Onyx Gonzales. Maingat na nilandas ko ang aking kamay sa pangalan na nakaukit sa parisukat na bato. Ang gaspang at umbok nito ay tulad ng aking puso ngayon, dumidikit ang mga alaala sa bawat haplos sa pusong may malalim na sugat. Tahimik na umiiyak ang mata at puso ko para sa kanya. Pigil ang hikbi na umiyak ako sa sementeryo. Umaga at tanging ako lang ang bisita sa tahimik na lugar. Hindi ko na inabala ang sarili na punasan ang luha dahil hindi niyon matutuyo ang walang humpay na pag-agos nito. Tatlong araw na ang nakalipas mula ng mailibing si Onyx pero nananatili pa rin ang sakit at pangungulila sa aking dibdib sa pagkamatay nya. Hindi iyon basta bastang mawawala lalo na't naging malaking parte sya ng buhay ko. Wala na si Onyx. Isa sya sa importanteng tao sa buhay ko. Ang taong nasa

