Sa mga taon na lumipas, puro iwas at takbo lang ang ginawa ko para hindi maulit ang nangyari. Para akong nakikipaghabulan sa isang multo na bigla na lang mawawala at bubulaga sa anumang oras. Mahirap umusad sa buhay kung ang takot at kaba ay nakadikit pa rin sa sistema at hindi ka nilulubayan. Lalayo lang panandalian para bigyan ka ng ilang oras para makahinga pero babalik at babawi para pahirapan ka. Mabigat ang katawan na bumangon ako sa kama. Pagdating ko sa bahay kagabi, alam ko nang mangyayari ito sa akin. Tinanghali na ako nang gising. Mabuti na lang at day-off ko ngayon sa mansyon. Nilingon ko ang natutulog kong anak. "Kyzo, anak, gising na." Niyugyog ko sa balikat si Kyzo sa aking tabi. Kumunot ang noo nya at gumalaw ang labi, nanatiling nakapikit ang mga mata. Tulog mantika na

