniisip ko pa lang ay kumikirot na ang puso ko. Kahit walang nakagisnan na ama si Kyzo, sinusubukan ko na punan ang pagkukulang sa pagkatao nya. Minsan ay natanong nya kung bakit wala syang ama samantalang ang mga kaibigan nya na kapitbahay namin ay meron. He's innocent eyes looking at me broke my heart. I don't know how to answer his question. Should tell him that I don't know personally his father, that he molested me, that he made me pregnant and bear his child? Kahit ang pangalan at boses nito ay wala akong ideya. After I left that house, sinumpa ko na hindi na ako magtatrabaho bilang isang katulong lalo na kung lalaki ang amo. I hope that I'll last being his assistant. Pagtatyagaan ko na lang ang malamig nyang pagtrato sa akin, kesa maghanap ng ibang trabaho. Ngayon pa na wala na akong babalikang tindahan para magbenta dahil na-turnover na sa bagong may-ari ang lupa. Sinisimulan na itong gawin na mall. Tinapos ko ang pagkain at ako na mismo ang nagligpit ng pinagkainan. Hindi ko na hinintay na si Aling Conchita pa ang magliligpit ng pinagkainan namin. Kahit sa paraang ito na lang ay makabawi ako sa pagpapakain nila sa akin dito sa mansyon. Nang matapos maghugas ay lumabas ako sa dining room at hinanap si Sir Adler. Saan kayo 'yong taong 'yon? Naglakad pa ako papunta sa sarili nyang library at natagpuan syang nakaharap sa glass wall, katabi ang office table nito. May kausap sya sa telepono. "Yes, Pa. Don't worry about the farm. Everything's doing well. Just rest. Tell Ma my regards." Then he ended the call. He sounds sweet talking to his father. Kapag ako, ang gaspang nya makipag-usap. Sabagay, tauhan nya lang ako. Paglingon nya ay panandalian nya akong tinignan, parang hindi sya nagulat na nandoon ako. Umupo sya sa gitna ng mahabang redvelvet sofa na nasa harapan ko na nakatalikod. "Sit." Utos nya. Akala mo ay aso ako kung utusan nyang umupo. Sinunod ko ang utos nya. Umikot ako at siniksik ang sarili sa dulong bahagi ng mahabang sofa. Nag-iisang upuan lang ito sa library nya para sa bisita. Wala masyadong gamit sa loob maliban sa mga libro na maayos na nakalihera at mga papeles na organized sa pagkakapatong. "Why are you sitting there?" Kunot noo nyang baling sa akin. Anong gusto nya? Sa sahig ako umupo? "Bakit po, Sir? Saan nyo po ba ako balak paupuin?" He tapped the space beside him. "I can't tell you the details if you're that far." Alam kong gusto nya lang na malapit ko syang makausap pero hindi ako komportable sa presensya nya kapag magkatabi kami sa iisang upuan. Tinapik nya pa ulit ang sofa kung saan nya ako gustong paupuin. Nagpaubaya na lang ako at naupo sa tabi nya. Ang kabog ng dibdib ko ay nagiging hadlang sa pakikinig sa kanya dahil sa sobrang lakas ng pagkabog. Nakaka-intimidate pa ang panaka-naka nyang pagsulyap sa direksyon ko kapag kinakausap ako. Ilang dangkal na lang ang layo ng aming mga mukha, dadapo na ang matangos nyang ilong sa mukha ko. Naglalakbay sa aking pang-amoy ang mamahalin nyang pabango. Unique smell. Ang bango. Parang hinihila ang sistema ko na magpatuloy sa pag-amoy. Hindi ko napigilan ang mapapikit. Daig ko pa ang nagayuma. "I said don't close your eyes in front of me." Natunugan ko ang babala sa kanyang boses. Dumilat ako at nanlaki ang mga mata ng makitang gahibla na lang ang pagitan namin. He's too close! Tumatama ang hininga nya sa mukha ko. His minty breath adds strange sensation. My heart beats so loud, na halos gusto nitong kumawala sa loob ko. Ramdam ko din ang pag-iinit ng pisngi. Ito ba ang pakiramdam kapag malapit sa kanya? Lahat ng lakas at pagpipigil ay natitibag kapag matitigan ng kanyang mata. Hindi ko maiwasan na humanga sa kabuuan ng mukha nya ngayon na malapitan kong natitigan. Ang makinis nitong mukha, ang makapal nyang kilay, ang matangos nyang ilong at ang malalim nyang mga mata and there's a hint of longing in his dark brown eyes. Bahagya syang lumayo at bumuntong hininga. Nabawasan ang tensyon sa dibdib ko sa ginawa nya, patuloy pa rin sa pagkabog ang dibdib ko. "Don't you dare do it again. Or else you will not going to like what I'll do the next time you close your eyes." Binigyan nya ako nang tingin na nagpakaba sa akin at bigla na lang lumabas ng library. Naiwan akong tigalgal sa nangyari. Nagpadala ako sa nakakahalina nyang amoy. Nagsisi na ako kung bakit hindi ko pinakinggan ang sinabi nya kanina. Sa sobrang lapit ng mga mukha namin kanina, kulang na lang ay mahalikan nya ako. Sa lakas ng dating nya, walang babae ang hindi makakaligtas sa kanyang aura. At isa na ako do'n! Ito ba ang nararamdaman ng mga babaeng nakakasama at nakakatalik nya kapag malapit sya? Niligpit ko ang mga nagkalat na papel sa ibabaw ng mesa sa harap ko. Mukhang hindi na sya babalik dito sa library. Ilang oras na mula ng lumabas sya. Lumabas ako ng library at nakasalubong si Dana. "Nakita mo ba si Sir Adler?" "Opo, Ate Blaine. Kaaalis lang dala ang kotse nya. Akala ko nga si batman kung magpatakbo ng kotse nya. May pagkakahawig kasi 'yong sasakyan nya sa kotse ni Batman." Sagot nya. May bitbit syang mga punda. "Sige. Salamat." Nginitian ko sya. Tumango sya at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ako pwedeng umuwi kapag hindi nagpapaalam sa kanya. Tinignan ko ang oras. Alas otso na nang gabi. Kailangan ko nang umuwi. Baka tulog na si Kyzo. Tinext ko si Viel na mamaya pa ako uuwi dahil hindi pa ako nakakapagpaalam sa amo ko. Minutes passed by, walang Kyng Adler na dumarating. Napabuga ako ng hinga. Kasalanan ko 'to. Kung nakinig lang ako sa utos nya, sana ay nakauwi ako ng maaga. May number naman nya ako. Sinubukan ko syang tawagan pero hindi sya sumasagot. I decided to text him kung pwede na akong umuwi. Hinintay ko pa ang reply nya. Hindi naman ako nabigo at nagreply, saying 'okay'. Malamig na nga ang pakikitungo sa akin ni Sir Adler tapos heto at ginatungan ko pa. Sinukbit ko sa aking balikat ang bag at nagsimulang lumabas sa mansyon. Naabutan ko si Onyx na naghihintay sa tapat ng gate. “Tinext ako ni Viel na wala ka pa sa bahay nyo kaya nagbakasakali ako kung nandito ka pa. Bakit ginabi ka na nang uwi?” Nagtatakang tanong ni Onyx. Kinuha nya ang bag ko. “Nagkaproblema lang sa trabaho.” Nasabi ko nalang. Hindi ko pwedeng sabihin na nagwalk-out ang amo ko dahil hindi ko sinunos ang babala nya. Sumakay kami ng tricycle para mabilis makauwi. Pagdating namin sa tapat ng gate, bumaba ako sa tricycle. Hindi ko na hinayaan na bumaba sa backseat ng tricycle driver si Onyx. Nagpasalamat ako sa paghatid nya sa akin at kumaway habang papalayo ito. Tumalikod ako at sinimulang bukasan ang gate. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Kinuha ko muna ang cellphone sa loob ng bag ko saka pumasok at sinara ang gate. Binasa ko ang text na aking natanggap. Halos takasan ako ng dugo sa aking nabasa. Dumagundong ng malakas ang dibdib ko. Isang mensahe mula sa unknown number. [I don't want any man lingering around you. You know I'm possessive and obsess when it comes to you. You'll never scape from me. YOU'RE MINE.] Nanginginig ang mga kamay na nabitawan ko ang cellphone. Wala sa loob na dahan-dahan akong napalingon sa kalye. Isang bulto ng tao ang natagpuan ko na nakatayo sa hamba ng kotse kung ito naglalagi para subaybayan ako. Hawak ang cellphone na kanyang binabalik sa bulsa. Kutob kong galing sa kanya ang mensahe. Paano nya nalaman ang number ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD