Bumagsak sa sementong kalsada ang taong sinugod ni Onyx ng suntok. "Onyx! Tama na!" Sigaw ko. Agad na lumapit ako sa kanya at hinuli ang kamay nyang umamba para sumuntok muli sa taong nakasalampak sa kalsada. Pilit na hinihila ko sya palayo rito. Nilingon at bumaba ang tingin ko sa sementong kalsada. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino ito. "S-sir Adler, a-anong ginagawa n-nyo rito?" Nakaramdam ako ng kaba sa kaalamang nandito sya sa harap ng bahay namin. Paano nya nalaman ang bahay ko? Alam ko na maliit lang ang lugar namin pero hindi ko inaasahan ang pagpunta nya rito. Wala naman akong nababanggit sa kanya kung saan ako nakatira. Saka, hindi ba dapat ay nasa restaurant sya ngayon kasama ang babae nya? Bakit nandito sya? Mula sa pagkakasalampak sa sementadong kalsada ay unti-unti

