Binaklas ko ang mga kamay nyang nakayakap sa akin. Being confined in his arms gives me a vague feeling. Nagugulo ang sistema ko sa mala-roller coaster nyang ugali. Daig pa ako sa pagbabago ng mood kapag may monthly period. Sinipat ko ang wristwatch ko. Eight o'clock in the evening. "Sir Adler, kailangan na po natin bumalik sa mansyon. Kailangan ko na rin po umuwi." Sabi ko na nakatalikod sa kanya. Sana abutan ko pa na gising si Kyzo dahil may pasalubong ako sa kanya na siguradong magugustuhan nya. Kinuha ko ang orchid na ni-repot namin. Naglakad ako sa harap ng mga nakahilirang mga orchids at naghanap ng bakanteng espasyo para sa orchid na hawak. May nakita akong vacant space sa ibabang bahagi ng mga white Phalaenopsis, nilapag ko ito sa unang baitang ng patungan. Pinagpagpag ko ang kam

