Napatitig ako sa mga mata nya. Hinayaan ko ang sarili na namnamin ang kamay nyang mabini na humahaplos sa aking pisngi. Ilang segundo na magkahinang ang aming mga mata, walang nagsasalita. Hindi ko alam ang sasabihin. Kahit sino naman ay pwede maging parte ng buhay ko pero sa oras na ito, hindi ko alam. Until his face darkened. Bumaba ang tingin nya sa labi ko na nakasara. Mula sa paghaplos sa basang pisngi ay binaba nya sa aking labi. Magaan ang paglandas ng kanyang hinlalaki sa aking labi, sinusundan ang bawat linya nito. Nang mag-angat sya ng tingin ay halos panawan ako ng ulirat. Ang titig na ilang beses ko nang nakita kapag hahalikan nya ako. Mula sa pagkakaluhod ay inangat nya ang sarili at sinalubong ako ng halik, nawalan pa ako ng balanse sa impact ng biglaan nyang paghalik. Mab

