Ilang gabi na akong walang maayos na tulog at ilang gabi na laging nasa kabilang kalye ang taong nakamasid sa bahay namin, o sa akin.
Sinabi ko kay Viel ang nakita at sinubukan namin na abangan ang pagbalik ng taong iyon kinagabihan, hindi kami nabigo dahil bago mag-alas otso ay nakapark na ang kotse nito sa madilim na parte ng kalye kung saan lagi kong nakikita.
Nakaramdam kami nang takot, lalo na at wala kaming kasamang lalaki sa bahay. Nag-double lock kami ng mga pinto at bintana. Si Viel ay natutulog na sa kwarto namin dahil takot din sya, kaya magkakasama na kami sa kwarto namin ni Kyzo natutulog.
Nagsumbong ako sa barangay ngunit bigo silang mahuli ang pakay. Minsan ay darating ito kapag wala na ang mga tanod na nagpapatrolya sa lugar namin. Parang isang hayop na nakakaamoy ng panganib kapag may mangangasong umaaligid.
Napapaisip ako kung sino ang taong iyon.
Matagal na ba nya akong sinusubaybayan? Bakit lagi syang nakatunghay sa bahay namin at parang inaantay na bubungad ako sa bintana o lalabas ng bahay? Anong kailangan nya sa akin?
Nangilabot ako sa naisip.
Wala naman akong maalala na nagkaroon ng obsess suitor dahil puro pahangin at sa simula lang magaling manligaw pero malalaman ko na lang ay may nililigawan nang iba.
Maliban na lang kay Onyx na pinayagan ko ng manligaw sa akin ngayon, pero malabong sya iyon. Hindi ganoong tao si Onyx.
Kung kaaway naman ay wala akong maisip kung sino. Maliban siguro sa mga tsismoso't tsismosa sa lugar namin na pinagsasabihan ko pero hindi naman ganoon kalala ang awayan, kinabukasan ay okay na kami kasi ibang tao na naman ang topic of the day nila.
Habang naglalakad, iyon pa rin ang nasa isip ko.
Hindi pa sumisikat ang araw pero maliwanag na ang daan.
Napatalon ako sa gulat nang makita ang isang tangkay ng red tulip sa aking harap. Pumwesto sa aking harap ang may hawak ng tulip. Si Onyx. Nakangiti sya at lumabas ang malalim nyang dimples sa magkabilang pisngi.
Simula nang magtapat sya sa akin at nagpaalam na manliligaw, lagi nya na akong binibigyan ng isang tangkay ng iba't-ibang bulaklak. Noong una ay natuwa ako pero nang tinanong ko sya kung saan nya kinukuha ang mga bulaklak, pinupuslit nya raw sa Orchidarium ni Madam Sonya. Binatukan ko sya at pinagsabihan.
Paano na lang kapag nalaman ni Madam Sonya na nagkukulang ang mga bulaklak nya tapos malalaman nyang nasa akin ang mga bulaklak na iyon? Baka sabihin nyang magnanakaw ako.
"Onyx, tigil tigilan mo na itong pagpuslit ng bulaklak sa Orchidarium ni Madam Sonya. 'Pag nalaman nyang nasa akin ang mga bulaklak, malilintikan ka talaga sa akin." Kunwa’y galit na sabi ko habang tinatanggap ang red tulip at inamoy amoy. Panandalian kong nakalimutan ang iniisip kanina.
"Wag kang mag-alala, binili ko na 'yan sa Orchidarium kahapon, mabuti na lang at mukha pang fresh. Saan nga pala punta mo? Ang ganda mo ngayon. Nakaporma ka, hindi iyan ang madalas mong bihis kapag pumupunta ka sa palengke. Ihahatid kita bago ako pumasok sa trabaho." Sabi ni Onyx habang sinasabayan ako sa paglalakad.
Pinamulahan ako sa sinabi nya.
Ako? Maganda? Nambola pa ang loko, dati hindi naman nya ako sinasabihan na maganda. Kumo nanliligaw na sya sa akin ngayon.
Si Viel ulit ang pinagbantay ko sa tindahan kasama si Kyzo. Nagwala pa nang ayaw kong payagan sumama kay Viel. Wala na akong nagawa at nakipagkasundo sa kanya na mag-behave at may pasalubong sya sa akin.
"Ngayon na ako magsisimula sa trabaho sa mansyon." Sabi ko habang patuloy na inaamoy ang red tulip na bigay nya.
Ang bango.
I'm not into flowers pero hindi ko maiwasang i-appreciate ang bango nito. Nang magsawa sa pag-amoy sa bulaklak, binaba ko ang kamay na may hawak ng bulaklak.
Nagkwentuhan kami ni Onyx habang naglalakad papunta sa mansyon, doon din ang punta nya dahil ibibigay nya ang inventory ng mga naaning kalabasa at mais noong isang araw.
Sa sobrang laki ng farm na pag-aari nila Madam Sonya, lahat na yata ng pwedeng itanim ay nasa farm na nila. Lahat ng mga nagtatrabaho sa farm ay pawang tagarito sa lugar, kaya malaking tulong ito sa mga tagarito dahil hindi na pumupunta sa syudad para lang makapaghanap ng trabaho. Ang iba ay tumanda na sa pagtatrabaho sa farm, ang iba ay dito na nagkapamilya.
Pagdating namin sa tapat ng gate ng mansyon ay naghintay kaming magbukas ang saradong gate.
Authorized personnel at ang mga nakatira sa mansyon lang ang pwedeng pumasok. Kung hindi kasama sa authorized persons na pwedeng pumasok, kailangan munang magpa-appointment, hindi sila basta bastang nagpapapasok dito. Ganito kahigpit sa mansyon nila Madam Sonya.
Naghintay pa kami ng ilang segundo bago kami pinapasok ng lady guard.
A modern mansion welcomed us as we enter. Napapalibutan ito ng bermuda grass at mga punong katamtaman ang laki. May path walk din na dadaanan na maghahatid sa entrada ng mansyon. Sa kabila ng lokasyon nito, naghuhumiyaw sa karangyaan ang lugar. Nadaanan pa namin ang mga unipormadong tauhan sa mansyon na abala sa gawain, tinatanguan at nginingitian na lang namin sila.
Pinatuloy kami sa veranda dahil nandoon si Madam Sonya. Naabutan namin syang nakatunghay sa kalangitan at may hawak na umuusok na tsaa. Animo'y nilalasap ang kapayapaan ng paligid.
Huminto kami sa nakabukas na glass door at mahinang kinatok ng dalawang beses ang pinto. Lumingon sya sa direkyon namin at sinalubong kami ng malapad na ngiti.
Sa kabila ng edad ni Madam Sonya, mababakas ang kagandahan nito.
"Hali kayong dalawa! Maupo kayo!" Pagpapaunlak nya sa amin. Tumalima kami at naupo sa bakanteng upuan na katapat nya.
Kunot noong tumingin sya sa hawak kong red tulip at tumingin sa direksyon ni Onyx. "Sya ba sinasabi mong pagbibigyan mo ng bulaklak?"
Nahihiyang sumagot si Onyx. "Opo."
Mahinang natawa si Madam Sonya, habang ako ay halos magkulay kamatis na sa narinig.
"Paghusayan mo ang panliligaw kay Blaine, Onyx. Bagay kayo." Pagpapalakas ng loob ni Madam Sonya kay Onyx.
Grabe naman. Talagang sa harap ko pa nagbigay ng encouragement si Madam Sonya at kung mag-usap sila parang wala ako sa harap nila.
Bigla akong nailang.
Kasi naman, bakit binanggit pa ni Onyx na ibibigay nya ang bulaklak sa taong nililigawan nya?
"Salamat po."
"At ikaw naman Blaine, wag mong pahirapan sa panliligaw si Onyx." Baling nya sa akin.
Yumuko ako at napakagat labi sa sinabi nya. Nakita ko pa sa peripheral vision ko ang pagngiti ni Onyx.
"Ito na po ang inventory ng kalabasa at mais noong isang araw. Mamayang hapon po ang dating ng mga fertilizer para sa orchids nyo." Imporma ni Onyx.
Nanatili akong tahimik sa kanyang tabi. Nag-usap pa sila sa mga bagay na may kinalaman sa bagong factory na ginagawa, doon isasalang ang mga sobrang prutas at gulay bilang pickles at snacks. Hindi kasi maiwasan na sobra ang naaani nilang prutas, kesa masira ay naisipan ni Sir Tony na gawin itong pickles at snacks.
Nang makaalis si Onyx, naiwan kaming dalawa ni Madam Sonya sa payapang veranda.
"Ilang taon ka na ba, Blaine?" Nagulat ako sa tanong nya.
Bakit gusto nya malaman ang edad ko?
"Twenty five po." Sagot ko.
Napatango tango sya sa sagot ko. "Kung hindi ka lang nililigawan ni Onyx, baka inireto na kita sa anak ko. Kaya lang masyadong pihikan sa babae ang anak ko."
Pinamulahan na naman ako ng mukha.
Ano ba yan? Umagang umaga, ginigisa ako ni Madam Sonya sa mga pinagsasabi nya. Ako? Irereto nya sa anak nya? Sa pagkakaalam ko ay binata pa ito pero matatanggap kaya nya ako? May anak ako. Hindi ko pa nakikita sa personal ang anak nya dahil nakatira ito sa Mexico kung iyon ang tinutukoy nya. Bakit ba iniisip ko kung tatanggapin ako ng anak nya para maging asawa nito? Dapat trabaho lang ang nasa isip ko. May anak at kapatid na umaasa akin.
Sumimsim ng tsaa si Madam Sonya bago ako inaya na pumasok sa loob ng mansyon.
"Mamaya na ang alis namin ni Tony papuntang Mexico. Pupuntahan ko sya sa ospital maya-maya para sunduin. Ibibilin ko sayo ang mga kakailanganin ng anak ko. Hindi nya kasi kabisado ang farm dahil ang negosyo nya sa Mexico ang tinututukan nya. Alam ko namang tutulungan mo ang anak ko, kabisado mo naman ang pasikot-sikot sa farm, di ba?" She asked while opening the double door.
"Opo." Magalang kong sagot.
When I was looking for a job, pansamantala akong nagtrabaho sa farm. Nasubukan kong magtanim ng palay, totoong magtanim ay di biro. Masakit sa likod, dagdagan pa ng mainit na sinag ng araw. Nakapagharvest na rin ako ng coffee beans, mais, kamatis, chiko at grapes. Kaya kahit papaano ay alam ko na ang takbo sa farm.
Halos pigilan pa ako noon ni Sir Tony sa pagtatrabaho sa farm at sinabi pa nyang bibigyan nya na lang ako ng kailangan ko pero nagpumilit pa rin ako. Sobra-sobra na ang tulong na binibigay nila sa amin, nakakahiya nang lagi kaming tumatanggap ng bigay nila.
Binilin pa sa akin ni Madam Sonya ang Orchidarium, wala daw hilig sa bulaklak ang anak nya at baka masira lang ang mga bulaklak. Pumayag ako. Sa isiping mag-aalaga ako ng bulaklak, bigla akong na-excite. Kasalanan ito ni Onyx. Kung hindi ba naman nya inaaraw araw ang pagbibigay ng bulaklak sa akin, hindi ako mahihilig sa bulaklak.
Nakita ko ang mga malalaking maleta na malapit sa mahabang sofa. Nakahanda na ang mga gamit na dadalhin nina Madam Sonya at Sir Tony papuntang Mexico. The thought of them leaving the place makes me feel sad. Hindi naman sila magtatagal doon dahil kailangan lang makapagpahinga ng maayos ni Sir Tony at malayo sa nagbabanta sa buhay nito.
"Blaine, pwede bang pakikuha ang ledger ko sa library? Naiwan ko pala roon. Akala ko nandito sa kwarto namin." Pakiusap nya.
"Sige po."
Lumabas ako ng kwarto at naglakad papuntang library.
Noong unang punta ko dito sa mansyon, naligaw ako sa sobrang laki, para akong pumasok sa isang maze. Kulang nalang ay maiyak ako dahil hindi ko matanaw kung saan ako lalabas. Mabuti na lang at may nakasalubong akong maid noon. Hiyang hiya ako, daig ko pa ang pusang naliligaw sa kalsada. Nakailang punta pa ako rito bago nakabisado ang loob ng mansyon.
"Ah!"
Napatalon ako sa gulat nang may marinig na impit na sigaw.
Ano yon?
Ilang sandali muna akong tumayo sa hallway, pinapakiramdaman kung may narinig ba talaga ako o guni-guni ko lang.
Mukhang guni-guni ko lang yata, wala na akong naririnig.
Ihahakbang ko na sana ang kanang paa ko nang marinig ulit ang sigaw. Muntik pa ako ma-out of balance.
Shit! Saan ba galing 'yon?
Dahan dahan akong lumapit sa wall at nilapit ang tenga, pinapakingggan kung saan nanggagaling ang sigaw na narinig.
Wala akong marinig, naglakad pa ako ng konti at hindi ako nabigo. May naririnig na akong mahihinang boses pero hindi nag-uusap, parang mga ungol.
Kunot noong dinikit ko pa lalo ang tenga sa hamba ng nakasaradong pinto. Alam kong masamang makinig sa pribadong usapan pero may nag-uudyok sa akin na pakinggan ito, kung pag-uusap nga ba ang ginagawa ng mga taong nasa loob.
Out of curiosity, dahan-dahan ko na pa lang pinipihit pakanan ang door knob, unti-unting binubuksan ang pinto. Unang bumungad sa akin ang dulong bahagi ng kulay gray na sofa. Mas niluwagan ko pa hanggang matagpuan ang pinagmumulan ng ingay na aking narinig.
Diyos ko! Totoo ba itong nakikita ko? Alam kong nasa tamang edad na ako para makakita ng ganitong eksena pero hindi sa ganitong papasikat pa lang na araw!
Nakita ko ang dalawang taong mainit na nagtatalik.
Nagtaas baba ang babaeng nasa pagitan ng lalaki, nakababa sa baywang nito ang red silk dress na tumatakip sa pribadong bahagi ng katawan nila. Desperada sya sa bawat taas baba ng katawan na halos hindi mapigilan ang kumakawalang halinghing sa bibig. Sumasabay sa galaw ang itim at mahaba nyang buhok. Bagamat nakatalikod ang babae sa direksyon ko, alam kong sarap na sarap sya sa pagnanasang lumulukob sa katawan base na rin sa ungol nya.
The man sitting on the sofa snaked his big hands to her waist, na parang ginagabayan ito sa pagtaas baba sa harap nya. Napasubsob sa balikat ng lalaki ang babae habang patuloy na gumagalaw sa ibabaw ng lalaki. Sinubsob naman ng lalaki ang mukha sa leeg ng katalik.
Nakaramdam ako ng pag-iinit ng katawan sa nakikita. Nakakalagnat na eksena. Nagsisimula na rin akong pagpawisan. Napahawak ako ng mahigpit sa door knob.
This is not right, Blaine.
Nagmumukha akong magnanakaw na nag-aantay ng tyempo para makapagnakaw. Gusto ng utak ko na umalis pero ang katawan ko ay natulos na sa kinatatayuan.
Bahagyang nilayo ng lalaki ang mukha sa leeg ng babae at nagpakawala ng malalim na paghinga. Then his dark brown eyes found mine, his mouth slightly open. Sandali itong nagulat nang makita akong nanonood sa kanilang ginagawa pero nakabawi din. Tinignan nya ako nang diretso sa mga mata at patuloy sa kanilang ginagawa. Nanlaki ang mata ko.
Shit! s**t! s**t! Nakita nya ako!
Dali-dali kong sinara ang pinto. Natulos ako sa kinatatayuan at habol ang hininga.
Nakita nya ako! Nakita nya akong pinapanood sila!
"Ate Blaine, anong ginagawa mo dyan?" Nagulat pa ako ng sumulpot sa tabi ko si Dana, isa sa katiwala sa mansyon.
Nasa tapat pa rin ako ng pinto. Nilingon ko sya at ilang beses na napakurap. Nararamdaman ko na ang pagdaloy ng pawis sa aking noo at leeg.
"W-wala. N-naliligaw lang." Nasabi ko.
Ako? Naliligaw? E kabisado ko na ang pasikot sikot sa loob ng mansyon tapos naliligaw ako? O baka naligaw ng landas dahil hindi naman itong kwarto ang pupuntahan ko.
Kunot noong tignan ako ni Dana. Maging sya ay hindi rin naniwala sa sinabi ko.
"Sige. Maiwan na kita. May pinapakuha sa akin si Madam Sonya sa library e." Tinapik ko sya sa balikat at malalaking hakbang na umalis sa tabi nya. Nang may maalala, huminto ako saglit at nilingon si Dana na nakatingin sa akin. "At wag na wag kang papasok sa kwarto na 'yan." Habol kong sabi. Mas kumunot pa ang noo nya sa sinabi ko.
Kasing edad lang sya ni Viel kaya hindi pwedeng makita nya ang tagpong matatanda lang ang dapat makakita. Humakbang na ako at tinungo ang daan papuntang library.
Binuksan ko ang pinto ng library at kinuha ang pakay. Pabalik na ako sa pinanggalingan ko nang matanaw ang kwartong sinilip ko kanina.
Dumagundong ang kaba sa aking dibdib sa naalala.
Kailangan ko ng makaalis sa hallway na ito, paniguradong hinahanap na ako ni Madam Sonya.
Pikit matang tinakbo ko ang hallway habang mahigpit na hawak ang ledger, ayokong makita ang pinto na 'yon! Narating ko ang pinto ng kwarto nila Madam Sonya na hinihingal. Huminga muna ako ng malalim para kahit konti ay mabawasan ang pagkahingal ko, saka ko binuksan ang double door.
"O, Blaine, bakit ngayon ka lang? Pawis na pawis ka pa." Gulat nyang sabi.
Kinuha nya ang tissue sa bedside table at naglakad palapit sa akin, inabot nya ang tissue. Kumuha ako ng tatlong piraso at pinunas sa pawisan kong mukha at leeg. Tinapon ko sa trash bin ang ginamit na tissue.
"Naligaw po kasi ako." Alibi ko.
"Naligaw? Akala ko kabisado mo na ang pasikot sikot sa mansyon. Sabagay, kahit ako man ay naliligaw din sa sarili kong pamamahay." Tumawa sya sa huling sinabi. Nahihiyang nakitawa ako.
Inabot ko sa kanya ang ledger, ang may kasalanan kung bakit hanggang ngayon ay naglalakbay ang isip ko sa kwartong 'yon. Wala na akong maintindihan sa ibang habilin ni Madam Sonya. Totoo ngang curiosity killed the cat, halos mamatay na ako sa sobrang pagkawindang kanina. Though I experienced having s*x pero iba ito sa naranasan ko. Isang bangungot na karanasan ang nangyari sa akin kompara sa nakita ko kanina na napakaeskandaloso. May sarili silang mundo.
Ilang sandali pa ay nakarinig kami ng tatlong katok mula sa double door. Parehas kaming napatingin ni Madam Sonya sa pinto.
"Come in." Pagpapapasok nya.
Pumihit ang siradura at bumukas ang pinto. Iniluwa no'n ang isang matangkad na lalaki.
Nakasuot ito ng black muscle tank na bahagyang nakikita ang magkabilang gilid ng itaas na bahagi ng katawan, sumisilip ang gilid ng malapad nitong dibdib. Tinernohan nya pa ito ng navy green shorts. Mababakas na alaga nito ang pangangatawan sa paggi-gym pero hindi roon naka-focus ang atensyon ko kundi sa mga mata nyang nakatuon sa akin.
Dahan-dahan syang naglakad sa kinauupuan namin. Umupo sya sa bakanteng upuan na katabi ni Madam Sonya, hindi nya inaalis ang tingin sa akin. Walang humpay naman sa pagtambol ang kabang nararamdaman ko sa mga minutong lumilipas.
Ikaw ba naman makasaksi ng pribadong eksena. Ngayon ay nasa harapan ko ang lalaking nakita ko sa silid na 'yon.
"Saan ka ba galing anak? Kanina pa kita pinapahanap kay Conchita. Hindi ka raw nya nakita sa gym room." Baling ni Madam Sonya sa anak na hindi inaalis ang tingin sa akin.
Hindi ko kinaya ang titig nya kaya yumuko ako.
Bakit ganyan nya ako titigan? Parang nakakita sya nang isang bagay na bihirang makita. Well, bihira nga naman. Dapat kasi hindi na ako sumilip. Nakakahiya! Gusto ko nalang pumunta sa outer space para hindi nya na makita.
"Nasa kwarto lang ako, Ma." He said.
Napataas ako ng tingin nang marinig ang baritono nyang boses. Hindi nya pa rin inaalis ang pagkakatitig sa akin.
"O, sya. Adler, sya nga pala ang magiging assistant mo sa farm. She's Blaine Ernesto. Blaine, sya ang anak ko, Si Kyng Adler Sullivan." Pagpapakilala ni Madam Sonya sa aming dalawa.
Nilahad nya ang kanang kamay. Tinignan ko ang nakalahad nyang malaking kamay, biglang naalala ko ang tagpo kung saan hinawakan nya ang baywang ng babae na katalik kanina.
Lihim na pinagalitan ang aking sarili sa naisip.
Tinanggap ko ang pakikipagkamay nya at tumingin sa kanya. Nakaramdam ako nang bahagyang pagpisil at nagulat ako nang makitang nakangiti sya sa akin.
Oh god! He's smiling at me, a genuine smile.
Malayo sa seryosong mukha na nakapaskil sa gwapo nyang mukha kani-kanina. I didn’t know that he can smile like this. Panandalian kong nakalimutan ang eskandalong ginawa nya sa sariling kwarto.
“Nice to see you. Again.” He said, smirking.
Nawala ang pagsasaya ko sa sinabi at pagngisi nya.
See you? Again? ‘Di ba dapat ‘Nice to meet you’ dahil ito ang una naming pagkikita. Kilala nya ba ako? Bakit hindi ko sya kilala? Ito ang unang beses na nakita at nakilala ko sya, di ba? Sari-saring mga katanungan na nagbibigay sa akin ng palaisipan.
Bigla ay nakaramdam ako ng pagkabalisa, hindi ko alam kung bakit. Binawi ko ang kamay ko na parang nakuryente at nilagay sa aking hita.