"Sir Adler..." Ilang dangkal na lang ang lapit nya mula sa akin. Ang taong dalawang araw ko nang iniiwasan ay narito sa aking harapan. Naglakad sya papalapit sa akin habang umaatras naman ako palayo sa kanya. Napalingon ako sa aking likod nang mabunggo ko ang cabinet. Muntik pang malaglag ang babasaging flower vase ni Madam Sonya. Naku! Malilintikan talaga ako kapag nabasag to! Mukha pa namang mamahalin. Baka idagdag pa ito sa utang ko sa kanila. Naramdaman ko ang pagpatong nya ng mukha sa aking balikat. Nagsitayuan ang balahibo ko sa pagtama ng kanyang mainit na hininga sa aking leeg at halos kilabutan ako. Lumandas sa pang-amoy ko ang alcohol na nanuot sa kanyang damit. Sinilip ko sya. Uminom ba sya? Umagang umaga, iyon agad ang laman ng sikmura nya? May kinain ba muna sya bago umin

